3

237 32 25
                                    

3

"Are you wondering why I'm up in the tree?" Napatingin sya sa dalaga at doon nya lang napansin ang napaka-puti nitong balat. Tumango si Kate at dahan dahan hinawak ang braso ng dalaga.

"Ang lamig mo.." gulat na saad ni Kate sa dalaga.

"Because I'm dead," Tumango na lamang ang dalaga. Siguro nga ay na-aksidente ito at akala nya ay patay na sya.

"You don't believe me right?" Napatango si Kate ng hindi nya namamalayan.

Napabuntong-hininga ang dalaga. "I know it's hard to believe. But believe me.. I'm really dead. I'm stuck in this world cause maybe I still have something to do," Pagmamakaawa ng dalaga.

"Then if your really dead. Prove it to me," Nagulat si Kate sa pag sasalita nya ng Ingles. Nakakahawa nga naman talaga ang dalagang ito dahil kanina pa ito nagsasalita ng pa-Ingles.

"Okay," Tumayo ang dalaga at nagsimulang maghanap.

'Ano kaya ang gagawin nya?' Naiinip na isip ni Kate. May hawak na vase ang dalaga. Nagulat si Kate ng bigla itong binitawan ng dalaga. Napapikit ito pero wala syang narinig na basag na vase. Napadilat sya at nakita nya na lumulutang ang vase sa harap ng dalaga.

Hindi makapaniwala si Kate sa nakikita nya. Hindi kaya totoo ang sinasabi ng dalaga na patay na talaga ito? Ibinalik ng dalaga ang vase sa pinaglalagyan nito ng hindi hinahawakan.

"Do you believe me?" Tanong ng dalaga kay Kate. Tumango ito.

"Paano ka makakabalik sa another world?" Tanong ni Kate. Nagkibit-balikat ang dalaga. Hindi alam ng dalaga kung paano sya makakabalik o paano nya tatapusin ang dapat nyang tapusin kung wala naman itong matandaan.

Dumating na si Zeus na may dalang plato na may lamang kanin, bacon, hotdog at omelet. "Sa tagal mo sa kusina ayan lang nailuto mo?" Iritadong sambit ni Kate kay Zeus. Nagtaka ang dalaga sa kanyang nakita.

May nakita ito sa likod ni Zeus. Pero bigla din itong nawala. Pumikit-pikit ito. Namamalik lamang sya. "Oh kain ka na muna.. um? Anong itatawag natin sa kanya?" Lumingon si Zeus kay Kate na nagtatanong.

Nagsimula ng kumain ang dalaga. Ngayon lang ito naka-kain ng gantong kasarap na pagkain. Dahil siguro ito ang una nyang beses na makakain simula ng mamatay sya. "Hm.." nag-isip si Kate na ipapangalan sa dalaga.since wala naman itong maalala. Magiimbento na lamang ito.

"Ano ka ba um.. ghost, spirit, angel o devil? Baka naman shinigami ka?!" Natawa si Zeus sa sinabi ni Kate. Nawiwili na si Kate sa kakapanuod nito ng Anime. Umiling ang dalaga.

"Tao pa rin ako. Kahit patay na ako. Ngunit walang nakakakilala sa akin at wala akong maalala sa aking nakaraan. Kayo pa lamang ang napagsabihan ko nito," Sabi ng dalaga na kinagulat ng magkaibigan.

"Mag-english ka na lang. Nosebleed be!" Maarteng sabi ni Kate sa dalaga. Tumango na lamang ito. Tumingin si Kate kay Zeus.

"Patay na talaga sya. May mission syang gagawin sa earth para makabalik na sya sa another world," Kumikinang ang mga mata ni Kate habang sinasabi nya ito kay Zeus.

Natutuwa si Kate sa mga nangyayari. Parang ganito yung mga nababasa nya sa mga Manga at Comics. Pero hindi nya alam na napaka-bigat na responsibilidad ang nalaman nila.

