6
Hindi naka-imik si Winter sa tanong ng kaibigan ni Kate. "O-Oo naman tao sya! Ano ka ba," Hinatak ni Kate papalayo si Lalaine kay Winter.
Nanlumo si Winter. Hindi nya alam kung tao nga ba talaga sya. Kailangan nyang makita ang taong naka-suot ng itim ng damit. Baka may alam ito.
"Winter tara na!" Sumunod na ito sa dalawang dalaga. Habang naglalakad sila napansin ni Winter ang mga taong naka-tingin sa kanya. Naka-braid naman ang buhok nito kaya hindi nila mahahalata ang mahabang buhok nito.
Napadaan si Winter sa isang salamin ng isang shop. Nakita nya muli ang lalaking naka-suot ng itim. Nakatayo ito at mukhang galing sa loob ng salamin. Nakatingin ito sa kanya gamit ang dilaw na mata nito. Galit ang tingin nito sa kanya at parang gusto syang patayin. Walang takot na lumapit si Winter dito, ngunit paglapit nya bigla nanaman itong naglaho.
"Hey Winter!" Nagulat sya sa pagtawag ni Kate. Ang layo na pala nila sa kanya. Nag-huling sulyap pa si Winter sa salamin at tumakbo papunta kala Kate.
***
"At bakit ngayon lang kayo?" Bungad ng isang babaeng naka-maid na damit. Nilibot ni Winter ang kanyang paningin sa labas ng cafe.
"Sorry na! Eh kasi naman walang masakyan na tricycle kaya naglakad na lang kami," Palusot ni Lalaine sa babae. Bumili kasi sila ng pagkain kaya napatagal sila. Tumango na lamang ito at napatingin sa direksyon ni Winter.
"Sino naman to?" Galit na sabi ng babae kay Kate.
"Sya yung tinext ko sayo kanina na magtratrabaho din," Ngumiti si Kate sa babae. Tinignan mabuti ng babae si Winter, walang kurap na nakipagtitigan din si Winter sa babae. Bigla itong ngumiti na kinagulat nya.
"Ako si Mei," Sabi nito sa kanya.
"Ngayon lang ako nakakita ng buhay na manika. Pasok na sya! Pumunta na kayo sa likod at magbihis," Tumango silang tatlo. Nagulat si Winter sa deskripsyon na binigay sa kanya ng babae. Nagsimula na silang dumaan sa likod ng cafe. Doon sila dadaan papuntang dressing room.
Maganda ang itsura ng cafe. May isang maid syang nakita na masayang nakikipag-usap sa isang customer. Ganun din siguro ang gagawin nya. Sinubukang ngumiti ni Winter pero sumuko din sya. Hindi talaga makakangiti ang isang tao kapag hindi naman ito masaya. Parang ka lang baliw na ngingiti-ngiti ng walang dahilan.
Pumasok sila sa loob ng back door. 'Buhay na manika?' Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Winter sa kanyang narinig. Tinawag syang isang manika. Sabagay, kung titignan nga naman talaga ito. Mukha talaga syang manika, lalo na't dilaw pa ang kanyang buhok.
Pumasok na sila sa isang kwarto at nakita nya ang napakaraming maid outfit na naka-helera sa gilid ng kwarto. "Pilian na lang natin sya ng susuotin nya," Sabi ni Lalaine kay Kate. Umupo sa gilid ng pinto si Winter at hinintay ang damit na ibibigay sa kanya.
Nakaharap ito sa isang mahabang salamin. Hinawakan nya ang kanyang buhok at doon nya lang napansin ang pag-iba ng kulay nito. Dilaw pa rin ito pero lalong tumingkad.
"Oh Winter subukan mo to," Inabot ni Lalaine ang isang violet na damit. Marami itong ruffles at ribbon sa gilid. Mahaba ito at siguradong lalagpas sa kanya. Lumapit naman si Kate sa kanya at pabirong tinabig si Lalaine.
"Haynako Winter wag yan!" Tumingin si Kate kay Lalaine na may nakakalokong ngiti. "Mas maganda ito," Inabot naman nya ang isang red na damit. Kulay dugo ito at maraming din itong palawit.
Umiling si Winter. Ayaw nya ng mga damit na binigay ng dalawang babae. "Eh? Mas maganda siguro kung ikaw nalang pipili," Ngumiti ang dalawang dalaga at kinuha ang damit na binigay nila kay Winter. Tumango lang si Winter. Umalis na ang dalawang babae, mukhang magbibihis na sila.
Naghanap si Winter ng damit na gusto nya. Nagsimula sya sa dulo ng damitan. May asul, berde at puting damit syang nakita ngunit hindi nya ito nagustuhan.
Nakarating na ito sa dulo at nakita nya ang isang itim at puting gothic na maid outfit. Long sleeve ito at umabot sa leeg ang damit. Kinuha nya ito. Sakto naman na tapos ng magbihis ang dalawang babae.
Naka-pink na damit si Lalaine samantalang si Kate naman at naka-asul na damit. Maganda sila sa kanilang damit. "Ayan na ba napili mo?" Tanong ni Kate kay Winter. Tumango ang dalaga dito.
"Osige, magbihis ka na dun," Tinuro ni Kate ang lugar kung saan sila nagbihis ni Lalaine.
Lumapit na dito ang dalaga at pumasok sa loob. Nagtanggal sya ng damit at nilapag sa gilid. Sinuot nya ang itim na damit. Tinali nya ang ribbon sa leeg nya. Nilugay nya ng kanyang buhok. Tinignan nya ang kanyang sarili sa salamin. Nagulat sya. Mukha talaga syang manika.
Lumabas na ito. Namangha naman ang dalawang babae sa kanya. Tumango sila at ngumiti. Napaka-ganda ni Winter sa suot nito. May kinuha si Kate sa isang box. Lumapit si Kate kay Winter at may inilagay sa kanyang ulo.
Isa itong tela na kulay puti at itim tinali nya ito sa ibaba ng baba ni Winter. Lumayo sya dito at tinignan ang kabuuan. "Nice. Meron na tayong maid na manika," Pabiro nito.
"Ang haba ng golden hair mo te," Sabi ni Lalaine sa kanya. Napahawak si Winter sa buhok nya. Nagiging kulay ginto ito. Bigla syang kinabahan. Parang may mangyayaring hindi maganda.
~~~
BINABASA MO ANG
OPERATION: Keep me alive!
Fantasy"I'm dead yet I can still breath, feel and do the things a living human can do. I only have 4months to keep my life going. I want to survive on the day that I will die and I need to remember my past life. But how can I survive in 4months without dyi...