5

169 24 21
                                    

5

"Anong meron?" Nagulantang ang dalawang dalaga sa pag-sulpot ni Zeus. Umiling lamang si Kate samantalang si Winter ay nakatingin pa rin sa labas ng condo. Nagbabasakali itong makita nya uli ang misteryosong naka-itim.

Pumasok na sila sa sala. "Oy Zeus may pratice ba kayo?" Napatingin si Winter sa magkaibigan.

"Oo meron. Gusto mong sumama?" Umiling si Kate at tumingin kay Winter na nakatingin din sa kanila.

"May part-time ako ngayon eh. Kaso.." tumingin ang binata sa dalagang may mahabang dilaw na buhok. Ngayon lamang nya itong nakita na nasisikatan ng araw. Naka-upo si Winter sa sofa at nasa likod nito ang bintana. Halos tumagos na sa dalaga ang sikat ng araw.

"Paano sya? Baka may mangyaring masama sa kanya dito," Nagaalalang sambit ni Kate sa kaibigan.

"I'm fine," Kunot-noong sabi ni Winter sa kanila. "I can handle myself," Nagkatinginan ang magkaibigan at tumingin muli kay Winter.

"Ano kaya kung isama mo na lang sya sa part-time job mo? Hindi kasi pwede sa studio. Maingay dun," Nag-dalawang isip si Kate pero pumayag na rin ito.

"Mas makakabuti nga na isama ko na lang sya," Sambit ni Kate at tumayo na.

***

"Kate," Tumingin si Kate kay Winter. Nakasuot ito ng long sleeve na damit, naka-shorts at rubber shoes. Ito ang mga damit na pinili nya sa closet ni Kate. Ayaw kasi nitong magpalda.

"I want to have a job," Seryosong sabi ng dalaga kay Kate.

"Bakit naman?" Nagtatakang sabi ni Kate sa dalaga. Papunta na sila sa lugar kung saan nagtratrabaho si Kate. Pumayag ang dalaga na sumama na lang ito kay Kate kahit labag sa loob nya. Pero naisip nya na ito na ang pagkakataon nya na bayaran ang tulong na binigay ng magkaibigan sa kanya.

"Gusto kong bayaran ang tulong na binigay nyo sa akin ng kaibigan mo," Napahawak ito sa kaliwang parte ng kanyang dibdib. Nagulat si Kate sa kagustuhan ng dalaga. Tatanggi pa sana ito ngunit tinignan ito ng dalaga na parang gusto nya talaga makabawi sa tulong na binigay nila. Ngumiti si Kate.

"Osige na nga. Gagawa ako ng paraan para makapasok ka dun," Natuwa naman ang dalaga sa sagot ni Kate.

Nakarating na sila sa kanilang destinasyon. Pumara si Kate sa driver ng jeep at bumaba sila. Naglakad pa sila ng ilang kanto bago makarating sa pupuntahan.

"Ang init!" Sigaw ni Kate. Napatingin ang dalaga dito. Pinakiramdaman ni Winter ang init ng sikat ng araw ngunit wala itong maramdaman na kahit ano.

"Uy Kate!" Nakita nila ang isang babaeng maiksi ang buhok na papalapit sa kanila.

"Oh bakit Laine?" Tinignan ni Winter ang dalawang babae.

Mukhang kaibigan ni Kate ang babaeng ito. "Wala naman. Hihi! Nabasa ko kasi yung text mo kanina na nasa may kanto ka na.." tinignan ng babae si Winter. Nagtaka ito dahil halos hindi na nya ito makita dahil sa sikat ng araw. Pumikit-pikit ang babae at tinignan sya muli.

"At sabi mo may kasama ka." Ngiting sabi ng babae kay Kate. Tinignan muli ng babae si Winter. Nagtataka ito dahil mukha itong manika sa kanyang dilaw na buhok.

"Si Winter. Winter si Lalaine, ka-trabaho ko sya," Tumango lamang ang dalaga dito. Hindi maganda ang nararamdaman nya sa babaeng ito.

"Tao ka ba talaga?"

~~~

OPERATION: Keep me alive!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon