26
Minzy's POV
"Ano naman kaya ginawa nya Elliot? Mukha namang syang mabait eh, atsaka tinulungan nya akong makalabas ng nasusunog na apartment," napatingin ako kay Kate.
Nasusunog na apartment? Nabanggit na ni Elliot na napanaginipan ni Kate si Lalaine, pero hindi ko alam ang tungkol dito. Matipid lang syang nagkwento sa akin.
"Ugh.."
"Elliot!" sabay naming sabi ni Kate.
"A-anong nangyari?" sabi nya at tinulungan namin syang makatayo. Inalalayan naman sya ni Chris at Zeno. "Mahabang kwento," matipid akong ngumiti.
"Ah, ganun ba? Ah," napahawak sya sa ulo nya. "Tara at pumasok muna tayo sa loob," sumang-ayon kami kay Kate at agad na dinala si Elliot sa loob ng condo.
***
"Alam ko na kung saan nagtatago Ilei,"
Napatingin kami kay Elliot na nakaupo sa sofa at naka halumbaba. Nandito kami sa sala at hinihintay na magkwento si Elliot. Habang nagkakagulo kami dahil sa nangyari sa kanya kanina, nananaginip lang pala sya.
"Eh diba galing ka na dun?" tanong ni Chris.
"Oo, pero ng makatakas ako. Nagplano na silang magbago ng lugar dahil sa pagtakas ko. Sigurado akong kasama nila si Halie at Winter. Pero hindi pa ako sigurado kay Zeus, malabo sya sa panaginip ko. Parang sinadya na wag ko syang makita,"
Wait, what?! "Ka-kasama nila si Winter?!" pero paano?! At Zeus?! "Si Kate lang ang nakakaalam kung paano napunta si Winter dun," tinignan namin si Kate na nakaupo sa gilid ng sofa. Mukhang napansin nya kami kaya umiling lang ako sa kanya.
"May nangyari dito ng umalis tayo," sabi nya at ginulo ang kanyang buhok. Pag inis at pag sisisi ang nakikita ko kay Elliot. "Hindi mo ito kasalanan tol, sadyang ganun lang talaga," sabi ni Zeno. Sumang-ayon naman kami.
"Kailangan na talaga natin, maghanda," tumingin sya sa akin. Nagulat naman ako. "Habang nananaginip ako, may narinig akong boses. At sigurado akong si Lalaine yun," sabi nya at umiwas na ng tingin.
"Anong sabi nya?!" nagaalala kong tanong. Alam kong may pagasa pang bumait si Lalaine. Kilala ko sya at hindi basta bastang kayang pumatay ng tao. "Tulungan daw natin sya pati na ang mga kaibigan natin, nanganganib ang mga buhay natin pag hindi pa tayo kumilos," yumuko sya at tumingin sa kisame.
"Sinadya nya na barilin ako para himingi ka ng tulong, para maiwan kaming dalawa," huminga sya ng malalim. Bumilis yung tibok ng puso ko. Hindi talaga ako nagkakamali, may natitirang pang kabutihan sa kanya.
Kahit nasakop na sya ng kadiliman. "Pinagaling nya din ang sugat ko. Pinlano nya ang lahat. Para lang maipakita nya sa akin kung nasa ang mga kaibigan natin," tumingin sya sa aming lahat. "Kailangan na natin magmadali, wala na tayong oras."
Tumango kaming lahat at nagsitayuan. Pero paano namin uupisahan? "Mga dudes, baka nakakalimutan nyo na mortal kami. May powers kayo diba?" natatawang sabi ni Chris. "Meow~" nakita ko si Neko na nakaupo sa sahig, kinuha ko ito at hinimas ang noo. Hindi ko pa din naibabalik ang kapangyarihan ko. Pati si Neko, hindi pa sya bumabalik sa dati.
"Sumama kayo sa akin," nagulat ako sa pag-alok ni Raven kayla Chris at Zeno. Sumunod naman sila at lumabas ng condo. "How about me?" tumingin kami kay Kate.
"Kayong dalawa, sumama kayo sa akin. Isama mo si Neko, Minzy," tumango sa kanya. Sinundan namin syang lumabas ng condo.
~~~
BINABASA MO ANG
OPERATION: Keep me alive!
Fantasy"I'm dead yet I can still breath, feel and do the things a living human can do. I only have 4months to keep my life going. I want to survive on the day that I will die and I need to remember my past life. But how can I survive in 4months without dyi...