Chapter 9 - Nakulong

25 0 0
                                    

Friday, February 13, one day before Valentine ’s Day. Maaga na naman akong pumasok. Yey! Of course, plus one point na naman sa Marketing! Magkasunuran lang kami ni Mysh. Nauna lang ako ng konti. Umupo muna kami sa may corridor. Bakas sa mukha nito ang excitement para sa darating na Valentines.

"Bff, hindi talaga kayo magkikita ni Kevin bukas?" Tanong nito habang nagsusuklay.

 "Hindi e. you know naman, may pasok ako. Kung makakaabsent nga lang e. kaso baka bumagsak na ko dun."

 "Sayang naman. First Valentines ninyo pa naman."

 "Kaya nga e." sabi ko naman.

Hindi talaga kami makakapagkita ni Kevin bukas. Napag-usapan na rin namin ito. He's very understanding naman. Mula noong naging kami, marami pa kong nadiscover about kay Kevin. Yung mga traits nia. One is being understanding. And I love it. Nagbell na. Hudyat na 7:00 am na. Kelangan na naming pumasok sa room. Nagsidatingan na rin ang iba naming classmates. Aba lahat sila nakangiti. May mga date to bukas. Yung iba namang mga single, it's normal day for them. Maya-maya ay dumating na si Maam Malate. Aba. Naka-smile din. Mukhang masaya to ah. Bumati siya samin ng 'Good Morning' at ganun din kami. Nagkwento siya kung ano ang gagawin nila bukas ng family niya. Oo, may asawa at anak na siya. Kahit na 50's na siya ay mukhang bata pa ito. Maganda kasi siya manamit at laging nakamake-up. Si Ma'am Prieto naman napakavocal niya samin. Inamin niya samin dati na may boyfriend siya at mukhang happy naman sila hanggang ngayon. Minsan nga ay sinusundo siya nito. May dinner daw sila bukas sa house nila. Si Ma'am Beginia naman, 60's na ata ang age niya. Magdidinner lang daw sila sa bahay nila kasama ang mga apo at relatives. Wala kami gaanong ginawa ngayon sa klase. Panay kwentuhan lang ng mga professor.

"Taray nila Ma'am ah. Happy happy!" Sambit ni Mysh habang palabas ng gate.

"Kaya nga e. ikaw din naman e, mataray! May date din kayo e." sabi ko naman.

Habang pauwi ako, marami na akong nakitang mga panregalo sa bangketa. Mga flowers na plastic, may tunay na roses, teddy bears, balloon na hearts. Marami na ring namimili.

-

It’s Saturday. NSTP Day!

**Beep**

One message received

 From: Loves

Good morning Miss Duga. Tinulugan na naman ako kagabi. Antukin! Happy Valentines day! I love you!

To: Loves

Pasensya na. Antok lang talaga. Happy Valentines day din. I love you too.

 Nagtext din ako kay Mysh at Jonas. Naggreet ako ng Happy Valentines. Nagreply naman agad yung dalawa. Mukhang excited sila sa dinner nila mamaya. E di kayo na.

"Nak, baka pagdating mo dito mamaya sa bahay wala ako ha. Yung papa mo, nag-aya. Lalabas kami." Sabi nito habang nanonood ng TV.

 "Opo ma. Sila ate po aalis din?" Balik ko naman sa kanya.

"Ah oo nak. May date din sila. Magdidinner daw sa bahay nila Carl at Jeff." Hindi na ako sumagot.

Mga 11am ay umalis na ako. Nagkiss na ko kay mama at umalis. Marami ng nagdadate sa oras na to. Yung iba couples, meron din namang kasama ang family. Hindi sila nagpapatinag sa init ah. Yung mga tugtugan naman sa radyo ng jeep ay puro love songs. Nakapag emote tuloy ako. 12:45 nakarating ako ng school. Naka-nstp shirt ako ngayon. Pagpasok ko sa gate, bumungad sakin ang kumpulang mga estudyante sa ground. Anong meron? At lahat sila nakapula. Dali-dali naman akong lumipat. Ahhhh, may mga booth pala. May song request booth, Marriage booth, food booth, dedication booth, souvenir booth at jail booth. Noong naikot ko yun ay papunta na ko sa gym. Hindi naman siguro kami kasali dun dahil may nstp kami. Habang naglalakad ako ay may nagsalita. Mukhang nanggagaling sa jail booth.

Love at First TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon