10

126 23 10
                                    

10

Napatingin si Winter sa katabi nito. Napansin nya ang pilat ni Elliot sa pisngi. Hindi nya ito nakita nung nasa condo sila nila ni Kate. "Ganto kasi yun. Gagawa tayo ng paraan para mabuhay pa si Loli," Umupo si Zeus sa tabi ni Kate. Inirapan ni Kate sa Zeus.

"Sinong Loli?" Tanong ni Kate. "Edi si Winter! Hindi naman talaga Winter pangalan nya eh," Napailing si Winter. Ano bang sinasabi ng taong to?

"Edi kilala mo si Winter?!"

Napatingin sila kay Elliot. Ngumiti ito ng nakakaloko. "Oo. Lahat ng katulad nya ay kilala ko. Pero sa ngayon.. sya pa lang ang nagiisang buhay na bubuhayin ko ulit," At tumingin ito sa langit. Puno ng bituin ang langit at buwan na lamang ang nagbibigay ilaw sa kanila.

"Ibig sabihin mayroon pang katulad si Winter?" Tanong ni Kate. Biglang umihip ang malakas na hangin. Nagkatinginan si Winter at Elliot.

"Naks. Nararamdaman mo rin ba?"  Nagulat si Winter sa tinanong ni Elliot. Tumango ang dalaga. Hindi nya alam kung ano ang ibig sabihin ng hangin na iyon. Ngunit alam nya na may paparating na manganib.

Tinuro ni Elliot ang isang puno. May biglang sumilip dito. Biglang kinabahan si Kate at Zeus. Samantala si Elliot at Winter ay kalma lang. Parang alam nila na hindi ito gaanong panganib.

"Lumabas ka na jan Halie," Dahan-dahan na lumabas ang isang batang babae. Maiksi ang buhok nito at may dalang kutsilyo sa kanang kamay. 'Is she going to kill me?' Tanong ni Winter sa sarili nya.

Kinilabutan si Kate at Zeus sa nakita nila. Para silang nasa nakakatakot na palabas sa telebisyon. Lumapit ang bata sa kanila. Nakita nila ang duguang damit nito. Naalala bigla ni Kate at Zeus ang araw na nakita nila si Winter. Puro dugo din ang damit nito. "Kailan ka papatayin?"

Isang nakakakilabot na tanong ang binigay ni Elliot sa bata. Tumingin ang bata kay Winter. Nagkatinginan sila, walang ekspresyon sa kanilang mga mukha. "Katulad ko po ba sya?" Tanong ng batang babae.

"Oo, kaya wag mo syang papatayin dahil sa sinabi sayo ni Ilei. Bad syang tao. Hindi ka mabubuhay ng matagal kung papatayin mo ang uri mo," Hinawi ni Elliot ang nakaharang na piraso ng buhok sa pisngi ng batang babae.

Umupo ito sa tabi ni Elliot. "Sino naman si Ilei? (I-ley)," Tanong ni Zeus sa kanila. Kanina pa naguguluhan ang magkaibigan. Wala silang kaalam-alam sa sinasabi ng kaibigan nila.

"Ah! Kung ako si Elliot, yung EL ko ibig sabihin ay Angel," Tinuro nito ang ibabaw ng ulo nya.

May biglang umilaw na bilog sa ulo nito. Isang halo. Hindi sila makapaniwala maliban kay Halie. "Isa kang anghel?! Wee! Eh diba nga ang dami mo ng napaiyak na babae tapos.. ghad! Anghel ka dude!" Hindi makapaniwala na sabi ni Zeus sa binata.

"Haha. Disguise kasi yun. Gulat kayo noh!" Tapos tumawa ito.

"Grabe. Edi yung IL nung Ilei ay Devil ganun ba?" Tumango si Elliot sa tanong Kate. Napakunot-noo si Kate. Naguguluhan na talaga ito. Parang ayaw taggapin ng pagiisip nya ang kanyang mga nalaman ngayong gabi.

Kung isang anghel si Elliot ay imposibleng sya ang taong laging nakikita ni Winter na naka-itim. Ang isang anghel ay malabong magsuot ng itim na robe at may nakakatakot na dilaw na mata. Dilaw nga ang mata ni Elliot ngunit ito ay maamo. Hindi katulad ni Ilei na isang demonyo. Baka ito ang taong naka-itim na nakikita nya? Ano ang kailangan nya kay Winter?

"Maniwala kayo. Dapat kasi hindi talaga ako magpapakilala sa inyo na anghel ako. Since kayo ang kumupkop kay Loli. Which is hindi ko inexpect ay dapat alam nyo rin.."

Napatingin sila sa kanya. "Ang alin?" Tanong ni Zeus. "Si Ilei. Ay nagsisimula nang mangbrain-wash ng mga katulad ni Halie at Winter na malapit ng mamatay. Sinasabi kasi lagi ni Ilei na 'pagpumatay ka ng katulad mong mamamatay na rin ay hahaba ang buhay mo'. Kaya ito ako para pigilan sya,"

"Ano bang mangangayari kung makapatay sila? May benefit ba dito si Ilei?" Biglang napaisip si Winter. Kung ganun ay mamamatay pa lang sya. Eh bakit wala na syang maalala? Napatingim ito sa batang babae na si Halie. Katulad nya ito na malapit na ring mamatay. Marami pa kayang katulad nya?

"Naguguluhan na talaga ako!" Sigaw ni Kate. Napa-komplikado ng mga sinasabi ni Elliot. Hindi lubos maisip ni Zeus at Kate na ganito pala ang mangyayari sa pagkupkop nila kay Winter. Ngunit hindi ibig sabihin nito ay nagsisisi sila na nakilala nila nito.

"Tsaka mo na ipaliwanag ang lahat-lahat. Paano kami makakatulong eh mga simpleng tao lang kami?" Ngumiti muli si Elliot na kinakilabot ni Zeus. Bihira lang kasi ngumiti-ngiti ng ganito ang binata. Minsan kasi ay nakakaloko lang o nang-iinis.

"Basta. Alagaan nyo lang si Winter hanggang sa dumating ang araw na mamamatay na sya. Dapat malagpasan nya ng araw nya yun para mabuhay pa sya ng matagal," Tumango sila. Nakaramdam nanaman ng hangin si Winter. Nanggagaling ito sa likod nya.

Habang naguusap ang magkakaibigan ay napatingin si Winter sa likod nya. Nakita nya ang lalaking naka-itim. Baka ito si Ilei. Nanglilisik ang dilaw na mata nito sa kanya.

"Ano yun Winter? Este Cynthia. Pwe! Mas maganda yung Winter," Umiling ito. "Who's Cynthia, Kate?" Tanong ni Winter.

"Edi ikaw!"

~~~

OPERATION: Keep me alive!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon