Friday na! Meaning exam na! Juice colored! Hindi na pala ako gaano nakapagreview kagabi. Nakatulog pala ako.
**Ring**
Incoming Call
Loves"Good morning loves! Good luck sa exam mo ha! Kaya mo yan! I love you! Mwah mwah mwah!"
"Thank you my inspiration! I love you too! Mwah mwah mwah!"
Ayan tuloy di na ako makamove on sa inspiration na yan. Hehe. At dahil hindi ako gaano nakapagreview, maaga ako papasok. Magrereview ako sa library.
-
Tanaw sa labas ang mga estudyante na nasa library. Mukhang puno ah. Umikot ikot ako at ayon! May vacant seat pa. Yeess!
Sino naman kaya tong lalaking to na dito natutulog sa library? Yung ibang estudyante ay di magkanda-ugaga sa pagrereview samantalang siya, chill na chill lang. Di bale, deadma na lang!
Nagstart na akong magreview tinapat ko ang notes ko sa mukha ko. Nagcoconcentrate ako masyado sa notes ko. Nang biglang..
"Hi Mitch!"
"Jed?! Ikaw pala yan! Sorry naistorbo ba kita?" so si Jed pala yung guy na natutulog. Okay.
"Hindi okay lang. Inantok lang ako kaya nakatulog ako. Good luck sa exam ha!" sabi niya.
"Thank you. O sige Jed ha! Alis na ko. Lapit na rin kasi magtime e. Baka malate ako." tumayo na ako at nilagay ang notes sa bag ko.
"Sabay na tayo." sabi niya. Nalaglag ang ballpen ko sa gilid ng table yumuko ako para kunin. Sa kasamaang palad yumuko rin siya kaya nagkaumpugan kami.
"Aray!" medyo napasigaw ako. Sakit ng noo ko.
"Oh my, sorry Mitch!" sabay hawak niya sa noo ko.
"Hindi okay lang ako. "Inilagay ko na sa bag ang ballpen ko at umalis."
Nakalimutan ko na ata yung mga nireview ko dahil sa untog na yun ah. Infairness ang sakit!
Pagpasok ko sa room ay andun na sila Karina. Umupo ako sa tabi niya at hinimas himas ang noo ko.
"O bakit? Bakit nakabusangot? Anong nangyari?" tanong nito.
"Ayon nagkauntugan lang naman ni Jed. Grabe ang sakit! Mapula ba?"
"Hala, oo mapula. Joke!" biro niya.
"Hehe. Nice joke!" nagfake smile ako sa kanya.
"Sungit naman. Pakopya ako sa exam ha!"
"Tse!"
"Peace. Love you!" -Karina
As usual, noong nag eexam, nakaabot ang mga sagot ko hanggang likod. Magaling kami maglaro ng pass the message e. Haha!
-
Natapos ang exam sa lahat ng subject. Grabe! Kinaya ko! Hahaha! Alone ako ngayon pauwi. Si Karina kasi may klase pa. Si Diana at Marj naman may raket pa.
Ipinasak ko ang earphone ko sa dalawang tenga ko at nagsoundtrip habang palabas ng school.
Bakit halos lahat ng makakasalubong ko ay nakatingin sa akin at parang pinapaalis ako anong meron? Hanggang sa may lumapit sa aking babae.
"Ate, may sasakyan po sa likod ninyo." Tinanggal ko ang earphone sa tenga ko at nakarinig ng sunod sunod na busina.
"Anak ng tokwa. Sorry." tumabi ako sa may gilid at pinauna ang sasakyan. Nakakahiya yung ginawa ko! Grrr!