27

16 1 0
                                    

27

Paglabas namin pumunta kami sa may park. Mahangin pa rin katulad ng dati. "Anong gagawin natin dito?" tanong ni Kate. "Minzy, ibaba mo si Neko," nagulat ako sa boses nya seryoso at maotoridad. Binaba ko naman si Neko at lumapit ako kau Kate. Medyo lumayo naman kami.

May ginawa si Elliot sa na patern gamit ng kamay. Pero hindi ko ito masyadong nasundan. Itinapat nyang kamay nya kay Neko, umilaw si Neko at lumutang. May malakas na hangin na pumalibot dito atsaka ito lumiwanag ng napakalakas.

Napapikit ako. Nang mapansin kong wala ng liwanag, dumilat na ako. Nagulat ako sa nakita ko, si Neko nakahiga sa sahig walang may. Agad akong lumapit dito at niyakap. May pakpak na sya at may halo sya sa ulo. "Nekooooooo!" natutuwa kong sabi. Naiiyak ako, namiss ko ang puting pusa na 'to.

"A-araaaay!" sabi nya. Binitawan ko sa agad at lumutang sya sa ere. "Anong nangyari?" tumingin sya sa paligid. Wala syang maalala? Lumapit naman si Kate dito. Nagulat pa si Neko pero lumapit din sya.

"Hello!" masayang sabi ni Minzy. "Hi!" kumaway naman si Neko. Napangiti ako, tumayo ako at tumingin kay Elliot. Naging berde ang mata nito at may halo sa ulo.

"Paanong?" tanong ko. "Binigay sa akin ni Lalaine ang mga kapangyarihan nyo habang nananaginip ako," ngumiti sya. Medyo lumutang sya at ginawa ulit ang ginawa nya kanina, sa pagkakataong ito sa akin na.

"Kate, lumayo layo," sabi ni Elliot. Napatingin ako sa katawan ko umiilaw ako, napapikit ako at ninamnam ang kapangyarihan na bimalot sa akin. Nang maramdaman ko yung paa ko sa lupa, tumayo ako ng diretso.

Tumingin ako sa paligid. That's it? Heh. "Meron akong idinagdag na kapangyarihan mo," sabi nya at naglaho na ang berde nyang mata. Idinagdag? "Ano naman?" tanong ko.

"Try hovering in air," pumikit naman sya at may halo na lumabas sa ulo nya. Bigla syang lumitang mga 3 inches above the ground. "Woah! Astig!" nakita ko si Kate na pumalakpak ganun din si Neko.

I can do that? Pumikit din ako ang I imagine myself hovering. Naramdaman ko na hindi na ako nakatapak sa lupa. Nagpanic ako at bumagsak sa sa dalawa kong paa. Napatingin ako kay Elliot at napakamot sya sa ulo nya. "Will work on that later," sabi naman nya. Ngumiti ako.

"Oh yeah, nagdagdag ako ng strength sayo," tumango naman ako. I clenched my fist. Konting panahon na lang maiiligtas na namin kayo.

Cynthia/Winter's POV

Idinilat ko ang mata ko at nakita ang sarili ko sa isang kulungan. Hindi nakatali ang kamay o ano. Nakakulong lang ako, malamig ang sahig at medyo madilim. May maliit lang na ilaw na nagsisilbing liwanag ko. Dahan-dahan akong tumayo at medyo sumandal sa pader. Lumapit ako sa mahahabang nakaharang sa kulungan ko.

Para akong nasa prisinto, prisintong ako lang ang nakakulong. "Is somebody there?!" sigaw ko. Hindi ako gaanong makasigaw. Nanghihina pa din ang katawan ko anong bang nangyari?

Ngumitu ako ng nakakaloko. Niligtas ko nga pala si Kate, muntik na syang mabaril. She's mortal and I'm not. Alam ko na ngayon kung bakit ako namatay at kung bakit ako nandito.

Bumalik sa akin ang lahat. Hindi ko man kung paano pero nagpapasalamat pa din ko. Atleast alam ko na ang lahat. Pero sa tingin ko masyado pang maaga na nalaman ko agad. May dalawang buwan pa ako bago matapos ang mission ko, sa ngayon kailangan ko ng makalabas sa lugar na 'to.

"Cy-Cynthia?"

May narinig akong naghihinang boses, sa katabi ng kulungan ko. "Halie?" bulong ko at lumipat ng pwesto. Dun sa lugar na maririnig ko sya. "You ne-need to get out of here," sabi nya na parang nawawalan ng hininga.

"Huh? How? Wait, are okay over there?" nagaalala kong tanong. Ilang buwan na rin syang nandito. Baka kung ano ng ginawa sa kanya. May narinig akong kalansing ng susi at nakita ko ito sa tapat ko. Kinuha ko ito agad saan 'to galing?

"Halie? Is this from you?" tanong ko. Wala akong narinig na sagot. Hindi kaya, umiling ako. "Halie? Answer me," inis kong sabi. Kinabahan na ako.

Bigla akong may narinig na bumukas na pinto sa dulo ng lugar. May paparating, binulsa ko yung susi at dali-daling bumalik sa pwesto ko. Nagkunwari akong tulog.

"Tsk tsk, wala na ata ang isang 'to," sabi ng isang lalaki. "Ilabas mo na yan," napapantig ang tenga ko ng marinig ko ang boses na yun.

Si Ilei. Narinig ko na bumukas yung pinto sa katabi kong kulungan. Nandun si Halie! Pero hindi ako pwedeng magpahalata. "Dalhin mo sya sa kwarto ng iba pa," maotoridad na sabi ni Ilei. Naglakad na isa sa kanila, saan nila dadalhin si Halie?!

Nagulat ako ng bumukas yung pinto ng kulungan. Lalo pa akong pumikit para hindi nya mahalata. Pinakiramdaman ko ang bawat galaw nya, lumapit sya sa akin.

Bumalot ang katahimikan sa paligid. I flinche ng naramdaman ko ang kamay nya sa pisngi ko. He's not holding it hard; he's caressing it gently.

"I really don't want to do this," bulong nya na ako lang ang makakarinig. Nawala ang hawak nya sa pisngi ko. Medyo nakakagulat ang ginawa nya, lalo na sa sinabi nya. "I want to cut your hair," sabi nya at hinawakan ito.

"But I can't, you'll be dead if I cut it." sabi nya at binitawan nya ang buhok ko. Nakahinga ako ng maluwag pero hindi ko pinahalata. Ayaw nya pa akong patayin? Baka may gagawin pa sya, pero hindi ako nakakapayag.

Ramdam ko ang nga yabag nya sa malamig na sahig. Kumalansin ang susi at sumara ang pinto. Wala na sya, umalis na sya. Dahan-dahan kong dinilat ang mata ko.

Umupo ako ng maayos at tinignan ang buhok ko. Hinigpitan ko ang paghawak ko dito at huminga ng malalim. Kinuha ko yung susi sa bulsa ko at tinignan. Kailangan ko ng makalabas dito sa madaling panahon.

Ililigtas kita Halie, maghintay ka lang.

~~~

OPERATION: Keep me alive!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon