9

121 24 15
                                    

9

Naguluhan si Winter sa sinabi ng binata. Mamamatay pa lang sya? "What do you mean?" Kinakabahan na tanong ni Winter kay Elliot. "I mean is.. your not dead but your going to die in about--,"

"Okaay! Ito na ang niluto ko. Mwahaha!" Masayang nilapag ni Kate ang kanyang niluto na sinigang na baboy. Kuminang ang mata ni Elliot, paborito ng binata ang mga luto ni Kate. Samantala, si Winter naguguluhan pa rin sa mga nalaman nya.

Naglapag ng tatlong plato si Kate sa maliit na lamesa at tsaka ng nga kutsara at tinidor. Napatingin si Winter sa pinto. "I think there's someone at the door," Napatingin din sila sa pinto ng biglang may kumatok.

"Ako na," Tumayo si Kate at tsaka tinignan kung sino yung tao sa labas. "Nice. Mukhang unti-unti ng lumabas ang iyong supernatural awesome powerzzz!" Natutuwang pumalakpak si Elliot sa kanyang sinabi. Tinignan sya ni Winter na parang nababaliw na.

"Oy pare!" Kumaway si Elliot sa tao sa labas. Si Zeus. Pumasok ito na walang permiso kay Kate. "You should just said hello, you know," Iritang lumapit si Kate sa maliit na lamesa. Nahiga naman si Zeus sa sofa. Mukhang pagod na pagod ito.

Nagsimula ng kumain sina Kate at Elliot. Samantala si Winter, hindi nya pa nagagalaw ang kanyang pagkain. "Winter, busog ka ba?" Tanong sa kanya Kate.

Tulala lang ito. Hindi nya pinansin ang tanong ni Kate. Ang mahalaga ngayon ay yung mga bagong nalaman nya. "Elliot.." bulong ng dalaga.

Napatingin si Elliot kay Winter na may kanin pa sa bibig. Mukhang hindi ito nakakain ng ilang araw. "Anong ibig mong sabihin sa sinabi mo kanina?" Nakapag-tagalog na si Winter sa kagustuhan nyang malaman ang katotohanan.

Nag-kunot noo si Kate sa narinig nya. "Ano yun?" Tapos ay sumubo ito ng kanin. "Mamaya na natin to pagusapan Loli, gutom ako at ayoko maistorbo," Seryosong sabi ni Elliot sa kanya na kinagulat ng dalaga. Tumango na lamang ito.

"Kumain ka na rin at baka makain ko na rin yang pagkain mo," Seryoso pa din si Elliot. 'He's really hungry huh?' Hindi makapaniwala si Winter sa nakikita nya kay Elliot. Umiling na lamang ito, nagsimula na rin syang kumain.

***

"Hindi ka naman kasi kumain eh," Inis na sabi ni Kate sa kanyang kaibigan. "Hindi naman ako gutom," Kanina pa nagbabangayan si Kate at Zeus. Si Winter at Elliot naman tahimik na nanunuod sa kanila. Para silang magkapatid na pinapanuod ang magulang nila na nag-aaway.

Napatingin si Kate sa dalawa. "Ay jusko ewan!" Wala ng masabi pa si Kate at lumapit na lamang ito sa tabi ni Winter. Nasa park ang mga ito kung saan nakita ni Zeus si Winter na nalaglag mula sa puno.

"Ano bang ginagawa natin dito?"

~~~

OPERATION: Keep me alive!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon