24

37 1 0
                                    

24

Minzy's POV

So.. biglang na lang kaming nakalimutan ni Kate. Tapos nawawala pa si Winter at Zeus. Tapos tapos the world is in great danger. Tapos tapos..

"Argh!" napahawak na lang ako sa ulo ko at yumuko. Pagkabalik namin sa mundo ng mga tao, nagkakagulo ang lahat sa gitna ng kalsada. Tinignan namin ito at napagtantong si Kate pala iyon. Wala itong malay.

Dinala namin sya pabalik sa condo nya at pinahiga sa kama. Pagkagising nya, hindi nya daw kami kilala. Ang weird. Parang may nangyari na hindi namin alam.

"Ah, Raven kung pwede lang wag mong iwagayway yang espada mo," inis kong sabi. Bigla naman nyang binaba ang espada nya at binalik sa lalagyanan. Isa pa tong nilalang na to. Hindi ko alam kung makakatulong ba sya sa amin or sya pa mismo ang tutulungan namin.

Nakita ko namang lumabas si Elliot sa kwarto ni Kate. Napatayo naman ako at lumapit sa kanya. "Kamusta sya?" nag-alala kong tanong.

"She's fine. Kaso may naikwento sya sa akin na napanaginipan nya daw ako. At si Zeus, si Chris, si Lalaine at si Cynthia," seryoso nyang tugon sa akin.

Napanaginipan? "Huh? Paano?"

"Tara, maupo tayo," sumunod naman ako sa kanya sa sala. Nakita ko namang nakaupo si Raven dito at ginagalaw ang mga litrato ni Kate.

Naupo naman kami sa sofa. "Mukhang nakakaalala na si Kate," seryosong sabi ni Elliot. "Huh? Bakit? Nakalimot ba sya?" biglang sumulpot si Zeno at Chris may dala itong supot.

"Bumili lang kami," at tinaas ni Chris yung dala nyang supot. "Anyway, ano ibig mong sabihin tol?" saad ni Zeno at umupo sa tabi ko ganun din si Chris at nilapag yung plastic ng ice cream.

Uy ice cream! Kumuha naman ako at binuksan. "Napanaginipan ni Kate si Cynthia," sabi ni Elliot at tingin kala Zeno at Chris. "Kayo bang dalawa? Hindi nyo napanaginipan si Cynthia?" sabi ni Elliot.

"Cynthia? Eh diba si Winter yun?" sabi Chris at dumila sa ice cream nya. "So, hindi nyo nga sya maalala," bumulong si Elliot pero mukhang sa akin nya lang pinarinig.

"Anong nasa isip mo Elliot?" tanong ko at kumagat sa ice cream ko. Natutunaw na. "Hindi pa ngayon ang tamang panahon para makilala at maalala nila si Cynthia, hangga't maaari wag muna nila sanang maalala si Cynthia sa loob ng tatlong buwan. Kung hindi, hindi natin maililigtas si Winter,"

***

Pagkatapos naming magusap ni Elliot naliwangan na ako. Umupo ako sa tabing upuan ni Kate at tinignan ito. "Hello Kate," sabi ko at tinignan ang ginagawa nya.

"Marunong kang magdrawing?" tanong ko at tinignan ang dinodrawing nya. Teka.. si.. "Ah, oo. Sabi ni Elliot marunong daw akong magdrawing. Tapos sabi nya pa idrawing ko daw si Cynthia, kaya eto dinrawing ko sya. Ang ganda nya noh?" pinakita nya sa akin ng buo yung dinrawing nya.

Napanganga ako. Kamukhang kamukha nito si Winter. So, tama pala talaga ang mga hinala ni Elliot, na ang taong Cynthia na napapanaginipan ni Kate ay si Winter. Pero, bakit naman kaya nya ito napapanaginapan?

Alam kong may nakaraan si Kate kay Winter. Pero ayaw pa masyadong ikwento ni Elliot ang totoong nangyari kung bakit namatay si Winter. Nakakaloka, parang akong bumubuo ng isang litratong punit-punit dahil hindi ko makita ang mga piraso nito.

"Alam mo ba? Minsan naisip ko na kilala ko sya. Pero hindi ko lang maalala kung saan, bakit at paano ko sya nakilala," sabi ni Kate at tumingin sa litrato.

"Atsaka.. hindi ko pa ito nasasabi kay Elliot kasi hindi ko maalala kanina," tumingin sya sa akin. Kasabay nito ang malakas na ihip ng hangin na nagmumula sa nakabukas nitong bintana.

"Sa kada dulo ng panaginip ko at malapit na akong magising. Mayroon akong isang tinig na naririnig. Hindi pa ako sigurado kung si Cynthia ba ito o ano. Kaboses nya kasi," sabi nya at tumingin sa bintana.

"Anong sabi nya?" tanong ko. Bakit pakiramdam ko na malalaman ko na ang mga sagot sa mga katanungan ko.

"Sabi nya tulungan ko daw sya sa kadilimang bumabalot sa kanya, hindi ko na masyadong maalala yung ibang sinabi nya, basta sa dulo ng mga sinasabi nya, may sinasabi syang pangalan," tumingin na sya sa akin.

"Sya daw si Winter at kaibigan ko daw sya," Kasabay nito ang isang napakalakas na ihip ng hangin na galing sa bintana ng kwarto ni Kate. Tumayo ako at sinara ito.

Tumingin ako Kate at pumunta na ito sa higaan nya. Humiga ito at kinumutan ang kanyang sarili. Lumapit ako sa kanya at hinawi ang buhok na nakaharang sa mukha nito.

"Oo Kate, kaibigan mo sya," sabi ko at pinikit na nya ang kanyang mga mata.

Alam ko na ngayon ang gagawin ko.

~~~

OPERATION: Keep me alive!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon