CLS : UWMA8

53 11 0
                                    

Renz POV.

Ako nga pala si Renz Villafuente, you can call me Renren. Ako ang childhood friend at someone na binabanggit nina Miss author JhoiiToTheWorld and Lorraine sa nagdaang kabanata.

Go back to story. . .
Nagulat man ako sa biglaang paghalik ni Lorraine sa akin. Walang pag - aalinlangan, at pagsisisi kong tinugon ang halik niya. Medyo nakaramdam ako ng galak at saya dahil sa ginawa niya. Alam ko parang pinag samantalahan ko lang ang kahinaan niya. Pero sino bang lalaki ang makakatiis sa napaka ganda, napaka seksing babae kagaya ng kahalikan ko ngayon.

Dumako ang palad ko sa maliit at manipis niyang baywang. Kinarga siya at mas lalong idinikit sa mainit at matipuno kong katawan. Mas lalo kong pinagbutihan ang paghalik ko sa mapula, malambot at masarap niyang labi. Ngunit agad din natigil ang paghahalikan naming dalawa ng pareho naming mapagtanto na nasa publikong lugar pa pala kami.

Obviously nasa park pa kami ngayon. . . Agad kong tinanong si Lorraine. "Your place or mine?" - seryoso ngunit hindi ko maiwasang mag - aalinlangan.

"Kahit saan basta kasama kita at hindi ako mahahanap ng kahit na sino." - kinilig man dahil sa paraan ng pagkakasagot niya sa tanong ko ay hindi ko na ipinahalata pa sa kaniya. Agad kong napagdesisyunan na ilayo muna siya sa lahat. Pumunta kami sa resthouse na pagmamay - ari ko sa Palawan.

One week later. . .

Villavenue Beach and Resort.

Sa isang linggo na kasama si Lorraine sa iisang kwarto ay hindi naging madali para sa akin lalo na at magkatabi pa kaming natutulog. Babae siya at lalaki naman ako. I have always my needs. But since I respect her, sobrang pagpipigil ang ginagawa ko. Though minsan naiisip kong angkinin at buntisin na lang siya ay hindi ko magawa. Hindi ako tulad ng ex boyfriend niya na virginity lang ng mga babae ang kailangan. Kung gagawin ko man yun, I'll make sure not justto take the responsibility but because I love the said girl na binuntis ko. At kung mangyari man yun between me and Khate, handa akong panagutan at pakasalan siya.

"Good morning, Renren." - masiglang bati ni Khate sa akin na tinanguan ko lang. "Kain ka ng marami, ayokong nagugutom ka at yung baby natin." - nilagyan ko ng fried rice and fried egg ang plato niya sabay pabirong hinimas ang tiyan niya. Napangisi na man ako sa naging reaksyon niya at kinindatan ko pa siya. Pinandilatan niya naman ako at tinampal ang kaliwang braso ko. "Maghunos dili ka nga, manyak na lalaki ka. Mabait nga pero what the napaka bastos mo." - sermon niya na tinugon ko lang ng isang makahulugang ngiti. Naging hobby ko na ang ganito pag siya ang kasama. At least sa kaniya lang ako ganito. Pinagpatuloy na lang namin ang pagkain. Pagkatapos ay magkasabay kaming naligo. What I mean is. . . Magkasabay nga kami pero ako dito sa banyo ng kwarto ko habang siya naman ay sa iisang banyo na katabi stock room ko sa ibaba.

Matapos maligo. Nagbihis na ako. Simple white v-neck shirt and black jeans na short, rubber shoes. Sinukbit ko na ang dadalhin kong bag at kinuha sa saksakan ang selpon ko. Lumabas na ako ng kwarto at agad na tinungo ang sala. Nadatnan ko si Khate na nakaupong nanonood ng Dora The Explorer. Kaya hindi niya namalayan ang pagdating ko. Ang bilis naman niyang matapos. Nakasuot siya ng plain green casual dress at nakasuot ng 5inches high heels. Tumikhim ako, sapat para marinig at bumaling ang atensyon niya sa akin. "Tara na?" - excited na tanong nito. Pauwi na kami sa Manila ngayon.

