LORRAINE POV.
Inayos ko muna sandali yung buhok at sling bag na dadalhin ko. At nang matapos ay mabilis kong isinukbit sa balikat ko yung sling bag at excited na sinuot ang sapatos ko. By the naka v-neck shirt lang ako ngayon na naka tuck in sa maiksing maong short ko. At nakalugay ang maitim, mahaba at kulot kong buhok. Hindi na ako nag abala pang maglagay ng make-up. Maganda naman na ako noon pa. Simple lang pero malakas ang dating. Kaya hindi ko na kailangan pang magpaganda.
Lumabas na ako ng bahay at naglakad lakad habang naghihintay na may dumaang taxi. Plano ko kasing magcommute papunta sa lugar kung saan kami magkikita at magdidate ni Dennis. Alas otso ang usapan namin at siya yung nag imbita sa akin. Ang sweet talaga ni Dennis sa akin at ramdam ko ang sobra - sobra niyang pagmamahal sa akin.
Sa ngayon, alas sais pa lang kaya ng marating ko ang nasabing lugar naglibot - libot muna ako. Hindi naman halata sa akin na sobrang excited na akong makita siya noh? Namiss ko lang naman kasi siya.Sa paglilibot ko may nakita akong ice cream parlor kaya sandali akong pumunta dun at agad na bumili. Sa harap nun, ay mayroong park na may playground at mga batang masayang naglalaro. Dumako ang atensyon ko, at hindi ko namalayang naglalakad na pala ako papunta sa park. Habang masarap at enjoy na enjoy sa pagkain ng ice cream na binili ko pa kay Manong Ben.
Umupo ako sa may swing at malayang pinagmasdan ang mga batang masayang naglalaro at ang mga overprotective nilang mga yaya na todo bantay at sunod ng sunod sa kanila. May lumapit sa akin na batang babae, maganda, maputi at matangkad. Bigla siyang may ibinigay sa akin. Panyo - nagtataka man ay tinanggap ko na rin ang bigay niya. Bigla siyang nagsalita "Bakit ka po umiiyak, miss?" - tila nag - aalalang tanong ng batang babae sa akin. Dun ko lang napagtanto na umiyak na pala ako. Gamit ang panyong binigay niya sa akin, pinunasan ko yung mata kong lumuluha. At agad na bumaling ang atensyon ko sa kaniya, sabay sagot ng "Wala ito. May bigla lang akong naalala. Namimiss ko na kasi yung childhood friend ko. Madalas, kapag nagkikita kami katulad ninyo din kaming masasayang naglalaro. Yun nga lang iniwan niya na ako. Hindi ko na alam saan ba siya nagpunta." - malungkot na sagot ko na ikinangiti naman nung batang babae. Napangiti na lang din ako. Napakasiyahin niyang bata nakakahawa ang magaganda at malalapad niyang ngiti.
"Ano po ba ang pangalan ninyo, Miss? Pwedeng ako na lang po muna ang maging childhood friend ninyo pansamatala." - magiliw at masayang wika ng batang babae sa akin.
"Lorraine. Lorraine Khate Madrigal ang pangalan ko. Eh, ikaw ano bang pangalan mo? Baka hinahanap ka na ng yaya at magulang mo." - sagot at agad din namang tanong ko sa kaniya. "Trixschia po. At wala po ang parents ko dito nasa ibang bansa nagtatrabaho. Yaya ko lang ang kasalukuyang kasama ko ngayon. " - malungkot na sambit niya naman na nagpakonsensya sa akin. Agad akong nag - isip ng paraan para mapawi ang lungkot at pagkalumbay na nararamdaman niya ngayon.Ting! Alam ko na! Ice cream! - sigaw ng isip ko. Talino ko talaga.
Nilagay ko sa bulsa ang panyong ibinigay niya at agad Kong hinawakan ang kamay niya. Iginaya ko siya sa bilihan ng ice cream. "Pili ka ng paborito mong flavor. My treat, kahit pa ilan Yan!" - masiglang sabi ko sa kaniya na agad namang ikinangiti at ikinangisi niya. Kyut naman ng batang toh.Matapos ang ilang sandali na pakikipag - usap sa batang babae na si Trixschia. Napagdesisyunan na naming bumalik sa park at sandali akong nakipaglaro sa iba pa niyang kaibigan. Bigla kong naalala si Dennis. At kinakabahan akong napatingin sa suot kong relo.
Pasado alas otso na. Kailangan ko ng pumunta sa meeting place namin ni Dennis. Pero bago yun, kinuha ko ang cellphone ko sa sling bag. At mabilis na dinial ang number ni Dennis.
But what the hell? Nireject niya yung tawag ko? First time yun ah. Sinubukan ko ulit but this time cannot be reached na and I guess in-off niya na ang cellphone niya.
The hell that damn boy. Pinag-aalala niya ako at pinapakaba.
Muli ko siyang tinawagan, hindi lang basta isang beses kundi mga sampung beses na pero ganun pa rin.
![](https://img.wattpad.com/cover/274397553-288-k946465.jpg)
YOU ARE READING
COMPLICATED LOVE SERIES: UNTIL WE MEET AGAIN
General FictionA not so ordinary kind of love story will touch your heart. She already had a boyfriend. They are happy and contented with their relationship. Until something happens and for an instance it changes their life. The only person whom she trusted for y...