25
Elliot "Elliot" McHale's POV
"Raven sa tingin mo, anong nangyari kay Kate?" tinignan lang ako nito at tsaka pinunasan ang kanyang espada. Huminga ako ng malalim at tumingin sa paligid.
Naalala ko pa noon na dito namin unang pinagusapan ang tungkol kay Winter. Siguro nagkamali ako na sinabi ko agad sa kanila ang tungkol sa kanya. Kung bakit sya nandito. Masyado akong nagmadali. "Elliot?"
Napalingon ako sa tumawag sa akin. "Oh ikaw pala Minzy," sabi ko at tumingin ulit sa langit. Nagkamali ba talaga ako? "Gusto ko lang sanang magpahangin, hindi ko naman inaasahan na makikita kita dito," sabi nya umupo sa tabi ko.
"Oh Raven," hindi ko alam kung nadismaya si Minzy dahil nakita nya si Raven. Tumayo na lang si Raven at pumunta sa malayo. Magkagalit ba sila?
Ang sarap ng simoy ng hangin sa lugar na ito. Parang wala itong problem at parang sinasabi nito na ayos lang ang lahat. "You know what? I'm still wondering why Kate.doesn't remember us," sabi nya at tumingin sa akin.
"Yeah, me too,"
Magkatapos ko sabihin yun may biglang itim na aura na sumulpot sa likod ng isang puno. Ano yun?! "Sinong nanjan?" dahan-dahan kaming lumapit dito. Pero hindi ko inaasahan ang mga susunod na nangyari.
"ELLIOT ILAG!"
Pero huli na.
Nabaril ako.
Hindi naman akong pwedeng mamatay eh. Kasi patay na ako, pero bakit ganun ang sakit. Napaupo ako at tumingin sa lugar kung saan nay balang lumipad papunta sa akin. Wala namang tao. "Elliot just relax okay, ta-ta-tawag ako ng tulong," tumango na lang ako sa kanya at humiga sa sahig.
Tumingin ako sa langit at mayroon itong nakakasilaw na liwanag. Katapusan ko na ba? Pero hindi ito maaari. Hindi ko pa tapos ang mission ko, mayroon pa akong bagay na dapat malaman.
Pero mortal ako sa mundo ng mga tao. May posibilidad na mamatay ako, tinignan ko aking kamay at may nakita akong napakaraming dugo. Hindi ko ito inaasahan, sa lahat ng matatamaan bakit sa may tiyan pa? Dapat sa braso na lang.
Huminga ako ng malalim. Nanlalabo na ang aking mga paningin. Ito na ba? Oras ko na ba ulit? Hindi ba nya ako pagbibigyan kahit ngayon lang? Hindi ko na malayan nakatulog na pala ako.
***
Minzy's POV
"SI ELLIOT NABARIL!"
Pagpasok ko pa lang ng condo ni Kate. Sumigaw na ako, agad naman silang nagsitayuan at sinundan ako palabas ng condo. Just hang in there Elliot, tutulungan ka namin.
Pagkadating namin sa park kung nasaan si Elliot. May naaninag akong babae na nakaupo sa tabi nito. Nakapikit si Elliot at habang ang babae pinagmamasdan nya ito. "Lalaine?" bulong ko.
Lumapit na kami sa kanila. "Diba masama yan?" rinig ko ang pagkainis sa boses ni Chris. Alam na kasi nila ang tungkol sa kanya. Ang totoo nyan, hindi naman talaga sya masama. "Hey,"
Napatingin kami sa likod namin. Si Kate, gising na pala sya. "Kate, bakit ka pumunta dito?" tanong ni Zeno.
"Narinig ko kasi yung sigaw ni Minzy. Kaya bumangon ako at sinundan ko kayo dito," tumingin naman sya kay Lalaine. Walang bakas ng pagkatakot ang mukha nito.
Nakatingin lang si Lalaine kay Elliot at doon ko lang napansin na wala na ang tama nito ng baril, wala na rin ang dugo na nagkalat sa sahig. "Anong ginawa mo sa kanya?" naglabas ng espada si Raven at tinutok ito kay Lalaine. May bakas ng otoridad ang boses ni Raven na kinakilabot ko.
"Bro, put the sword down," matalim na tinignan ni Chris si Raven. Hindi naman nagdalawang isip si Raven na itago ang espada nya. "Lalaine? Ikaw si Lalaine?"
Nagulat kami kay Kate ng umupo ito sa tabi ni Lalaine. Tinignan sya ni Lalaine, at doon ako lalong nagulat. Wala itong kasamaan sa mga mata, kundi kalungkutan. Tumango naman si Lalaine kay Kate. "Sabi na eh, napanaginipan kita!" masayang ngumiti si Kate sa kanya.
Nagulat sa pinakita ekspresyon ni Lalaine. Malungkot ito at nagsisisi. May alam sya, o kaya may kinalaman sya dito. Tumayo si Lalaine at mukhang aalis na. "Anong ginawa mo sa kanya?" seryoso ko syang tinanong.
Blangko itong tumingin sa akin bago maglaho ng parang bula sa aming mga paningin. "Tsk, ganda din kausap nun eh noh," inis na sabi ni Chris at ginulo ang kanyang buhok.
Umupo ako para makapantay si Elliot. Mahimbing lang itong nakapikit, tinignan ko ang kanyang katawan. Wala itong bakas ng tama ng bala, wala ding bakas ng dugo sa kanyang damit.
"Illusion,"
Agad kaming napatingin kay Raven. "Illusion? Taka kong tanong. Hindi kaya..
"Pinalabas nya na nabaril si Elliot para pag umalis ka para humingi ng tulong doon sya nakakuha ng tyempo para magawa ang binabalak nya,"
"Astig!"
Sinamaan namin ng tingin si Zeno. "I mean.. That's bad, yeah," sabi nito at nagkamot ng ulo. Umiling na lang ako, kung ganun nga ang nangyari anong ginawa nya kay Elliot?
~~~
BINABASA MO ANG
OPERATION: Keep me alive!
Fantasy"I'm dead yet I can still breath, feel and do the things a living human can do. I only have 4months to keep my life going. I want to survive on the day that I will die and I need to remember my past life. But how can I survive in 4months without dyi...