SOMEONE'S POV.
Matapos kong kunin ang class schedule ko sa opisina ni Miss Marcela Madrigal, our very own Dean. Binasa ko agad ito, sinuot ang identification ID ko. At agad na tinungo ang room number 1 para sa first class ko for today.
Maya - maya lang nasa tapat na nga ako nang room namin. Kasabay kong dumating ay ang prof. namin... Kinausap niya lang ako sandali at pumasok na siya sa loob. Nagpaiwan ako sa loob since utos niya naman. She make an introduction para sa pagpasok ko. Nang tawagin niya na ang pangalan ko, saka lang ako pumasok.
Naglakad ako papasok sa classroom namin, at tumigil sa front upang magpakilala sa mga kaklase ko. Napagawi naman ang tinggin ko sa pamilyar na babaeng nakasagutan ko last Friday.
Hmmm, so totoo nga ang iniisip ko, kaklase ko rin tong bwesit na babaeng toh. What a great idea, para maisagawa ang plano namin?
Kita ko sa reaksyon niya ang paghanga sa akin, ngunit nang maalala niya kung sino ako ay walang pag-aalinlangan niya akong tinarayan.
Kinuha sa bag niya ang selpon at headset, pinalsak Ang headset sa selpon at tenga niya, may kung anong sandali na pinindot at um-ob-ob na parang plano pa yatang matulog sa klase.
Hindi ko na lang siya pinagtuunan ng pansin. Pinagpatuloy ko na lamang ang pagpapakilala.
"Hello, guys. By the way, I'm Bianca Fontales, 17 years old and I hope we'll all be friends. That's all, nice to meet you all." - pagpapakilala ko sabay ngiti at yumuko bilang pahiwatig ng pagrespeto ko o pagpapahiwatig na tapos na akong magpakilala.
Agad namang napadako ang tinggin ng prof. namin sa akin at itinuro sa akin ang bakanteng upuan na katabi lang ng upuan ni Renz.
Naglakad naman kaagad ako papunta dun sa bakanteng upuan na tinuro ng Prof namin. At dahil saktong sa paglalakad ko ay nag-angat ng ulo si Gf kuno ni Renz at napadako ang tinggin sa pwesto ko. Nginitian este nginisihan ko lang siya ng pagkatamis - tamis, na kung hindi ako magkakamali ay nagpaasar at nagpainis sa kaniya.
Kita ko kasi ang pagkunot ng noo niya sabay muling um-ob-ob at natulog na nga ng tuluyan. Plano pa yata niyang hindi makinig sa discussion ng guro namin.
Anyway, pakialam ko ba sa kaniya. Bahala siya dyan.
Bumaling ang tinggin ko sa katabi ko. Tahimik lang itong nakaupo't nakatinggin sa nagtuturong prof. Ngunit tila wala ang pokus, diwa, isip sa nagsasalitang guro. More to be like, parang nakatulala kasi siya na animo'y may ibang iniisip.Ano kaya yon?
Este,
Sino kaya yon?
Hindi kaya yong kambal ang iniisip niya? O baka ako?
Haysst, ewan! Di ko alam! Ayokong mag - isip. Nakakabobo, lalo na at hindi naman importante.
Pinabayaan ko na lang siya at nakinig na lang ako sa discussion ni Prof. remember I'm studying hard now.
Para na rin sa kinabukasan ko. Para hindi na ako ikahiya at pinagagalitan ng magulang ko.Dapat may magawa akong tama at ikaka-proud nila sa akin.
Pagod na akong masabihan ng pariwara, disgrasyada, malas, bobo at bayolente. Proud ako sa kung ano LANG ako DATI. Pero hindi na ngayon, napagtanto ko ng kailangan ko magtino at magsikap para sa magulang at sarili ko.
Lahat ng hinahangad at kagustuhan nila ay para lang naman sa ikabubuti ko at sa pangarap ko, pangarap namin. Kaya gagawin ko lahat para makapagtapos ako ng may honor.
'"Promise, Mom and Dad... Soon you'll be proud of me and with my achievements."
END OF SOMEONE'S POV.
YOU ARE READING
COMPLICATED LOVE SERIES: UNTIL WE MEET AGAIN
Ficção GeralA not so ordinary kind of love story will touch your heart. She already had a boyfriend. They are happy and contented with their relationship. Until something happens and for an instance it changes their life. The only person whom she trusted for y...