28

32 2 0
                                    

28

Minzy's POV

Sumilip ako sa gilid ng kotse. Nasa may gilid kami ng building kung saan nadun sila Ilei. Nakaisip na kami ng paraan para makapasok sa.loob, pero masyadong mapanganib.

Tumango sa akin si Zeno ng mapansin nyang walang bantay. Tumayo na ako tumakbo papalapit sa pinto, napatigil ako nagtago sa gilid ng halaman. Sumenyasa ako kau Neko sa malayo na may tao. Tumango sya sinabi kay Elliot at Zeno.

Si Raven naman cool lang na nakatalikod sa kotse. Napailing ako. "Boss, okay na naidala na namin sya;" sabi ng isang lalaki na nakasuot ng itim. "Mabuti," sabi pa ng isang lalaki.

Nang nawala na ang anino nila. Mabilis ako pumasok sa loob at sumenyas na walang tao. Pumasok na sila at nagtago sa mga gilid. Kailangan namin magingat, ang mga katulad ni Ilei ay nakaka-amoy ng takot. Hangga't maaari ayokong matakot sa kanila.

Sa malayo naman nasa isang mataas na building si Chris at may hawak baril; sniper. Sya ang napili ni Raven na bumaril sa itaas. Si Zeno naman sa amin nya sinama, sya naman syempre dala ang kanyang espada.

Ako? May dala rin akong baril. Pero sa pangimportanteng bagay lang ito. Nagsimula na kami pumasok sa loob, madilim ito at mga maliliit na ilaw ang nagliliwanag sa amin. Medyo hindi ko makita ang dinadaanan ko.

*bang*

Nagulat ako sa nagpaputok. Si Zeno, napatingin ako a harap ko. May umuusok na itim. Natamaan nya! Hindi ko na napansin na may tao pala sa harap ko. Tinapik nya yung braso. "Muntik ka na dun," seryoso nyang sabi.

Nagpasalamat ako at kinompose ang aking sarili medyo natakot. Kaya siguro may lumapit sa akin na kampon ni Ilei. Kailangan kong maging matapang. May mga nadaanan kaming mga pinto, hindi na namin ito binuksan at sinundan lang si Elliot. "Dito," sabi nya lumiko kami.

Sya lang ang nakakaalam ng lugar na ito. Dahil pinakita sa kanya ni Lalaine, hindi pa din ako makapaniwala. Pero natutuwa ako. "May paparating," nagulat ako sa pagbulong ni Raven sa likod. Sobrang baba kaya kinilabutan ko.

Binuksan ni Elliot ang isang pinto malapit sa amin. Pagbukas nya pumasok agad kami. Umupo kami sa gilid at hinintay na umalis sila. Kinakabahan ako, tumingin ako sa kwarto at hinanda ang baril na hawak ko.

Hindi sya basta baril, isa syang Holy Gun. Imbis na bala, holy water sya ba mukhang bala ng baril. Astig nga eh, binigay nito sa amin ni Raven.

Madilim ang kwarto. Kaya hindi masyasong maaninag kung anong meron sa loob. Siguro mga libro. "Wala na sila," bulong ni Elliot. Itinaas nya ang baril nya at dahan-dahan na binuksan ang pinto.

Pagbukas nya nagulat kami at agad na tinutok ang baril sa kanya. "Lalaine?!" bulong na medyo nagulat. Paano nya nalaman na nandito kami?!

"Nakaka-amoy ako ng takot mula sa inyo," sabi nya. Tumango si Elliot at binaba ang baril nya. Ganun din si.Raven, ginawa ko din ang ginawa nila pati na rin si Zeno.

Pumasok sya sa loob at sinara ang pinto. Pinakita nya ang kamay nya at may lumulutang na maliit na ilaw. Ang liwanag. "Galing ito sa buhok ni Winter," tumingin sya sa amin.

"Bago sya dinala dito nila Ilei, binigay nya sa akin 'to. Naniniwala sya na mabait ako," lumapit sya sa akin na kinagulat ko. Kinuha nya ang kamay ko at inilagay dito ang maliit na liwanag.

"Sabi nya ibigay ko 'to sa inyo. Gumagana lang yan dito sa loob, yan ang magtuturo sa inyo kung nasaan si Winter. Liliwanag yan ng malakas pagmalapit na kayo sa kanya," sabi nya at hinawakan ang kamay ko.

"Iligtas nyo ang mga kaibigan nyo, si Halie malapit lang sya dito sa mga kwarto," sabi nya at lumayo sa akin. "Magiingat kayo," at bigla na lang syang naglaho.

Tinignan ko yung liwanag at hinawakan mabuti. Tinanggal ko ang kwintas kong krus at tinanggal ang gem nito sa gitna. Idinikit ko dito ang maliit na liwanag at sinuot muli.

Tumingin ako sa kanila. "Let's go,"

~~~

OPERATION: Keep me alive!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon