2

248 35 15
                                    

2

Huminto ang binata at napansin nya ang sumasayad sa sahig na buhok ng dalaga. 'Grabe naman ang haba ng buhok nito' Hindi makapaniwalang naisip ng binata.

Lumingon ang binata sa paligid para makakita ng tao ngunit nasa mga bahay na ang mga ito. Alas-otso pasado na at bilog na ang buwan.

Nagsimula na ulit silang maglakad. Hindi maisip ng binata kung anong gagawin nya sa dalaga. Hindi nya ito pwedeng dalhin sa bahay nila dahil baka magtaka ang Ate nito. Bigla naman nya naisip ang bestfriend nya. Doon na lamang nya ito dadalhin.

Pumara ito ng tricycle. Sumakay ang binata, nagtaka ito dahil hindi sumakay ang dalaga. "Tara," Sumenyas ang binata na sumakay din ito. Binuhat ng dalaga ang kanyang buhok bago sumakay.

"Anong nangyari sa girlfriend mo?" Nagulat ang binata sa tinanong ng tricycle driver.

"Um.. wala po? Hindi ko po sya girlfriend," Tumango-tango ang driver at pinaandar ang makina.

Habang umaandar ito. Nararamdaman nya ang pagdikit ng kanyang balat sa balat ng dalaga. Sobrang lamig nito at para ngang patay na sya. Minsan ay pagdadaan ang kanilang sasakyan sa madilin na parte ng subdivision ay hindi nya ito makita kundi ang mata lang nito.

Pag naman nasisikatan ito ng liwanag ng buwan ay transparent ang katawan nito. Nakakapagtaka talaga ang dalagang katabi ng binata. Umiling ito sa naisip nya, hindi sya pwedeng maniwala na patay na ito. Napaka-impossible nun.

***

"So, sinasabi mo na nalaglag sya mula sa puno at sinabi nya sayo na patay nya sya?" Hindi makapaniwalang sabi ng babaeng nasa harap nya.

Nasa condo na ito ng kanyang bestfriend na si Kate. Kababata nya ito at naninirahan na ito mag-isa. "Oo, ang hirap paniwalaan noh?" Tinignan nila ang dalaga na nakatayo sa tapat ng mahabang salamin.

Nakalaglag ang mahaba at dilaw na buhok nito. Humarap ang dalaga sa magkaibigan. "Where should I stay?" Inosenteng tanong dalaga.

"Halika ka dito," Tinawag ito ni Kate at sumunod naman ito. Umupo ito sa tabi nya.

"Kumain ka na ba?" Tanong ni Kate, umiling ang dalaga. Nagtaka si Kate dahil mukha naman itong busog at malakas. Hindi naman ito nanghihina nung dumating ito sa kanyang condo.

"Zeus, magluto ka ng kung anong makita mo ref," Sumenyas si Kate sa binata. Nagtaka ang binata dito pero tumayo pa rin sya. Nang maka-alis na ang binata silang dalawa na lamang ng dalaga ang natitira sa sala.

"Anong pangalan mo?" Mahinahong tanong ni Kate sa dalaga. Umiling ang dalaga.

"Ah. Bakit puro dugo yang damit mo?" Tanong muli ni Kate. Umiling lang ulit ng dalaga.

Napaisip si Kate. Saan kaya galing ang dalagang katabi nya? Mukha namang magkasing-edad lang sila ngunit hindi matandaan ng dalaga ang pangalan nito malamang siguro ang edad din nito. 'Baka naman na-aksidente sya at nagka-amnesia?' Umiling sya, eh paano sya nakarating sa itaas ng puno? Naguguluhan na talaga sya sa babaeng ito.

~~~

OPERATION: Keep me alive!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon