MUST READ: Salamat sa mga sumuporta sa storyang to. Umabot na sya ng 2.5k something na sya. Hahahaha! Maraming salamat. Sa pagkakataong ito gagamit na ako ng sari-sarili nilang POV para mas maliwanagan kayo. :)
~~~
23
Katelyn "Kate" Quiray's POV
Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata at napagtanto kong hindi ko alam ang lugar kung nasaan ako. Napatitig ako sa kisame habang hawak ko ang aking ulo. Nakakahilo tila parang may kung ano akong narararamdaman. Ano bang nangyari at nasan ako?
"Kate?"
Hinanap ko ang boses sa loob ng magarang kwarto ngunit wala akong nakita kundi mga nakakasilaw at nagkikislapang mga jamante na nakadikit sa kama at mga upuan. Kulay ginto at puti ang tema ng mga dingding na tila pinapakita kung gaano kayamanan ang may-ari nito. Mukhang nasa isa akong kwarto, ngunit kaninong kwarto ito?
May malaking salamin na ginto at may bulaklak na nakaukit dito. Isang napakalaking pinto naman ang nahagip ng aking mata, napalaki nito na parang para ito sa napakalaking tao.
"Kate?"
Muli nakarinig ako ng isang tinig mula sa isang babae. Dahan-dahan akong umupo sa pinagkakahiga ko. Mukhang sa malaking pinto nanggagaling ang tinig. Bumaba ako sa kama at may nakita akong sapatos. Isang pulang sapatos. Sinuot ko ito at tumayo. Dahan-dahan akong lumapit sa pinto ng mahagip ko ang sumikislap na salamin.
Nagulat ako ng makita ko ang aking suot. Nakapula ako na damit at mayroon akong mga naglalakihang mga jamante sa kamay, leeg at sa tenga ko. Sobrang ganda nito idagdag pa dito ang kumikinang na jamante. "What the?" bulong ko at humawak sa aking pisngi. Napakaganda ko sa salaming ito. Na-nasan ba talaga ako? Nananaginip ba ako?
"Kaaate?"
Nagulat ako sa tumawag sa akin. Lumapit ako sa malaking pinto at dahan-dahang itong binuksan gamit ng aking dalawang kamay.
Pagpasok ko mayroon nanamang isang kwarto. Mukha itong isang normal na kwarto, hindi katulad ng una kong nakita. Naglakadlakad ako at napagtanto kong kwarto ito ng isang lalaki. Ngunit kanino?
Biglang bumukas ang isang pinto at iniluwa nito ang isang lalaki. Parang kilala ko ito ngunit hindi ko matandaan. "Oh Kate bakit nandito ka sa kwarto ko?" takang tanong ng binatang nasa harapan ko.
"Tara, baba na tayo at nagugutom na ako. Nagluto ng ulam si Mama," ngumiti ito sa akin bago isara ang pinto. Mama? Siguro ay kapatid ko sya, ngunit hindi ko talaga matandaan.
Lumapit ako sa pinto ng mahagip ko ang salamin. Iba nanaman ang aking suot, nakapang-bahay na ako. Hindi katulad ng suot ko kanina. Nasaan ba talaga ako? Binuksan ko ang seradura ng pinto at may nakita akong hagdan.
Nasa isa akong bahay. "Kate, iha bumaba ka na dito at kakain na." sabi ng matandang babae na sumilip sa may hagdan. Sya ata ang 'Mama' na tintawag ng binata. Ibinuka ko ang aking bibig para makapagsalita ngunit walang lumabas. Napahawak ako sa leeg ko. Anong..
Bumaba na ako ng hagdan at nakita ko muli ang binata na mukhang kapatid ko ata. Kamukha ko ito. "Kain na tayo Kate!" masaya nitong sabi sa akin. Umupo ako sa harap nito.
Maraming masasarap na pagkain ang nakahain sa lamesa. Umupo na rin dito ang matandang babae. Nagkwentuhan lang sila habang ako hindi gumagalaw sa aking inuupuan. Mukhang hindi naman nila ako napapansin.
Napahawak ako sa ulo ko at parang gusto kong matulog. Pumikit naman ako saglit at pagbukas ng aking mata.
Wala na ako sa bahay. Wala na ang masasarap na pagkain sa harap ko, wala na din ang binatang mukhang kapatid ko at ang matandang babae. Nasaan nanaman ako?
BINABASA MO ANG
OPERATION: Keep me alive!
Fantasy"I'm dead yet I can still breath, feel and do the things a living human can do. I only have 4months to keep my life going. I want to survive on the day that I will die and I need to remember my past life. But how can I survive in 4months without dyi...