7
"Winter, sa sabado pa ulit ang next trabaho natin sa cafe," Tumango ang dalaga sa sinabi ni Kate. Kakatapos lang ng trabaho nila sa cafe. Naging maganda ang kinalabasan nito dahil sa pagdating ni Winter. Mas dumami pa ang customer dito.
"Sikat ka na Winter!" Natatawang sabi ni Lalaine sa kanya. Close na sila ng dalaga, akala nya nung una ay masama ang ugali nito at lalaitin lamang sya. Yun pala ay mabait ito at kwela. Marami nga talagang nagkakamali sa maling akala.
"Haha! Ang cute nya kasi!" At tuluyan ng nagtawanan ang dalawang babae. Hindi maintindihan ni Winter kung bakit sila tumatawa. Pinagtatawanan ba nila ito?
"O'sya, labas na tayo at maghahapon na. Mahirap pa naman sumakay pauwi pag-hapon," Iritang sambit ni Lalaine sa kaibigan.
"Bibisitahin mo lang yung boyfriend mo eh" Sabay ngumiti ng nakakaloko si Kate. Namula naman si Lalaine sa sinabi nito. "Wa-wala akong boyfriend!" Pagtatanggol nya sa sarili.
Naglakad na sila palabas ng cafe. Naabutan pa nga nila si Mei na may kausap sa telepono, pero hindi na nila ito inistorbo at kumaway na lamang sa kanya. Pagdating nila sa palikuan, tumawid na ng kalsada si Lalaine. Magkaiba ang direksyon ng bahay nila. "Bye Laine! Ingat!" Sigaw ni Kate sa kaibigan. Kumaway na lamang si Winter.
"Bye! Ingat din kayo!" Sigaw ni Lalaine. Naglakad na sila papuntang sakayan ng jeep. Tahimik lang silang naglalakad ng may biglang dumaan sa harap nila.
Masyado itong mabilis. "Did you saw that?" Tanong nya kay Kate. "Saw what?" Nagtaka si Winter dahil hindi ito nakita ni Kate. Sabagay, mabilis ito at malamang ay hindi ito isang normal na tao. Umiling na lamang si Winter kay Kate.
Sinundan ni Winter ang pinuntahan ng mabilis na nilalang, ang lalaking naka-itim! Naka-tayo ito sa kabilang kalsada at muli ay tinitigan ito ng dilaw nitong mata. Hindi nya makita ang mukha nito dahil sa robe nitong itim. 'Tao.' Sigurado na si Winter na tao ang nakikita nya, isang kakaibang tao. Baka katulad nya ito? Pero bakit sya lang ang nakakakita?
Hinayaan na lamang ito ni Winter. Malamang ay magpapakita muli ito sa kanya. Sumakay na sila ng jeep papunta sa condo unit ni Kate. "Oy Winter, bakit ang tahimik mo?" Tanong ni Kate kay Winter.
"Tahimik ka nga pala talaga," Tumawa ng marahan si Kate na kinagulat ni Winter.
Kinakausap pala sya nito. Nawala sa pag-iisip nya na kasama pala nya si Kate. Nahiya sya bigla dito. Masyadong maraming naiisip si Winter dahil sa nakikita nya. "Kate.." bulong ni Winter. Maingay ang jeep dahil sa patok na kanta nito. Napatingin si Kate dito ngunit nakatulog na pala si Winter.
Napailing si Kate. Paano kaya makakatulog si Winter sa ingay ng jeep? Ganun ba talaga ang mga patay na? Binura nya sa isip ang huli nyang naisip. Hindi patay si Winter, malamang ay nastuck lang talaga sya sa mundong ito at naghahanap ng paraan kung paano makakabalik sa mundo nya.
~~~
BINABASA MO ANG
OPERATION: Keep me alive!
Fantasy"I'm dead yet I can still breath, feel and do the things a living human can do. I only have 4months to keep my life going. I want to survive on the day that I will die and I need to remember my past life. But how can I survive in 4months without dyi...