One week leave at one week excuse lang ang mayroon kami kaya hindi na namin pwedeng magtagal sa resthouse gustuhin man namin.

After 30minutes. . .

@MyCondo.

Hinatid ko muna si Khate sa kanila at agad akong nagtungo dito. Wala sa sariling tinignan ko ang aking repleksyon sa salamin. It's been a long day. At bukas sasabak na naman ako sa tunay na mundong tinatahak ko. Yun ay ang magtrabaho, mag - aral, bantayan, protektahan, at mahalin si Khate.

Haysst, minsan naisip ko worth it pa bang mabuhay ako kundi lang naman siya mapapasaakin. Unti - unti niya ng natututunan na ngumiti pero hindi katulad nung dati na kasama niya pa si Dennis. Masakit sa part ko, nandito ako.
Ako ang pilit na nagpapasaya, nagmamahal, nagmamalasakit, nag - aalaga. Pero si Dennis pa rin, alam ko naman na sinusubukan niyang kalimutan ang ex niyang yun. Pero bakit kailangan pa niyang mabanggit o mapanaginipan ang lalaki na yun. Mabuti sana kong hindi ko naririnig. But damn sa tuwing maluluwas niya pangalan ng bwiset na yun gusto kong pumatay. Mabait ako pero pagdating sa babaeng mahal o gusto ko naging demonyo ako.

Umiinit na naman ang ulo ko. Lumabas muna ako ng kwarto at pumuntang kusina. Binuksan ang ref, nagsalin ng malamig na tubig sa baso. Dahan - dahang ininom ang lamang tubig. Habang umiinom hindi ko maiwasang isipin ang mukha ni Khate. Hulog na hulog na ako sa kaniya. Kailan kaya niya magagawang saluhin ang isang tulad ko na simula pa lang na makilala ko siya. Wala na akong ibang inibig at minahal kundi siya lang. Ni kahit kailan hindi ko nagawang ibaling ang pagtingin ko sa iba kasi nga may pangako kami sa isa't isa.

Pero minsan hindi ko maiwasang hindi mawalan ng pag - asa.
Maraming lalaki ang nagkakandarapang mapaibig siya.

Si Dennis. Mas pinili niya man si Sam. Ramdam ko sa kilos at titig niya nung una at huling nagtapo ang landas namin mahal at patuloy niya pa rin mamahalin si Khate.

Si Mike. Hindi ko pa man siya nakikilala sapat na ang usap - usapan para malamang seryoso din siya sa panliligaw kay Khate.

Si Jaypee. Matalik na kaibigan ni Khate na kung hindi ako nagkakamali ay may lihim na pagtingin kay Khate, ngunit hindi la magawang umamin dahil torpe. Paano ko nalaman, malamang I have my oh so daming sources.

Meron ding nagkakagusto sa kaniya sa ibang seksiyon at kung minsan sa sobrang hiya at takot kay Dennis idinadaan na lang sa pa- stalk stalk. Pasulat sulat at nilalagay sa locker niya. Meron din sobrang kapal ng muks na kahit wala pa siya sa standard ni Khate, ay lantaran kong magpakita at magparamdam ng pagmamahal at pagkagusto sa kaniya.

Kaya nagtataka lang ako bakit hindi niya mapagbigyang pansin ang mga yun at patuloy umaasa sa isang tao?

...

...

...

Na kahit kailan ay hindi siya nagawang ipaglaban?

Ewan ko rin sa childhood friend kong yun.

Gusto ko siyang makitang sumaya. Yung totoong saya at ngiti na hindi mapapantayan nino man.

Pero paano if isang tao lang makakagawa nun. At yun ay walang iba kundi si. . .

Dennis.

Bumalik na ako sa kwarto ko, muling nahiga, pinikit ko na ang mga mata ko at nagdasal na sana. . .

"Ako na lang ulit, Khate. If this will happened I assure you na hindi ka na muling iiyak at masasaktan pa sa piling ko. And I promise that. Minsan na kitang nasaktan at hindi ko na ulit gagawin yun." - Sabi ng isip ko bago tuluyang nakatulog.

[ END OF RENZ POV ]

COMPLICATED LOVE SERIES: UNTIL WE MEET AGAINWhere stories live. Discover now