Chapter 31 - Day 2 in Batangas

9 0 0
                                    

Maaga kaming gumising. Bakit kaya kapag nasa probinsya ang aga magising ng diwa. Grabe sarap! Langhap na langhap ko yung sariwang hangin na nanggagaling sa bintana. Ang sarap mag-unat!

**Beep**

One message received
Loves

Good morning mahal! Gising na! :*

Pagkatapos kong basahin ay lumabas na agad ako ng kwarto. Dumiretso sa cr para maghilamos. Natanaw ko naman si Kevin at Jed sa labas ng bahay. Nag uusap.

"Anak, tawagin mo na sila Jed pagtapos mo maghilamos ha! Kakain na tayo. Pupunta na tayo sa mga tita mo." utos sakin ni mama.

"Opo ma."

At ayon nga, kumain kami. Naligo. At nag ayos ng gamit na babaunin papunta kila Tita Rose. Malapit lapit lang naman ito sa amin.

-

After 30 minutes ay nakarating na nga kami kila tita. Nadatnan din namin yung iba naming pinsan dun.

"Aba! Umuwi pala kayo!" bungad sa amin ni Tita Rose pagbaba namin ng sasakyan.

"Parang di ka na nasanay. Diba dito naman talaga kami nagpapasko?" sagot naman ni mama.

"Tuloy kayo!"

Pumasok na nga kami sa loob ng bahay nila. Namiss ko to.

"Aba Janina. Dalaga ka na. May naiibig na e." bati naman sa akin ni Tita.

"Hehe. Matagal na po akong dalaga tito. Kayo naman. Hehe." biro ko naman.

"Ipakilala mo naman sa amin yan ng Tito Ric mo!" sabat naman ni tito.

"Hehe. Tita, tito. Ito po si Kevin. Boyfriend ko po. Hehe. Kevin ito sila Tita Rose at Tito Ric. Si Tito kapatid yan ni Mama." paliwanag ko.

"Hello po. Tita, tito." nag-smile naman si Kevin sa kanila.

"Aba nga naman Janina. Nakadali ka ng gwapo ah. Hehe." biro ni tita.

"Hay naku tita. Baka lumaki po ang ulo niyan ni Kevin dahil tinawag ninyo siyang gwapo. Maniniwala yan. Haha! Ay teka, ito po pala si Jed. Schoolmate at kababata ko po."

"Hello po Tita, Tito." super smile naman si Jed.

"Ah ah. Gwapo rin ito ah!" sabi ni tito.

Si Kuya Jeff kilala na siya nila Tita. Ilang beses na rin kasi siyang nakapunta dito sa amin.

Panay ang kwentuhan namin dun nila Tita. Masaya kasi medyo may pagkacomedian yung mag-asawa.

"Gusto ninyo ba maligo sa ilog? May baon ba kayong damit?" tanong ni Tito Ric.

"Opo!" Sabay-sabay naming sagot nila ate at nila Kevin.

Sumabay na kayo sa mga pinsan ninyo. Pupunta rin sila dun. May dalang jeep. Baka di makaahon yung kotse ninyo dun dahil lubak ang kalsada. Sumama nga kami pero di kasama si mama at papa.

-

"Wow! Ang ganda naman! Picture tayo!" sabi ni Kevin. Nilabas naman niya ang phone niya at nagselfie kami.

"Lahat naman tayo papicture dun sa hanging bridge!" sabi naman ni Kuya Jeff. Pumwesto nga kami dun at nagpapicture. Sabay kaming naglakad ni Jed at Kevin. Nasa unahan kami nila ate.

"Grabe! Kakayanin ko kaya maglakad dito? Lubak lubak. Lampa pa naman ako!" oo lampa talaga ako.

"Wag ka matakot loves. Hahawakan naman kita." sagot niya.

Love at First TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon