8
*ding dong*
"Winter, pagbuksan mo nga yun. Baka si Zeus yan," Nasa kusina si Kate at nagluluto ito ng makakain nila. Lunes ngayon at kakauwi lang ni Kate galing sa eskwelahan. Tumayo si Winter at lumapit sa pinto. Bigla syang nakaramdam ng kaba ng hinawakan nya ang seradura ng pinto.
Binitawan nya ito at muli ay may kumatok. "Winter?" Tinawag sya muli ni Kate. "Just a sec," Sigaw pabalik ng dalaga. Sa pagkakataong ito ay pinihit na nya ang seradura.
Pagbukas nya ay bumungad sa kanya ang isang lalaking naka suot ng puting t-shirt. "Si-sino pong hanap nyo?" Kabadong tanong ni Winter. Kamukha nito ang taong nakikita nya ngunit iba ang kulay ng mata nito. Hindi din sya sigurado kung lalaki nga yung nakikita nya.
"Sino yan Winter?" Nakatingin lamang ang lalaki kay Winter. Parang may gustong sabihin ang mga mata nito. "Winter, si-- Uy Elli!" Masayang bati ni Kate sa lalaking nasa harap nya.
"Pasok pasok," Sabi ni Kate. Pumasok na sila sa loob ng condo. Ramdam pa rin ni Winter ang tingin sa kanya ng binata. Nakatali naman ang buhok nito kaya walang kakaiba sa kanya maliban ang kanyang kaputian.
"Winter si Elliot, Elliot si Winter," Masayang pinakilala ni Winter ang kaibigan nito. Ngumiti ang binata kay Winter. "Classmate ko sya at may assignment lang kaming gagawin. Dapat kasama si Zeus, kaso wala pa!" Nag-pout ito.
"Miss mo agad?" Namula si Kate sa pangaasar ng binata sa kanya.
"*ehem* Osige, maiwan ko muna kayo at nagluluto pa ako," Ngumiting umalis si Kate sa harap nila. Pag-alis ni Kate tumayo agad si Winter. Hindi nya gustong makasama pa ang lalaking ito sa sala.
"What the.." inis na sabi ng dalaga sa binata. Bigla nitong hinatak ang kamay nya na dahilan kaya bigla itong napa-upo muli. Nagtitigan ang dalawa at napansin ni Winter ang mata nito. Bigla nyang naitulak ang binata.
Dilaw. Dilaw ang mata nito. Hindi kaya?! Ngumisi ang binata kay Winter. Lalong naging dilaw ang mata nito. "What do you want?!" Mahinang sabi nito. Baka marinig sya ni Kate. Nasa kabilang dingdig lang lamang nila ito.
"Nothing," Ngumiti muli ang binata. Napalitan na ang kulay ng mata ito.
"Naging green yung mata mo Loli! Ang cool," Natutuwang sabi ng binata sa kanya. Naguguluhan si Winter sa kanya, paiba-iba ang ugali nito. Naging berde ang mata nya? At bakit sya tinawag na Loli? Sino yun?
"What do you mean? Who are you?!" Desperadong tanong ni Winter. May alam ang binata tungkol kay Winter.
"Ako si Elliot McHale, and yes. I'm the guy who always sneeks in someone's room just to see you," Nakangiting pakilala nito. Nagulat si Winter dito. Totoo ba ang sinasabi ng binata? Nakakapagtaka at walang takot na sinasabi sa kanya ito. Sya pala ang taong laging naka-itim na tumitingin sa kanya pero paano? Bakit?
"How and why?" Naguguluhan pa rin ang dalaga sa lalaking kaharap nya. Napakabilis. "Hahaha! Basta. Tsaka mo na malalaman. Ang mahalaga kilala mo na ako. Tutulungan kita," Nakakapagtaka at tutulungan sya nito. Alam ba nito na patay na sya? O kung namatay nga ba talaga sya? Sino ba talaga sya. Ano ang kailangan nya sa dalaga?
Tumango na lamang si Winter. Masyado na syang maraming nalaman. Hindi pa nito maiproseso sa kanyang isip. "Good! Atsaka nga pala. Hindi ka pa patay," Napatingin ito sa binata. "What?!"
"Mamamatay ka pa lang,"
~~~
BINABASA MO ANG
OPERATION: Keep me alive!
Fantasía"I'm dead yet I can still breath, feel and do the things a living human can do. I only have 4months to keep my life going. I want to survive on the day that I will die and I need to remember my past life. But how can I survive in 4months without dyi...