11
Napagpasyahan nila Kate na sa bahay na lang ni Elliot tumira si Halie. Lumingon si Winter sa kinaroroonan ng batang babae. Nakatingin lang din ito sa kanya. Cynthia.. Cynthia ang pangalan nya. Pero mas gusto nya ang pangalan na binigay sa kanya ni Kate. Hindi nya alam kung bakit, para bang ayaw ng isip nya na tanggapin ang pangalan na iyon.
"Osige na at may practice na pa kami. Isasama na lang muna namin sya sa studio," Napakamot ng ulo si Zeus. Tila ayaw nya na magdala ng bisita sa studio na pinagprapraktisan ng banda nya. Hinatak ni Winter ang manggas ni Zeus. Napatingin ang magkakaibigan dito.
"I wan't to come too," Maotoridad na sabi ni Winter. Lagi na lang kasi itong naka-kulong sa condo ni Kate. Wala din naman syang mapuntahan at naboboring sya sa condo nito.
"Ah ano kasi.." nag-isip muna si Zeus bago tumingin kay Kate. Tumango si Kate dito. May aasikasuhin pa kasi si Kate kaya hindi nya mababantayan si Winter.
"Fine," Bumuntong hininga si Zeus. Tumango-tango naman si Winter. Sa wakas ay makakapunta na sya sa ibang lugar bukod sa condo ni Kate, ang cafe pati ang park kung saan sya natagpuan ni Zeus.
"Okay! So tara na mga girls! Oy ikaw Kate magiingat ka ah!" Tumango si Kate at pasimpleng ngumiti. Labag sa kalooban ng dalaga na umalis si Winter dahil nagaalala ito. Simula nung nalaman nya kay Elliot na may apat na buwan na lang mabubuhay si Winter sa mundo ay gusto nya pa itong makasama.
Lumapit si Kate kay Winter. Nagulat si Kate sa ginawa ng dalaga. "I'll be back," Tapos ngumiti ito. "Okay," Dahan-dahan na umalis si Winter. Unti-unti ng nawawala sa paningin ni Kate ang sasakyan ni Elliot.
Tumalikod na ito para mag-ayos ng gamit nya. Aalis pa sya dahil may puputahan pa syang importanteng tao. Pagkapasok nya ng condominium ay agad na namatay ang mga ilaw. 'Ano ba yan. Wala nanamang ilaw dito'. Isip ng dalaga. Madilim sa loob ng condominium at ilaw lamang ng kanyang cell phone ang nagbibigay liwanag sa kanya.
Pagliko nya ay nakaramdam sya ng malamig na hangin na dumaan mula sa likod nya. Bigla syang kinilabutan dahilan para bilisan nya ang kanyang paglakad. 'Bakit kasi ang layo ng unit ko?! Badtrip.' Sa sobrang kabado nya ay hindi nya napansin ang tao na nasa harap. (Madilim kasi).
"Ay sorry," Sabi nito at himas sa ilong nya. Tinignan nya ang taong nasa harap nya ngunit masyadong madilim kaya inilawan nya ito ng cell phone.
"KYAAAAAAAAAA!"
***
Biglang napalingon si Winter sa pinanggalingan ng sasakyan ni Elliot. Papasok na sila ng studio ng makaramdam ito ng kakaiba. Napahinto ito sa paglalakad. "Ate Cynthia," Napayuko sya ng tinawag ito ng batang babae. Cynthia ang tawag sa kanya. Nakakapanibago at parang may kumikirot sa kanyang dibdib.
"What is it?" Sabi ni Winter at tingin muli sa kanyang tinitignan. Tinuro ng batang babae ang taong nakatayo sa kabilang kalsada. Hinarang ni Winter ang kanyang katawan para maprotektahan si Halie. Nasa loob na ng studio si Elliot at Zeus. Magaala-sais na rin ng gabi kaya wala ng tao sa labas.
Nanlilisik ang mata nito na parang papatayin sila ni Halie. Napakapit ang batang babae sa kamay ni Winter. Malamig. Kinakabahan sila pareho sa mga gagawin ni Ilei. Nakatingim lang ito sa kanila ng bigla itong ngumiti at mabilis na tumakbo papunta kung saan sila nanggaling kanina.
'KATE!' Agad na naisip ni Winter ang kanyang kaibigan. "Halie. Go inside now," Utos ng dalaga sa batang babae. Tumango ito. Pagkapasok ni Halie sa loob ay agad na napatakbo si Winter. Naputol ang tali ng kanyang buhok dahilan para makita ang mahabang nyang buhok.
~~~
BINABASA MO ANG
OPERATION: Keep me alive!
Fantasía"I'm dead yet I can still breath, feel and do the things a living human can do. I only have 4months to keep my life going. I want to survive on the day that I will die and I need to remember my past life. But how can I survive in 4months without dyi...