"Ganun ba?" Wala ng iba pang masabi si Zeus sa nalaman nya. Totoo nga talaga na patay na ang dalagang tinulungan nya. Ngunit saan na ito titira?

"Maga-alas dyes na pala. Dito ka na muna matulog Zeus. Bukas ka na lang umuwi tutal sabado naman na bukas," Tumango ang binata at napatingin sa dalaga na tapos ng kumain. Mukha ngang gutom na gutom na ito dahil naubos nito ang isang mangkok ng kanin.

"Dun ka sa guest room matulog. Sa kwarto ko kami ni Winter matutulog," Nagtaka ang binata sa tinawag nya sa dalaga. Ganun din ang dalaga na ngayon ay nakatayo na.

"Ah. Winter na lang pangalan nya since. Ang puti-puti nya tapos um.. basta! Maganda kasi!" Sumang-ayon na lamang ang binata. Mukhang nagustuhan naman ng dalaga ang pangalan nitong Winter.

"Osya. Maligo ka muna Winter at papahiramin kita ng damit," Walang alinlangan na pumasok si Winter sa loob ng banyo. Mukhang kabisado pa rin nito ang gawain sa araw-araw kahit wala na syang matandaan nung buhay pa ito.

"Marami-raming shampoo ang magagamit nya Kate," Matawa-tawang sabi ng binata.

"Okay lang yun. Teka.. kukuhanan ko sya ng damit at panali. At ikaw, maligo ka na rin magkatapos nya," Umakyat na si Kate sa kwarto nya.

Ang bait talaga ng kababata nya kahit kailan. Hindi lubos maisip ng binata kung bakit wala pa itong boyfriend. Maganda naman ito at matalino. Pero wala syang tinatanggap na manliligaw. Sabagay bata pa sila, marami pa silang pwedeng gawin.

Lumabas ng kwarto si Kate at nag-abot ng twalya kay Zeus. Ganun din ang ginawa nya kay Winter. Kumatok sya at inabot ang twalya dito at isang t-shirt na pink at pajama na blue. Natutuwang lumapit si Kate kay Zeus. Nagtaka ang binata sa inasal ng kanyang kaibigan.

Lumabas na ng banyo si Winter. Suot nito ang damit na binigay ni Kate. Napanga-nga ito dahil lalong nakita ang kaputian ng dalaga. Bumagay sa kanya ng mahabang dilaw na buhok nito.

Naglakad na ito papalapit kay Kate. Nakaramdam ng mabilis na pintig ang binata sa kanyang kaliwang dibib. Nagagandahan ito kay Winter. Umupo si Winter sa paanan ni Kate at hi-nair blow ng dalaga ang buhok nito.

Tumayo na ang binata at nagsimulang lumapit sa banyo. Makalipas ang ilang minuto natapos na ito sa pagligo at nakadamit na ito. Mabuti na lamag at may extra syang damit sa kanyang back pack. Lumapit na ito sa dalawang dalaga at nakita nya itong nanunuod ng telebisyon.

Tumabi ito kay Kate. Napatingin sya kay Winter na naka-upo sa sahig. Ayaw nito sa sofa dahil masyado itong malambot. Nakita ng binata ang kabuuan ng mukha ni Winter. Naka-braid na ang mahaba nitong buhok.

Nakaramdam nanaman sya ng mabilis na pintig sa kanyang kaliwang dibdib. "Ang ganda nya noh?" Bulong ng katabi nya. Tumango ito.

Ano na kaya ang mangyayari sa kanila sa susunod na araw? Matutulungan kaya nila si Winter na makabalik sa lugar kung saan dapat nandun sya? Eh wala naman maalala ang dalaga, paano nila ito sisimulan?

Umiling ang binata. Bukas na lamang nya ito iisipin pagkagising nilang lahat at lilinawin ang sitwasyon.

~~~

OPERATION: Keep me alive!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon