OPERATION: Keep me alive!

366 35 29
                                    

OPERATION: Keep me alive!

1

"I'm dead! Please help me!" Mahigpit na hinawakan ng dalagang naka-puti ang kanyang damit.

Mahaba at dilaw ang buhok nito. Maamo ang kanyang mukha at halos maglaho na ang katawan nito. Hindi makapagsalita ang binata sa nakikita nya. Totoo ba ito o nananaginip lamang sya dahil ba sa alak na ininom nya kagabi? 'Oo tama, hang-over lang ito.' Paulit-ulit na iniisip ng binata na hang-over lamang nya ito.

Kanina lamang ay tahimik na nakikinig ang binata sa kanyang laptop ng mga kantang tutugtugin ng banda nya sa susunod na Battle of the bands sa eskwelahan nila.

Nang makarinig ito ng nalaglag mula sa likod nya. Tumayo ito at tinignan ang bagay na nalaglag mula sa puno. Nagulat ito at halos mahimatay ng makita nya ang isang babaeng duguan at walang malay.

Dahan na dahan na nilapitan ng binata ang babae at tinignan ito. Biglang dumilat ang mga mata nito..Muntik na syang mapamura dahil sa gulat.

Ngayon halos ipagsigawan na ng dalaga na patay na ito. Nakatingin lamang ang binata sa kanya hanggang sa tumigil na ito. Tumigil na ang dalaga sa kakahatak ng damit ng binata.

Nakakapagtaka na may isang babae sa harap nya na nagsasabi sa kanya na patay na ito. Napaka-impossible nun dahil nahahawakan nya ang binata. Maliban na lang kung patay na rin ito.

Nakita ng binata na nanlumo ang dalaga na sinasabing patay na ito. Tinapik ng binata ang dalaga. "Miss okay ka lang ba? Baka naman nahihilo ka lang. Ihahatid na lang kita sa inyo," Tumayo na ang binata. Sumunod naman ang dalaga na kinagulat nya.

Sobrang haba ng dilaw nitong buhok na halos lumagpas na sa paanan ng dalaga. Nagtaka ang dalaga sa pinakitang ekspresyon ng binata. Ngumiti lang ang binata. 'Baka takas ng mental to?' Kinilabutan ito sa kanyang naisip. Kailangan nyang maihatid ang dalaga sa kanyang tirahan. Baka mapano ito.

Binalikan ng binata ang kanyang laptop. Pinatay nya ito at nilagay sa kanyang back pack. Tinignan ng binata ang dalaga na tahimik na hinihintay ang binata.

Nakaputing dress ito. May dugo sa dulo ng palda nito pati sa kanyang pisngi na umabot sa kanyang leeg. Wala itong suot na kahit anong sapin sa paa.

Nagsimula na silang maglakad. Hindi nya alam kung saan nya dadalhin ang dalaga. Natatakot naman itong magtanong baka mamaya baliw pala ito at saksakin na lang sya bigla.

Dapat sa mga oras na to ay natatakot na sya at tumatakbo pauwi ng kanyang bahay. Pero imbis na takasan nya ang dalaga ay tutulungan nya ito. Baka nga siguro may deperensya sa pagiisip ang dalaga.

"Saan ka nga pala nakatira?" Sa wakas ay naitanong na ng binata ang kanina nya pang gustong alamin.

Umiling ang dalaga. "I don't know. I told you I'm dead. I don't remember anything when I'm still alive," Nagulat ang binata sa sinabi ng dalaga. Tumango na lamang sya. Baka nga nababaliw na ito.

~~~

OPERATION: Keep me alive!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon