CLS : UWMA10

51 11 0
                                    

SAM'S POV.

Kasalukuyan akong papunta kina Mommy at Daddy ngayon. I need to ask them kong totoo ang hinala ko na sila nga ang nagpapatay sa magulang ng best friend ko. At maging ang dahilan ng pagkakabunggo ng kaibigan ko sa napaka pamilyar na kotse. Kung di ako nagkakamali pagmamay - ari namin yun. Mula sa kulay, brand, style, at maging plate number. Parehong pareho nung sa amin kaya imposimbleng hindi sa amin.

Nang nasa opisina na nila ako agad ko silang tinanong. "Is it true Mommy and Daddy? Is the news are real or was it only a fake news?" - walang pag - aalinlangang tanong ko. Ngumiti lang sila sa akin sabay tango. But unfortunately hindi yan ang salitang nais kong marinig at sabihin nila. Kaya muli ko silang tinanong sa pangalawang pagkakataon. At doon sinagot nila ng buong katotohanan ang nag - iisa kong tanong. "Why Mommy? Why Daddy? Of all the people, my bestfriend and her parents pa po? Why?" - hindi maiwasang tanong ko sa kanila.
"Oh why are you mad? If I know, pabor na pabor ito sayo at syempre maging sa amin din. Wala ng makakaaagaw sa boyfriend mo at kami na ang mangunguna pagdating sa business. Tayong pamilya Scott na ang pinakamayaman, pinakamakapangyarihan, at pinakamaimpluwensya sa lahat." - tila natutuwang sambit pa nito na agad ko lang inilingan. "No, hindi kahit man magiging pabor sa akin ang ginawa ninyong pagpatay. I'll make sure na malalaman ito ng mga kapatid niya. Malalaman ito ng pamilya Madrigal. Wala akong magulang na mamamatay - tao. Kinamumuhian ko kayong lahat. Wala kayong kwenta." - puno ng hinanakit at poot na sumbat ko sa kanilang dalawa. Mabilis na sinampal ako ni Dad. Mayroon pa siyang sinabi pero hindi ko na yun pinagtuonan pa ng pansin. Agad kong hinawakan ang kaliwang bahagi ng pisngi ko na sinampal ni Daddy. At nanlilisik na tinignan siya. "I'll make sure, Daddy na makukulong ka. Maging ikaw din Mommy." - at mabilis na nilisan ang opisina nilang dalawa. Agad akong nagtungo sa lugar kung saan hindi nila ako mahahanap.

Hindi ko maiwasang umiyak. Napakasama kong kaibigan, napakawalang kwenta kong kaibigan. Lagi na lang ako ang dahilan ng sakit at paghihirap na nararamdaman ng kaibigan ko. Gusto ko sanang pumunta sa ospital kung saan siya sinugod pero hindi maaari, papasundan lang ako ng mga parents ko dun. Pilit kong nililigaw ang mga body guards at personal driver ng Daddy at Mommy ko na kasalukuyang nakasunod sa akin ngayon. Nang makakuha ng pagkakataon, walang pag - aalinlangan kong binaril ang mga sasakyan nila at nang wala na saka ko lang pinagpatuloy ang pagmamaneho. Sa huli, sa ospital kung saan nakaconfined si Lorraine ako pumunta.

"Tangina mong malandi ka! Bat ka nanditong hayop ka!" - galit na tanong nung nakakatandang kapatid niya na si Daniel. "Para tignan kong patay na ba ang karibal ko pagdating sa puso ni Dennis." - walang emosyong sabi ko. Mas lalo lang siyang nagalit dahil sa isinagot ko.
"Ayusin mo ang pagsagot mo, Samantha. Bakit ka nandito?" - muli ay tanong pa rin ng nakakatanda niyang kapatid na si Daniel. "Nandito ako para tumulong at umamin." - walang takot na sagot ko. "Alam kong alam ninyo na kung sino ang pumatay sa magulang ninyo. At maging ang bumangga sa kapatid ninyong si Lorraine. Pero hindi sapat ang ebidensya na mayroon kayo, kaya gusto ko kayong tulungan. Kahit papaano ay kaibigan ko pa rin si Lorraine." - agad na naputol ang sasabihin ko ng sumingit sa usapan si Paulo. Pangalawa sa magkakapatid.

"At magulang mo pa rin ang salarin handa mo ba silang kalabanin?" - seryosong tanong nito. Napabaling naman ang tinggin ko sa kaniya. Gwapo ka nga sana pero nababalot ng galit at hinanakit ang puso mo. "Oo. Kasi wala naman talaga akong kasalanan. My only fault was. . .

Mahalin si Dennis kahit pagmamay - ari na siya ng iba. Pero handa akong tumulong, at itama ang pagkakamali ko just give me one last chance. At hinding hindi ko yun sasayangin. Lumuhod pa ako sa harap nilang lahat, at hindi ko maiwasang hindi umiyak. Lumapit sa akin si Kuya Paulo at pinatayo niya ako. "One last chance. Pag nagkamali ka pa, maging ikaw ay makukulong na." - seryosong turan nito at maya - maya ay ngumiti sa akin. Napangiti rin ako. Kakaiba talaga ang pamilya Madrigal, nangingibabaw sa mga puso nila ang pagiging mapagpatawad, mapagkumbaba at mabait.

COMPLICATED LOVE SERIES: UNTIL WE MEET AGAINWhere stories live. Discover now