16

110 19 21
                                    

16

Sa lugar kung saan nagtatago si Ilei pati ang kanyang mga kasama.

"You don't have to do this Ilei," Saad ng binatang nakaposas at puro sugat sa katawan. "And why?" Sinenyas ni Ilei ang kanyang kamay dahilan para tumalsik sa pader ang binata.

"No! Please stop!" Mangiyak ngiyak na sabi ng batang babae na nakaposas din. "Ssh," Hinimas ni Ilei ang buhok ng batang babae at inamoy ang leeg nito.

"DON'T TOUCH HER!" Galit na galit na saad ng binata kay Ilei. Agad na lumapit ang mga kasama ni Ilei kay Elliot at pinagsusuntok ito.

"Where's your protector now huh?" Ngumiti ng nakakaloko si Ilei at sumenyas na itigil na ang pagbubugbog kay Elliot. Binitawan na ito ng tatlong lalaki. Duguan na ito at halos hindi na makagalaw.

Walang magawa si Halie kundi tignan ang binata. Umiyak lang ito at humingi ng tulog sa itaas. Pinikit nito ang kanyang mata at handa ng humingi ng tulong. Ngunit ay hinatak ni Ilei ang buhok nito dahilan para idilat nya ang kanyang mata.

"AA-RAAY!" Binitawan na ni Ilei ang buhok ng batang babae. Napangiti ito ng demonyo ng marinig nya ang pagsigaw sa sakit ni Halie.

Lumapit si Ilei kay Elliot at tinaas ang mukha nito. "Ano na Elli? Ano ng gagawin mo?" Mapanghamon na sabi ni Ilei sa binata.

"Itigil mo na to," Nainis si Ilei sa sinabi ng binata at binagsak ang mukha ni Elliot sa sahig. Tumayo si Ilei at nag-isip.

"At bakit ko naman ito ititigil? Kasalanan mo to kung bakit ako nagkaganto!" Sinipa ni Ilei ang upuan sa tabi ni Halie.

Hindi makapaniwala si Elliot sa kanyang narinig. Napaluhod si Elliot at sumandal sa pader. Pagod na pagod na ito at wala ng lakas para makalaban. "Pa-paano?" Walang lakas na sambit ng binata.

Tinignan sya ng masama ni Ilei. Bakas sa mukha ni Ilei ang hinagpis at galit para sa binata. "YOU KILLED HER!" Galit na galit na sabi ni Ilei dahilan para mawasak nya ang parte ng nasuntok nya sa pader.

"NO! YOUR THE ONE WHO KILLED HER! Kung nakinig ka sa akin edi sana buhay pa sya at hindi ka nagkakaganyan!" Sigaw ni Elliot na lalo nyang kinapang-hina. Napapikit ito at inalala ang nakaraan kung saan Anghel pa lamang ito.

Pagbalik sa nakaraan.

"Elliot come here iho," Lumapit ang binata sa isang mataas na ranko sa pagiging Soul Warrior. "Diba gusto mong makatulong sa tao?" Tumango ang binata dito.

"Nakikita mo ba ang batang yan?" Tinignan nya sa isang malaking salamin ang batang umiiyak. "Sir, why is that young boy crying?" Nalungkot ang lalaki sa tinanong ni Elliot.

"Nalaman nya kasi na patay na ang nakababatang kapatid nyang babae. Kagabi ay nasagasaan ang kapatid nya at dinala sa hospital. Malubha na ang kapatid nya at sabi ng doktor ay dapat ng operahan," Napatingin si Elliot sa batang umiiyak.

"Walang pera ang batang ito kaya hindi naoperahan ang kapatid nya agad. Wala na silang mga magulang at silang dalawa na lang ang magkasama," Tumayo ang lalaki at humarap kay Elliot.

"Ngayon ay ang kaluluwa ng batang babaeng yun ay papunta na dito. Tutulungan mo syang mabuhay ulit," Nagulat ang binata sa kanyang narinig.

"Pero paano po? Isa lang po akong Anghel," Umiling ang lalaki kay Elliot.

"Ayan na sya.."

May umilaw na portal sa gitna ng kwarto. May lumabas na isang batang babae. "Naasan po ako?" Saad ng batang babae. Sumenyas ang lalaki na lumapit sya. "Anong pangalan mo iha?" tanong lalaki.

"Hindi ko po matandaan eh," Tumango tango ang lalaki. "Kilala mo ba ang batang ito?" Tumingin ito sa malaking salamin. "Hindi po eh! Bakit po sya umiiyak?"

"Ah, Elliot. Ikaw na ang bahala sa kanya ah?" Tumango ang binata at umalis na ang lalaki.

"Hello po!" Masayang bati ng batang babae sa kanya.

"Ah hello," Sabi ng binata.

"Ano pong pangalan nyo? Ako po kasi hindi ko matandaan eh!" Nakangiting tanong ng batang babae. Napaisip ito. 'Bakit kaya ang isang napasayahing bata pa ang namatay at napunta dito?'

"Um.. Ako si Elliot," Ngiting sabi ng binata.

"Nasan po ako?" at tinignan ng batang babae ang paligid.

"Nasa Heaven Realm ka," At nagsimulang maglakad ang batang babae. "Ang ganda po dito!"

Heaven Realm: Lugar kung sa dinadala ang mga taong yumao na. Isa itong lugar na puno ng kagandahan at kabutihan.

Makalipas ng tatlong araw.

"KUYA ELLIOT!" Napatingin ang binata sa batang babae.

"Ano yun?" Tanong ng binata habang ginuguhit ang isang mangkok ng prutas.

"Tawag po kayo ni Sir. Elvin!" Napatayo agad ang binata at inayos ang ganyang gamit.

***

"Sir, tawag nyo daw po ako?" tanong binata at lumapit sa lalaki.

"Ngayon na ang araw kung saan ipapadala kayo sa mundo ng mga tao," Nagulat ang binata. Parang ang bilis naman ata?

"Alam kong nagtataka ka at bakit napaaga ang pagpunta nyo sa mundo. Mayayang gabi kasi ay balak ng magpakamatay ng batang ito," Tinignan sa salamin ang bata na noon ay umiiyak.

"Waa~ Saan po tayo pupunta? Kasama po ba ako?" Ngiting tanong ng batang babae.

"Oo, kasama ka iha," Saad ng lalaki sa kanya.

"Ibabalik ko kayo apat na buwan bago sya mamatay. Gagawa ka ng paraan para malagpasan nya ang kamatayang iyon," Tumango ang binata.

"Magiging isa kang Mortal, kayong dalawa. Kaya ingatan nyo ang buhay nyo. Pagnamatay kayo muli sa mundo ng mga tao ay hindi na kayo makakatapak pa muli dito," Napakapit ang batang babae kay Elliot.

"Nawa'y gabayan kayo ng nasa itaas,"

Ang araw kung saan mamamatay ang batang babae.

"Kate ano ba wag kang magulo," Saad ng kapatid nito.

"Kuya naman eh please?!" Magmamakaawa ni Kate sa kanyang nakakatandang kapatid.

"Kyle, pagbigyan mo na ang kapatid mo," Saad ni Elliot sa magkapatid.

Ngayon na ang araw kung saan mamamatay si Kate, kailangan ni Elliot bantayan mabuti ang magkapatid.

"Kuya, labas lang ako ah?" Tumayo si Kate pero pinigilan sya ng Kuya nya.

"Kate, dito ka lang," Sabi ni Kyle sa kapatid nyang si Kate.

Tahimik lang na pinanuod ni Elliot ang pagaaway ng magkapatid. Hindi sya pwedeng mangielam. Ang trabaho lang nya ay iligtas ang batang babae mula sa kamatayan.

"Ayoko na!" Tumakbo palabas si Kate at agad syang sinundan ni Kyle at Elliot ngunit huli na ang lahat.

Kasalukuyan.

Nakapikit pa rin si Elliot at dinadama ang sakit sa bawat parte ng kanyang katawan. Nung nasagasaan si Kate ay agad itong dinala sa hospital.

Pagdating ng umaga ay nalaman ni Elliot na ligtas ang batang babae. Hinanap nya si Kyle sa buong hospital ngunit wala ito. Umuwi ito ng bahay nila at natagpuan nya si Kyle na may kausap.. kausap nito si Kamatayan.

Akala ni Kyle ay patay na si Kate at napagpasyahan nyang sumama dito. Naisip ni Kyle na wala ng halaga ang kanyang buhay dahil akala nito ay wala na ang kanyang kapatid. Hindi napigilan ni Elliot ang pagsama ni Kyle sa Kamatayan dahil napalakas nito at isa lang syang Mortal.

Ngayon ay heto na sya. Si Ilei na naghahari sa lahat ng kasamaan. Pero hindi alam ni Ilei na buhay ang kanyang kapatid..

Si Kate.

~~~

OPERATION: Keep me alive!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon