Kasalukuyan kaming nag-aayos sa room. Ang mga lamesa, upuan at mga pang design sa dingding. Inilgay ko na rin ang mga regalo sa ibabaw ng lamesa. Si Karina naman ang nag-ayos ng mga pagkain na nakalagay sa styro. Pinagpatong-patong niya iyon. Ako na rin ang gumawa ng banner na idinikit sa white board namin. Si Mike naman ay sinusundo na ang mga bata kasama ang ilang mga classmates naming lalaki. Si Mysh naman nagpapractice na ng kanyang kanta.
Yes! Everything's ready! Pumasok na rin si Mike at sinabi na nakapila na ang mga bata at magulang sa labas. May mga 5 to 7 years old na pumunta. Hindi na nila kasama ang kanilang nanay. Kanya-kanya kaming alaga sa mga bata. Ang cute nila! Lalaking mataba ang inalagaan ko. Sarap pisilin ng taba e.
We are the world, we are the children
We are the ones who make a brighter day
So lets start giving
There's a choice we're making
We're saving our own lives
Its true we'll make a better day
Just you and me
After almost 2 hours ay natapos na ang kasiyahan. Nakakanta na si Mysh, nagpalaro na ang classmates ko, kumain na, at naibigay na ang mga regalo. Kitang kita ang mga ngiti sa mukha ng bawat isa. Masayang masaya kami kasi kahit papano ay napasay namin sila.
"Ate Mitch, salamat po ah!" Lumapit sakin si Buchoy. Yung inalagaan ko kanina.
"You're welcome Buchoy! Be a good boy ha! Mag-aral kang mabuti." Sabay gulo sa buhok nito at niyakap.
Nakakatuwa kasi alam ko na super naging masaya sila sa ginawa namin. Ang sarap sa pakiramdam.
"Mitch, salamat ha!" Sabi ni Mike na nag-aayos na ng mga kalat.
"For what?" Ngiting tanong ko.
"Sa pagbili ng mga regalo sa mga bata. Masayang-masaya sila."
"Ano ka ba? Okay lang ano. Anything for them." Todo-smile ako.
Pagkatapos namin magligpit ay nagpahinga muna kami. Umupo sa mga upuan. Si Mysh naman ay lumapit sakin. Kausap na naman si Jonas. At mukhang hindi sila okay. Parang ag cold ng boses niya, yung parang walang gana. Kinausap ko naman ito nang ibaba niya ang cellphone niya.
"Hoooy! Okay ka lang?"
Nag-nod lang siya. Pero mukhang di talaga okay, nakasimangot e. Ano kaya yun? Ay ewan. Kung ano man yan ay maaayusan din nila ito. Sila pa? E love na love nila ang isa't-isa. Baka tampuhan lang. Naunang umuwi si Mysh. Nakakapanibago kasi habang magkatabi kami ay tahimik lang siya. Hindi ako sanay. What's wrong? Pati ba kami ni BFF may LQ na rin?
Makauwi na nga rin. Pero habang nasa jeep ako hindi ako mapanatag. Bakit kaya ganun si Mysh? Nakakalungkot kasi first time nangyari samin to.
Nakalipas ang mga araw na ganito pa rin kami. May imikan pero tipid ang mga salita. Hindi na siya sumasabay sakin na maglunch. Kaya ayon, kila Karina ako. Sila ang kasama ko. Napansin nga rin nila na parang may something samin ni Mysh. Nagkibit balikat na lang ako.
**Beep**
One message received
Loves
Loves, ano? Okay na ba kayo ni Mysh? Hindi ko makausap si Jonas e. Ilang days na absent. May sakit raw.
From: Loves