13

110 18 12
                                    

13

Kasalukuyan na nakahiga pa rin si Winter sa kama ni Kate. Lumipas na ang tatlong oras simula nung nangyari ang bagay na iyon. Hindi nya makalimutan si Ilei. Papatayin sya nito, kinakabahan sya at baka idamay nito ang mga kaibigan nya.

"Winter?" Napatingin ito sa bumukas na pinto. Si Zeus may dala itong tray ng pagkain.

"Where are the others?" Tinutukoy nya sina Kate at Elliot. Nakatulog na kasi si Halie sa sofa sa tabi ng kama ni Kate.

"Ah, nandun sila. Naguusap lang," Tumango ang dalaga sa sagot ni Zeus. Nilapag ng binata ang tray sa tapat ni Winter. Isang mainit na bowl ng sopas at isang kutsara ang nakahandang kainin nya. "Kumain ka ah?" Sabi ni Zeus sa kanya.

Tinignan lang ni Winter ang pagkain sa harap nya. Parang wala syang ganang kumain dahil sa nangyari. Nagtaka naman ang binata kung bakit hindi pa rin ginagalaw ni Winter ang pagkain nya. "Ayaw mo ba? Masarap yan! Luto yan ni Kate eh," Ngiting sabi ni Zeus. Mukhang masarap nga dahil sa amoy nito.

Humigop si Winter ng sopas at naramdaman ang init ng likido na dumaloy sa lalamunan nya. Masarap nga. Tumango-tango si Winter at sinimulang kainin ang sopas. "Nga pala, ayos ka na ba? Wala na bang masakit sayo?" Sunod-sunod na tanong ng binata kay Winter.

Nakakapagtaka ang pagbabago nito na dati ay wala naman itong pake sa nanyayari sa kanya. Kasi dati ay patango-tango lamang si Zeus na ngayon ay nagaalala na sa kanya. Tinignan lang sya ni Winter na tila binabasa nya ang nasa isip nito ngunit nabigo sya. "Bakit?" Ngumiti ang binata sa kanya.

Umiling lang si Winter. Siguro ay nagaalala na rin ito dahil baka mapatay sya ni Ilei ng dahil sa kanya. Naubos na ni Winter ang kanyang kinakain ng may biglang kumalabog galing sa labas. Napahinto sila at nakinig muli sa susunod na ingay na maririnig nila.

"AAAAAAAAAAAAAAAAH!"

Agad na napatakbo si Zeus sa labas. Ganun din ang ginawa ni Winter hindi alintala ang nalaglag na bowl ng sopas na nagkalat sa sahig. Pagkahawak nya sa seradura ng pinto ay biglang nawalan ng ilaw sa loob ng kwarto. Paulit-ulit nyang iniikot ang seradura ngunit ayaw nitong bumukas.

Nakarinig muli sya ng sigaw mula sa labas ng kwarto. Ngayon ay si Zeus na ang sumigaw kanina lamang si Kate. "What's happening?!" Sigaw nya. Nasaan si Elliot? Napaisip sya. 'It's Ilei!' Agad na kinabahan si Winter baka napatay na nito ang mga kaibigan nya ganun din si Elliot! Napahampas sya sa pinto. Naalala nya bigla si Halie, kasama nya ito sa loob ng kwarto.

"Halie?" Bulong nito. Tumalikod sya para makita ang kwarto. Kaso madilim ito kaya kinakapa-kapa nya ang mga bagay na nakaharang sa dadaanan nya. Naramdaman nya ang malambot na sofa at umupo dito. "Halie, where are you?" Sabi ng dalaga. Kinapa nya ang sofa pero walang tao na nakahiga dito.

Bigla syang napahawak sa kanya ulo. Para bang nakikita nya ang mga susunod na mangyayari sa loob ng condo. Nakita nya na may hawak na kutsilyo si Halie at sasaksakin si Zeus, nasa likod nya si Ilei, demonyo itong nakangiti habang lumalapit si Halie kay Zeus at Kate na nanghihina na dahil sa sugat na natamo. 'NOO!' Isip nya. Agad na napatayo si Winter sa kanyang inuupuan.

Nagulat ito ng pagtayo nya ay nakikita nya ang buong kwarto ng maliwanag. Tinignan nya ang switch ng ilaw, nakapatay naman ito. Hindi na nya ito inisip sa halip ay tumakbo na sya sa pinto at hinampas ito. "Let me out!" Sigaw nya. Sa pang-limang hampas nya ay biglang nasira ang pinto na kinagulat nya muli.

Mahina lang naman ang paghampas nya pero paano nya ito nawasak ng ganun ganun lang? Lumabas na sya at tumakbo papuntang sala. Nagulat sya sa nakita nya. Si Kate at Zeus ay pareho na may saksak sa kaliwang dibdib. Puro dugo sa loob ng sala. Hinanap nya Elliot at Halie ngunit wala ito. Agad nyang nilapitan ang magkaibigan at inalog-alog. Nakapikit na lamang sila at pakiramdam nya ay hindi na ito humihinga.

Naiiyak ito sa nakikita nya. Nahuli sya. Nahuli nyang iligtas ang mga kaibigan nya. Ngayon ay siguro bihag na ni Ilei si Elliot at Halie. Kasalanan nya ito kung hindi nya sana ginambala si Zeus sa park ay malamang buhay pa ang ang mga kaibigan nya.

*knock knock knock*

Pinunasan nya ang luha na dumaloy sa kanyang pisngi. "Wh-who's out there?" Hindi pa sya tumatayo sa tabi ng magkaibigan. Nagbabasakali sya na gising pa ang mga ito. "Open the door, it's me," Tumayo halos lahat sa balahibo ni Winter. Napatayo sya bigla at lumapit sa pinto.

Hindi sya nagdalawang isip na pagbuksan ang tao sa labas ng pinto. Pagbukas nya ay bumungad sa kanyang ang isang babae na may suot na puting damit katulad nga kanya noong natagpuan sya ni Zeus. "Nasan sila?" Tinuro nya yung pwesto ni Kate at Zeus.

Pumasok agad ang babae at lumapit sa magkaibigan. "Don't touch them!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Winter. Ngunit hindi sya pinansin ng babae at nagpatuloy sa page-examine sa katawang ni Kate at Zeus.

"Their not dead. They are still breathing. OA ka lang,"

~~~

OPERATION: Keep me alive!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon