20

81 7 11
                                    

20

"What? I'm not one of them," nagkunwari itong malungkot at tumingin kay Neko. "Hello, kitty!" kinilabutan ang puting pusa dito at nagtago sa buhok ni Minzy.

"My tail is trembling," bulong ng puting pusa at sumulyap sa binata. Nagulat ito ng tinignan din ito ng binata at ngumiti ng nakakaloko na lalong kinatakot nito. "He's not Zeus, I can feel it," pagpatuloy nito na dahilan para titigan ni Minzy si Zeus na kausap si Zeno at Chris.

Naging madaldal na ito. Hindi katulad noon tahimik at panay tanong lamang ito. 'Nawala lang sya ng ilang oras nagbago na agad ang personality nya,' Isip ng dalaga. "Nga pala man, san ka nga pala galing? Bigla kang nawala," tanong Chris.

Tumingin si Zeus sa langit at parang may hinahanap. "Where's Winter?" hindi nito pinansin ang tanong ni Chris. "We don't know," naiiritang sagot ni Minzy dito. Napansin nila na may bagay na nalalaglag mula sa langit.

"Hey, what's that?"

May malakas na bagay na nalalag mula sa taas dahilan para mapatalsik ang magkakaibigan. Napasigaw at napatakbo naman ang mga taong nakakita nito. Wasak ang kalsadang nalaglagan ng nilalang. Dahan-dahang minulat ni Minzy ang kanyang mata.

Napahawak ito sa ulo nya dahil tumama ito sa isang bato. Tumingin sya sa paligid at nakita nitong nawala si Zeus. Wala pa ring malay si Chris at Zeno, ang puting pusa naman ay nakatulala at nakatingin sa lugar kung saan nalaglag ang nilalang.

Medyo malabo pa ang paningin ni Minzy kaya hindi ito sigurado sa nakikita nya. May usok din bumabalot dito dahil sa mga nadurog na bato.

May pakpak ito at mukha itong tao. Napahawak muli sya sa kanya ulo bago mawalan ng malay.

***

"Whe-where am I?" dahan-dahan na umupo si Minzy at tumingin sa paligid. Mukha itong nasa kagubatan dahil sa mga puno at halaman sa paligid. "Minzy, oy!" nakita naman nyang kumaway sa isang halaman si Zeno. Nang medyo bumuti na pakiramdan nito. Tumayo sya at napansin nyang nakahiga pala ito sa damuhan.

Lumapit sya sa pinanggalingan ni Zeno at nakita nya ang puting pusa na naka-upo sa tabi ni Chris. "Wala pa rin syang malay?" tanong ng dalaga. Tumayo si Zeno at nagpagpag ng damit. "Ewan ko ba, kanina pa yan eh. Masama ata ang tama nya," sabi ng binata at napakamot sa ulo.

Nakapansin naman ni Minzy ang puting pusa na nakababa ang tenga nito. Hindi nito makita ang mukha nya dahil nakatalikod ito. Umupo ito upang mapantayan ang puting pusa. "Neko," tawag nito.

Humarap sa kanya ang puting pusa na malungkot. "Why?" tanong ng dalaga. Nakita nitong nawala ang maliit na pares ng pakpak nito at ang bell sa leeg nito. "Nasan yung--"

"I lost my powers, I'm just a normal cute white cat now," at huminga ito ng malalim. Hindi makapaniwala si Minzy sa narinig nya. "How is that possible?!" gulat na sabi nito.

"Siguro dahil dun sa nilalang na nalalag sa langit kanina. Sya ata nagdala sa atin dito ng nawalan tayo ng malay," naguluhan si Minzy dito. Tumingin ito kay Neko na naglakad gamit ang apat na paa at natulog na lamang sa isang tabi.

Naawa ito sa kaibigan nya. Hindi ito sana'y na hindi ito masaya at hindi sila nagbangayan dalawa. Tumayo ito at tumingin kay Zeno. "Nasan yung nilalang na yun?! Aish!" irita nitong tanong. Nagulat naman sila ng may taong lumapit sa kanila.

"How--"

Naka-puti ito at may halo sa kanyang ulo. Lumapit ito sa magkaibigan at ngumiti. "How are you guys?"

~~~

OPERATION: Keep me alive!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon