22
Sa isang bahay sa gitna ng Mortal Soul Forest.
"Talaga?! Eh alam na ba ni Kate to?" tanong ni Minzy at sumubo ng piraso ng tinapay na hinanda ni Elliot para sa kanila. Habang kumakain napagpasyahan ni Elliot na sabihin na kala Kate, Zeus at Chris ang tungkol sa totoong nangyari kay Ilei, kung bakit ito naging isang Soul Eater.
"Paabot naman ng tubig," inabot naman ni Zeus and pitsel ng tubig kay Chris. Kanina pa ito gising mula sa pagkakauntog nya sa pader, malakas pala ang tama nito kaya hindi nagising agad.
"Pero naging pusa talaga si Neko eh! Hahaha, teka nga," naglabas ito ng cellphone sa bulsa at kinuhanan ang puting pusa. Ngumiti ito ng nakakaloko pagkatapos nitong makakuha ng maraming litrato. "Tantanan mo nga! Namomorblema na nga tayo eh!" inirapan ni Minzy si Chris.
"Oo na," nagkamot ito ng batok at tumingin kay Elliot. "Nga pala tol, paano ka nakatakas?" tanong ni Chris. Tumingin ang magkakaibigan dito, hinihintay ang kanyang sagot ng biglang bumukas ang pinto.
Agad na napatayo ang magkakaibigan, maliban kay Elliot. "Kalma lang guys, isa rin yang soul warrior," natatawang sabi nito at tumayo na. Umupo naman na muli ang magkakaibigan sa upuan nila.
"Neko," bulong ni Minzy at himas sa ulo nito, mukhang nagustuhan naman ito ng puting pusa.
May lumapit sa kanila na isang lalaki may dala itong espada at sibat. "Ang shiny," namamanghang sabi ni Zeno at hawak sa espada. Nilayo naman ito ng lalaki at tinignan sya ng masama. Nagtaka naman si Zeno dito.
"Guys, meet Raven. Katulad ko din sya pero mas mataas ang ranggo nya," ngiting pakilala ni Elliot. Tinignan ito ng magkaibigan at tumango-tango.
"Kilala ko na ata sya?" nagtatakang tamong ni Minzy sa sarili. Nakatingin dito si Raven. "Mas mabuti kung dun tayo sa sala magusap." sabi nito at nauna ng pumunta ng sala.
"Anong problema nun?" tanong ni Chris uminom ng tubig. "Baka crush ka?" biglang nabuga ni Chris ang tubig sa kanyang bibig dahil sa sinagot ni Zeno.
"Just kidding, man." sabi nito at ngumiti ng nakakaloko. Sinamaan ito ng tingin ni Chris. "Osya. Doon na tayo marami pa ata tayong paguusapan," saad ni Elliot. Napatingin naman sila kay Minzy na tahimik lang. "Oh may problema ka din? Baka naman crush mo din si--" tinakpan agad ni Chris ang bibig ni Zeno. Tumawa naman si Elliot.
"Wala naman. Napapaisip lang ako, atsaka wala kong gusto kay Chris noh." umirap si Minzy bago tumayo. Dinala nito ang puting pusa at dumiretso na rin ng sala. Sumunod naman ang magkakaibigan dito.
~~~
Hello. Short muna 'to kasi sobrang busy ko talaga this past few weeks. :( Salamat sa mga patuloy na nagbabasa ng storyang 'to. :D
BINABASA MO ANG
OPERATION: Keep me alive!
Fantasy"I'm dead yet I can still breath, feel and do the things a living human can do. I only have 4months to keep my life going. I want to survive on the day that I will die and I need to remember my past life. But how can I survive in 4months without dyi...