12

101 18 13
                                    

12

Napahinto sya sa tapat ng condominium ni Kate. Pagpasok nya ay bigla syang may naramdaman na tumusok sa kanyang likod. Agad tumalikod si Winter at nakita si Ilei na may hawak na dart. Hinatak nya ang dart na tumusok sa likod nya. Nahihilo sya at pakiramdam nya ay mahihimatay na lang sya bigla.

Napaupo si Winter sa sahig at tinignan si Ilei. Nagagalit at ramdam nya ang init ng nanlilisik na dilaw na mata nito. Unti-unting namimikit ang mata ni Winter, tuluyan nga napahiga si Winter sa sahig. Narinig nya ang mga yabag ng paa ni Ilei na papalapit sa kanya. Nakita nya na lumuhod ito sa gilid nya at hinawakan ang kanyang buhok.

Nagiging puti ang bahagi ng hinawakan ni Ilei sa buhok ni Winter. Pakiramdam nya ay hinihigop nito ang kaluluwa nya. Nanghihina na ito at hindi na sya makalaban. Namimikit na ang kanyang mata ng may narinig syang tunog ng pumarang sasakyan. Lumiwanag ang paligid dahil sa ilaw ng sasakyan. Tuluyan ng nawalan ng malay si Winter.

***

"Ano ba wag nga kayong maingay jan," May narinig syang pamilyar na boses. Dahan-dahan nyang dinilat ang kanyang mata, nakita nya na nasa kwarto na sya ni Kate. "Gising na sya!" Umakyat ng kama si Halie at umupo sa tyan ni Winter. Magaan lang naman ito.

"Halie bumaba ka jan," Hinatak-hatak ni Zeus si Halie para makaalis sa tyan ni Winter. Pero nakakapit ito sa kumot ni Winter. Sumuko na ang binata sa paghatak dito. "Hala. Anong nangyari sa buhok mo?!"

Nagulat sila sa ekspresyon ng mukha ni Zeus. "Grabe tol ang oa ah," Sabi ni Elliot tapos tapik sa braso ni Zeus. Gulat pa din ito. "Tara Halie," Walang kahirap-hirap na binuhat ni Elliot si Halie pababa ng kama.

Inalalayan ni Zeus si Winter para makaupo. "Kamusta ang pakiramdam mo Winter?" Tanong ni Zeus. Nilibot ni Winter ang paningin nya sa buong kwarto. Wala syang makita na Kate sa loob.

"Nasaan si Kate?" Nagkatinginan ang dalawang binata. Parang naguusap sila sa mata. Hinawakan ni Winter ang buhok nya kung saan hinawakan ni Ilei. Naging puti ito. Nakakagulat na nagiba ang kulay ng buhok nya. "Ah, um. Weird pero ang kulay ginto mong buhok ang nagsisilbing buhay at lakas mo Loli," Napatingin si Winter kay Elliot.

"Loli? Sa mga Anime ganun," Napakamot ito sa kanyang batok. "Anyway, tsaka ko na ipapaliwanag," Ngumiti ito. Nahihilo pa rin si Winter. Ano kaya ang laman ng dart na yun, lason? Pamapatulog?

"Nga pala si Kate nandun sa kusina nagluluto. Bakit ka ba kasi biglang tumakbo ng mag-isa?" Pagalit na sabi ni Elliot. Masyadong nagalala ang binata sa dalaga. Ayaw na nyang mawalan pa ng soul bringer. Gusto nyang tulungan si Winter na mabuhay pa.

Soul bringer: Isang tao na namatay na ngunit bingyan sila ng pagkakataong mabuhay ulit. Para pigilan ang kamatayan na mangyayari sa kanila para mabuhay pa sila ng mas matagal.

"I saw Ilei and I thought he will attack Kate cause she's alone. I was scared then I run and I didn't think of what will happen," Napahawak si Winter sa ulo nya. Hinimas naman ito ni Elliot. Mabuti na lamang at biglang dumating sila sa tamang oras kung hindi nahigop na ng isang soul eater si Winter malamang ay wala na itong buhay ngayon.

Soul eater: Isang demonyo na humihigop ng kaluluwa ng isang soul bringer. Pagnakahigop na sila ng sapat na kaluluwa ay lalakas sila at may posibilidad na makahigop din sila ng kaluluwa ng isang mortal.

Napahawak si Elliot sa braso nya. Nakaramdam sya ng kirot mukhang malalim ang tama sa kanya ni Ilei. "Tol ayos ka lang?" Napatingin si Winter kay Elliot. Nagulat ito ng makita nya ang isang malaking hiwa sa braso ni Elliot.

"Wa-wala to," Nararamdaman ni Winter ang sakit na nararamdaman ni Elliot sa paghawak nito sa kamay nya. "Zeus. Magagamot mo ba sya?" Seryosong tinanong ni Winter si Zeus. Tumango si Zeus. "Oo, tara," Inalalayan ni Zeus makalabas ng kwarto si Elliot.

Pakiramdam nya sya ang dahilan ng sugat na natamo ni Elliot. Malamang ay nakipaglaban ito kay Ilei para mailigtas sya. Napahawak sya sa kanyang kaliwang dibdib. Masakit, at puro lungkot ang nararamdaman nya.

"Pretty," Napatingin ito sa batang nakatayo sa tabi ng kama nya. Pinaglalaruan nito ang ginto nyang buhok. Bigla syang napangiti. Mabuti pa ang batang ito ay walang gaanong problema. Hindi katulad nya, ang dami ng gusto pumatay sa kanya..

Sa kanila.

~~~

OPERATION: Keep me alive!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon