21
Agad na yinakap ni Minzy ang lumapit sa kanila. "But how?" ngumiti lamang ito at tinignan si Chris pati ang puting pusa. Umupo ito para makapantay ang nakahigang si Chris.
"Hey Minzy, your a soul healer, right?" Tumayo na ito at tinapik ng binata si Minzy sa balikat dahilan para magulat ito. Hindi pa din makapaniwala ang dalaga sa nakikita nya. Maraming katanungan ang namumuo sa isipan ng dalaga, tulad ng kung paano ito nakatakas sa mga kamay ni Ilei.
"Subukan mo syang gisingin gamit ng kapangyarihan mo," nung una ay nagulat ang dalaga sa sinabi nito. Lumuhod ito para makapantay si Chris, hinawi nito ang buhok ng binata sa kaliwang mata at nakitang may dugo ito. 'May tama sya," isip ng dalaga. Hinawakan ng dalaga ang sugat ng binata sa noo at pumikit.
Mga ilang segundo lamang ay dumilat dalaga at tinignan ang sugat kung nandun pa ito. Nagulat ang ito at inulit ang kanyang ginawa ngunit naroon pa rin ang sugat. Naguguluhang tumayo si Minzy at tumingin kay Elliot. "Ba't ayaw? Have I lost my powers too?" nag-aalalang tanong ng dalaga. Lumapit naman dito ang puting pusa at tumabi sa paa nito. "Nyaw?"
Muntik ng hindi maka-hinga ang dalaga sa inasal ng puting pusa, binuhat ito ng dalaga at tinignan mabuti. "Oh no," naging isang normal na pusa na si Neko, dahil sa nawala nitong kapangyarihan. Wala na itong kakayahang makipag-usap sa tao.
"Woa! Naging pusa na normal si Neko," kinuha naman ni Zeno ang puting pusa at kinalong sa kanyang mga bisig na parang sanggol.
"Alam mo ba kung nasan tayo?" tumingin sa paligid si Minzy. Hindi matandaan ng dalaga ang lugar kung nasaan sila. Ngunit ay pakiramdam nya ay nang-galing na sya dito. "This is the mortal soul forest, ang mga mortal at anghel lamang ay may kakayahang pumunta dito," tinignan ni Elliot si Minzy.
Mortal Soul Forest: Lugar sa Soul Realm kung saan ang mga mortal at buhay na tao lamang ang makakapunta dito. Kabilang na dito ang mga anghel na may mga misyon sa mundo ng mga tao.
Napahawak si Minzy sa kanyang noo at may nakita syang dugo, agad nya itong pinunas sa kanyang damit. "Edi mortal na din si Minzy?" tumango ang binata kay Zeno. "Pero-- paano?" mangiyak-ngiyak na tanong ng dalaga. Hinagod naman ni Zeno ang likod nito upang hindi maiyak.
"Hindi ko pa masabi kung paano. Pero ang alam ko lang may kinalaman si Ilei dito," seryosong sabi ng binata at huminga ng malalim. "Mamaya na tayo mag-usap tungkol sa bagay na to, pumasok muna tayo sa loob ng bahay dito," tumango ang mga ito at nagtulungang buhatin si Chris papuntang bahay.
Nung lumabas ng Studio si Winter upang hanapin si Zeus.
Tumayo ang dalaga ng mapansin nitong wala si Zeus at napagpasyahang hanapin ito. Dinaanan nya lamang ang mga nagbabangayan nyang mga kaibigan, wala namang nakapansin sa dalaga kaya madali itong nakalabas.
Paglabas nito ay napansin nya ang magbabago ng paligid mula sa mga bahay, tao at halaman pati na rin ang ulap ay parang malungkot at maraming problema. Naglakad na ito, hindi alam ng dalaga kung saan sya magsisimulang maghanap.
Naalala bigla ng dalaga ang natitira nya pang oras sa mundo. Kulang-kulang isang buwan ng nakalipas simula nung nakikilala nya ang mga kaibigan nya. At meron na lamang itong tatlong buwan para maalala ang nakaraan nya at kung bakit sya namatay apat na buwan mula ngayon.
Tumingin ang dalaga sa paligid at walang tao. Bigla namang umihip ang malakas na hangin. Mariing pinakinggan ni Winter ang bawat tunog sa paligid nya kung may panganib.
Agad na sinipa ng dalaga ang taong naka-itim sa likod nya, dahilan para mapatalsik ito sa isang puno. Nabali ang puno sa lakas ng sipa ng dalaga. Nakatayo naman agad ang taong naka-itim. Tinignan ito ni ng dalaga at nagulat ito, wala itong mukhang at para lang itong lumulutang na itim na robe.
Mabilis na umatake ang taong naka-itim kay Winter. Nasuntok ang dalaga sa sikmura ngunit nakabawi ito ng siko sa mukha. Napaluhod ang taong naka-itim at lumayo naman ng ilang hakbang dito ang dalaga. Napa-ubo ng dugo si Winter sa kanyang kamay, binaliwala ito ng dalaga at nag-handa sa susunod na atake ng naka-itim.
"Cynthia! Hahahaha, wait up!"
Nagulat ang dalaga sa kanyang narinig at napatingin sa paligid. Walang katao-tao, silang dalawa lamang ng taong naka-itim. 'Who's that?' saad sa isip ni Winter. Tinignan nya ang taong naka-itim, nakatayo lang ito at hindi mabasa ng dalaga ang susunod nitong gagawin.
"Your so beautiful princess!"
Napahawak ang dalaga sa kanyang ulo. May nakikita itong mga imahe ng tao ngunit malabo ito.
"No! Please, spare my child!"
"Aaaah!" napasigaw ang dalaga sa sobrang sakit ng kanyang ulo parang binibiyak nito ang kanyang utak. Napaluhod ang dalaga habang nakahawak sa kanyang ulo. Minamanipula ito ng taong naka-itim, gamit ng kanyang mga nakaraan.
Napansin naman nya na dahan-dahan na lumapit sa kanya ang taong naka-itim. "Stay away from me!" hindi na makalaban ang dalaga sa sobrang sakit ng ulo nito. Umurong ng umurong ang dalaga, papalapit naman ng papalapit ang naka-itim.
"Cynthia,"
"Princess,"
"Cynthia, are you okay?"
"Cynthia?"
Sinipa agad ng dalaga ang taong naka-itim at tumakbo ng mabilis. Tumakbo lang ito ng tumakbo hanggang sa naging itim ang paligid nya. Wala na itong makita, puro itim. Napahawak si Winter sa kanyang ulo at muling nakarinig ng iba't-ibang uri ng mga boses.
"Come here Cynthia,"
Napadilat ng mata si Winter ngunit wala itong makita. "Where are you?!" sigaw ng dalaga. May umiilaw sa kanyang harapan at pigura ito ng isang tao.
"Let's go Cynthia, were waiting for you,"
Inilahad naman ng ilaw na ito ang kanyang kamay na parang niyayaya si Winter na sumama dito. Umiling ang dalaga, nagdadalawang isip itong sumama.
"Cynthia?"
"Cynthia?"
"Cynthia?"
"Winter!" Agad na napadilat ng mata ang dalaga. Malabo pa ang kanyang paningin, umupo ito at tumingin sa paligid nasa gitna ito ng kalsadang walang mga sasakyan. "Kate?" naninigurado ang dalaga kung si Kate nga ba ang nakikita nya.
"Oh thank goodness! Akala ko kung ano ng nangyari sayo kasi nakahi--" yinakap ni Winter ang dalaga at nagsimulang umiyak. Natakot ng husto ang dalaga sa mga nangyari sa kanya. Gumanti naman na yakap si Kate at hinagod ang kanyang likod.
"Ssh, tahan na. Kung ano man yun, magiging okay din ang lahat," kumalas na ng yakap ang dalaga at napatingin sa likod ni Kate.
Nanlaki ang mata nito at agad na hinarang ang kanyang katawan. "WINTER! NO!"
~~~

BINABASA MO ANG
OPERATION: Keep me alive!
Fantasy"I'm dead yet I can still breath, feel and do the things a living human can do. I only have 4months to keep my life going. I want to survive on the day that I will die and I need to remember my past life. But how can I survive in 4months without dyi...