Chapter 34 - Back to Manila

5 0 0
                                    

Kevin's POV

January 2, 2015. Uuwi na kami sa Manila. Nakakalungkot naman. Mamimiss ko itong Batangas. Bihira lang kasi ako makarating sa mga ganito kasi sa Manila na talaga kami lumaki. Haayy! Masyado nang maraming masasayang memories dito. Hinding-hindi ko makakalimutan. Nagkaroon ako ng chance na makilala ang ibang relatives ni Mysh. Ang saya lang! Super happy rin ako para kila Kuya Jeff at Ate Joana. Grabe ang tagal na pala nila! 6 years! Whoaaa! Kami naman ang next ni Loves.

"Oh loves, ready na ba yung mga gamit mo?" Tanong ni Mysh.

"Yes loves. Ready to go na ako. Ikaw?"

"Ah good. Ako naman ang mag-aayos ha! Stay put ka lang jan. Okay?"

"Tulungan na kita loves."

"Okay lang loves. Konti lang naman gamit ko."

"Ano ka ba loves. Tulungan na kita. Para mas mabilis." Sabay pinisil ko ung cheeks niya.

-

"Loves, mamimiss ko tong bahay ninyo!"

"Ako rin. Haayy! Matagal tagal din bago tayo makabalik dito."

"Kasama ulit ako kapag babalik kayo dito?" Malakas kong tanong sa kanya.

"Oo naman. Basta magpakabait ka lang. Sure na kasama ka."

"Wow! Thank you loves!" Niyakap ko siya.

Bandang 3 pm ay umalis na kami. Syempre bago kami umalis ay kumuha muna kami ng mga prutas na pasalubong. Mangga, chico, suha at iba pa. Kanya-kanya kaming dala. Siguradong matutuwa sila mama sa mga dala ko.

Sa likod kami nakapwesto. Nasa gitna namin ni Jed ay si Mysh.

"Good luck talaga sakin. Mauubos na naman yung lamang loob ko. Sana walang traffic." sabi ni Mysh.

"Dont worry loves. Ready ako oh." sabay taas ko ng plastic.

"Haha. Naks boys scout. Laging handa." sabi naman ni Jed.

-

Almost 2 hours bago kami nakarating kila Loves. Yes. Dun muna kami dumiretso sa kanila.

"Finally! We're home!" sigaw ni Jed paglabas namin ng sasakyan.

"Congrats loves! Hindi ka naubusan ng laman!" sabi ko kay Loves.

"Syempre hindi traffic e. Matibay ata to kapag hindi traffic." yabang e. :p

"Pasok muna kayo. Makapagpahinga muna kayo ng konti." sabi ni Tita/Mommy :p.

"Ilabas muna natin tong mga dala natin." sabi ni Tito/Daddy.

Oo nga pala. Nasa likod pala ng sasakyan yung mga pasalubong namin. Pati yung mga bag namin. Pagkatapos naming ipasok sa loob ang mga dalahin namin ay naupo muna kami sa sala. Pinagdala naman kami ni Tita/Mommy ng inumin.

"Tita, kelan po ulit kayo pupunta ng Batangas?" tanong ni Jed kay Tita/Mommy.

"Hindi ko pa alam e. Matagal-tagal pa rin siguro. Pero kung gusto ninyo naman pumunta, sabihin ninyo lang, bibigay ko tong susi sa inyo. Anytime." sabay ngiti.

"Talaga Tita? Anytime?" tanong ni Jed.

"Of course Jed. Hindi naman na kayo iba samin e. Part na rin kayo ng family namin. Kayo ni Kevin."

"Wow thank you Tita!" sabi ni Jed.

"Thanks Tita/Mommy. Este Tita!" hirit ko. Natawa na lang siya samin.

Love at First TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon