17

108 17 9
                                    

17

Sa Studio na pinagprapractican nila Zeus.

"Bakit nga ulit tayo nandito?" Agad napatingin si Zeus kay Minzy.

"Boring kasi sa condo eh," Kibit-balikat sa sagot ng binata. Umirap lang si Minzy at lumapit kay Chris. Pakiramdam nya kasi na matagal na nya tong kilala.

"Winter, buti sumama ka?" Nag-aalalang tanong sa kanya ni Kate. Tumango lang si Winter. Masakit ang ulo nito at hindi masyadong makapag-isip. Pagod pa rin itong sa pageensayo ng kapangyarihan nya.

"Guys, pinapunta ko dito si Lalaine ah? Okay lang?" Napataas agad ng kilay ni Minzy at napakunot-noo si Neko.

"Lalaine?" Bulong ng dalawa. Nagkatinginan sila at nagkibit-balikat. Mukhang kilala nila ito, ngunit malabo. Mortal ito at anghel sila.

"Okay lang. Namiss ko na din yun eh. Haha," Mapait na tumawa si Chris. Napalingon agad sa kanya si Minzy.

"May past kayo?" Gulat na tanong ng dalaga na kinatawa ni Zeno. Sumabay na rin ang tawa ni Zeus at Kate na bumalot sa kulob na kwarto. Mga tawa lamang nila ang nangingibabaw.

Nagtaka si Minzy at Neko. May mali ba sa tanong nya? "Haha-- Ano ka.. Hahaha! ba Minzy! Magpinsan sila!" Kunyaring nagpunas ng luha si Kate dahil sa kakatawa.

Inirapan lang sya ni Minzy. 'Hmp! Malay ko naman diba?' Isip ng dalaga. "Tumahimik kayo," Napatahimik agad sila ng magsalita si Winter. Masakit na nga ang ulo nito, nag-iingay pa sila. Lalo lang itong hindi makapag-isip ng maayos.

"Panganib,"

Lalong tumahimik ang paligid. Pare-parehas nakikiramdam sa panganib na sabi ng puting pusa.

*katok sa pinto*

Nagulat sila sa kumatok ng pinto. Tumayo si Zeus at balak buksan ang pinto ngunit pinigilan sya ni Minzy. "Ako na,"

Tumango ang binata at binuksan ang pinto. Nagkatinginan sila at ngumiti ng nakakaloko ang tao sa harap nya.

"Kamusta ka na Minzy?"

"Lalaine," Seryosong sabi ni Minzy at tumingin sa likod nito. Sumenyas sya kay Neko na lumapit.

"Sino yan Minzy?" Tanong ni Kate.

"Ah, wala wala. Labas lang kami," Lumabas sya kasama ang puting pusa. Seryoso silang tumingin kay Lalaine na ngayon ay nakangiting demonyo.

"Anong kailangan mo sa kanila Lalaine?" Seryosong sabi ni Minzy.

"Wala naman.." pinaikot nito ang buhok nitong maiksi. Tumingin ito kay Minzy at ngumiti.

"Buhay nila ang kailangan ko Best," Nagulat si Minzy sa tinawag sa kanya ni Lalaine. Ganun din ang puting pusa na nakasampa sa balikat ni Minzy.

~~~

OPERATION: Keep me alive!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon