4
Maaga nagising si Winter. Ang totoo nyan hindi ito nakatulog ng buong gabi. Patay na nga ito bakit kailangan nya pang matulog? Nakita nya si Kate na mahimbing na natutulog sa tabi nya.
Natutuwa sya kasi may mga tao na naniniwala sa kanya. Pero alam nya nung una iniisip ng mga ito na nababaliw na sya o kaya nag-ka amnesia ang dalaga. Nagpapasalamat pa rin ito dahil tinulungan nila ang isang katulad nya.
Tumayo si Winter at dumiretso sa banyo sa loob ng kwarto ni Kate. Tinignan nya ang kanyang sarili sa salamin. Sobrang puti nito at halos wala syang makitang marka ng kamatayan sa kanyang katawan. Ilang taon na kaya sya? Ano kayang kinamatay nya? Bakit kaya nasa mundo pa rin sya ng mga tao?
Sumakit bigla ang ulo nya at muling napatingin sa salamin. Lumabas na ito ng banyo at nakita nanaman nya ang taong nakita nya kagabi sa likod ni Zeus. Ngayon ay naka-upo ito sa kama ni Kate.
Hindi sya sigurado na tao nga ba talaga ito dahil naka-itim to na damit. 'Kamatayan.' Sya na ba yung sinasabi nilang si Kamatayan na sumusundo sa mga ligaw na kaluluwa? Eh hindi naman sya kaluluwa. Isa syang tao ngunit matagal ng walang buhay.
Napapikit ito at bigla nanaman itong naglaho sa paningin nya. Hindi nanaman nya nakita ang mukha nito. Sigurado itong tao iyon.
***
Naalimpungatan si Kate dahil sa liwanag mula sa bintana. Binuksan ito ni Winter para magising si Kate. Alas-otso na kasi ng umaga at nakita nyang paalis na si Zeus. Mukhang babalik na ito sa bahay nya.
"Winter ano ba," Inalog-log ng dalaga si Kate dahil ayaw pa rin nitong bumangon.
"Wake up Kate. I think Zeus is living already," Napadilat agad si Kate at bumangon ng kanyang kama. Hindi ito inaasahan ni Winter. Tinignan lamang ng dalaga si Kate kung paano ito magkadaugaga mag-ayos ng sarili.
"Tara Winter!" Magkatapos mag-ayos ng sarili ni Kate ay bumaba na sila. Mabuti na lamang ay naabutan pa nila ang binata na nag-aayos pa ng gamit nito.
"Aalis ka na?" Tanong ni Kate. Napatingin si Winter sa pintuan at nakita muli ang misteryosong naka-itim kanina.
Bigla itong lumabas. Sumunod ang dalaga at binuksan ang pinto. Nawala nanaman ito. Bakit ganun na lamang ang kagustuhan nya na makita ang nilalang na iyon? "Oy Winter ano yun?" Tumingin sa labas ng condo unit si Kate ngunit wala naman itong nakita na kahit ano. Nagtaka si Kate sa kinilos ni Winter.
"Winter sabihin mo sa akin, ano yun?" Tanong ni Kate sa dalaga. Nagaalinlangan ang dalaga na sabihin ito. Napaisip sya.. may karapatan itong malaman dahil tinulungan sya nito.
"I just saw someone wearing black clothes but I can't see it's face. I saw it last night and this morning too," Kabadong nagkwento si Winter kay Kate. Hindi nya alam kung bakit sya kinakabahan.
"Wag kang mag-alala. Malalaman din natin kung ano yun," Ngumiti ng may kasiguraduhan si Kate kay Winter.
"Thank you," Ngumiti din si Winter na kinagulat nya. Ngumiti na lamang ulit ito. Masaya si Kate dahil may makakasama na ulit sya sa buhay nya. Eh paano na lamang pag mawala ito? Hindi makapapayag si Kate na mawala pa si Winter sa tabi nya. Marami ng nawala sa kanya, ayaw na nyang mawala pa ito.
~~~
BINABASA MO ANG
OPERATION: Keep me alive!
Fantasy"I'm dead yet I can still breath, feel and do the things a living human can do. I only have 4months to keep my life going. I want to survive on the day that I will die and I need to remember my past life. But how can I survive in 4months without dyi...