29
Halie's POV
Ang sakit ng katawan ko. "Hey! You're awake!" napadilat ako sa nagsalita. Yung itim na pusa nanaman, ano bang problema nya sa akin? "Yeah," sabi ko at inayos ang upo ko. Nasa isa nanaman akong kwarto, pero mas maganda na ito kaysa sa nandun ako sa kulungan.
Sana nakuha ni Cynthia yung susi, sana makalabas na din sya. Iniisip ko pa lang yung mga ginawa nila sa akin, nasusuka na ako. "Halie, halie!" tumingin ako kay Nikki, yung itim na pusa. Palipad lipad sya sa paligid. Pumikit na lang ako kailangan kong magpahinga. Hindi ko na din masyadong maigalaw ang katawan ko.
Medyo dumilat ako at tumingin sa paligid. Nandito nanaman ako sa lugar kung saan nila ako pinapilit sabihin kung nasaan sila Elliot, ngumiti ako ng nakakaloko. Malakas ako, at kinaya ko ang lahat ng paghihirap na ginawa nila sa akin. Hindi ko ilalaglag ang mga nagalaga sa akin.
Kahit kapalit pa nito ang buhay ko.
Elliot 'Elliot' McHale's POV
Nakapasok na kami sa lungga nila Ilei. Wala pa talaga kaming plano. Maliban sa pumasok lang dito at iligtas si Halie at Cynthia. Ayun na ata ang pinaka walang kwentang plano na alam ko. Napailing ako na medyo natawa.
Sa ngayon hahanapin muna namin si Halie dahil malapit lang sya dito. "Lumiliwanag yung kwintas," napatingin kami kay Minzy. Umiilaw nga.
"Malapit lang si Cynthia dito," bulong ni Minzy.
"Habulin sya!"
May narinig kami sigawan ng mga lalaki mula sa gilid. Biglang lumiwanag ng malakas yung kwintas ni Minzy. "Magtago na tago!" nagpapanic na sabi ni Zeno.
"Wait, baka si Winter yung hinhabol nila!" sabi ni Minzy at tumingin sa amin. "Magtago muna tayo," binuksan ni Raven ang isang pinto at pumasok silang dalawa ni Zeno dito.
"Magtago ka na din Elliot, ako ng bahala dito. Hahanapin ko sya," tumango ako sa kanya.
"Magiingat ka," sabi ko. Tumango sya at binuksan ko na ang pinto sa harap ko at pumasok sa loob.
Sana mahanap ni Minzy si Cynthia. Kailangan na din namin mahanap si Halie. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. At parang masyadong madali, nasan si Ilei? Hindi ba dapat alam na nya na nakapasok na kami sa lugar nya?
Pinagmasdan ko ang kwartong pinasukan ko. Madilim ang loob, isang maliit na ilaw ang nagpapaliwanang dito. May mga upuan na sira at mga nagkalat na papel. Hindi kaya apartment to dati?
Meron pang mga basag na salamin at paso. Lumapit ako sa isa sa mga aparador. Malaki ito mas malaki pa ito sa akin. Bigla akong nakaramdam ng lamig mula sa likod ko.
Tumalikod ako agad para makita kung may kasama ba ako sa loob. Hinawakan ko ng mahigpit ang baril ko. "Sinong nanjan?" halos pabulong kong sabi.
May nakita akong pulang ilaw sa pinto at mabilis itong tumama a noo ko. Nandilim ang paningin ko. Sinubukan kong kumapa pero wala talaga akong makita. "Ilei! Alam kong ikaw yan!"
"Lumabas ka!" pagkasabi ko nun ay. Biglang may liwanag na bumalot sa paligid at nakakita na ako.
Tumingin ako sa paligid. Wala ako sa isang kwarto. Nasa isa akong halamanan. Puro mga bulaklak at malalaking puno. Maganda, maganda ang lugar na ito. At tandang tanda ko pa kung nasaan ako ngayon.
"Kuya!" may lumapit sa aking isanng babae. Nakatali ang buhok nito at nakangiti sa akin. May kamukha sya pero.. hindi malinaw sa alala ko.
Para bang sinadyang burahin ang batang babae na ito sa alaala ko. Hindi kaya..
Binitawan ng batang babaeng ang kamay ko at bigla itong tumakbo. "Sandali lang!" sigaw ko. Sinundan ko sya hanggang sa makarating akong sa isang kalsada.
Nasa syudad ako. Madilim ang lugar at may isang malaking bahay na pumukaw ng aking pansin. Bahay ko ito ah? Hindi mali. Bahay ito ng nga taong umampon sa akin.
Umakyat ako sa hagdan bago ako makarating sa tapat ng pinto. Kumatok ako at pinagbuksan ako ng isang matandang babae. Mom?
Nanigas ako sa kinakatayuan ko. Hindi! Mali. Ilusyon lang ito. Oo tama. Ginugulo lang ako ni Ilei. Tama tama. Pumikit ako ng mariin at pinakiramdaman ang paligid ko. Hindi tama ito.
Dapat na akong makabalik.
~~~
BINABASA MO ANG
OPERATION: Keep me alive!
Viễn tưởng"I'm dead yet I can still breath, feel and do the things a living human can do. I only have 4months to keep my life going. I want to survive on the day that I will die and I need to remember my past life. But how can I survive in 4months without dyi...