Chapter 18 - First Monthsary

26 1 0
                                    

Kevin's POV

"Bakit sa girl friend ko pa nagkagusto ang kaibigan ko? Bakit best friend pa ng girl friend niya?"

Ayan ang mga tanong na tumatakbo sa isip ko ngayon. Nasasaktan ako kasi damay kaming lahat dito. Wala pa kaming isang buwan ni Mitch pero nararanasan na namin ito. Ayoko siyang nasasaktan.

Maaga akong pumasok ngayon. Gusto ko kasing makausap ng masinsinan si Jonas. Hindi kami magkaklase kaya mahihirapan akong hagilapin siya. Andito ako sa may gate ngayon inaabangan ko siya. Sinabihan ako ni Mitch na magrelax lang ako kapag kinakausap ko si Jonas. Ayon nga. Sinunod ko siya, ayaw ko rin kasi mag-eskandalo sa school.

"Jonas!" Sigaw ko. Nakayuko lang ito. Tumingin ito sa akin.

Lumapit ito sakin. Sabay kami pumasok sa gate at doon kami pumunta sa gym. Wala pang tao. Tumayo ako at humarap sa kanya.

"Kevin, sorry! Alam kong alam mo na ang lahat. Sorry kasi hindi ako nag-isip. Sorry kasi nadamay pa kayo dito."

"Madadamay talaga kami kasi diba si Mitch ang nagsimula ng lahat ng ito. Diba may gusto ka sa girlfriend ko? Kung hindi ka sa kanya nagkagusto e di sana wala na kaming problema ngayon."

"Lasing lang ako noon kaya nasabi ko yun. Hindi ako nag-isip. Pinagsisisihan ko na yun. Promise!"

"Pero ngayong hindi ka na lasing, may gusto ka pa ba kay Mysh? Sa girl friend ko?" I emphasized the word Mysh and Girl friend.

Hindi ito nakasagot. Naaasar ako sa reaksyon niya. Yumuko ito. Alam kong meron pa. Alam kong may gusto talaga siya. Hinawakan ko ang kwelyo niya sa sobrang galit na nararamdaman ko.

"Oo, ikaw ang dahilan kung bakit nakilala ko si Mitch, ikaw ang dahilan kung bakit naging kami, pero hindi ko hahayaan na ikaw ang tatapos sa relasyon namin. Hindi yun mangyayari." Sabay tulak sa kanya.

Umalis ako. Nakakuyom ang mga kamao ko. Gusto ko siyang suntukin pero hindi ko magawa kasi kaibigan ko siya. Thankful pa rin ako sa kanya. Pero hindi ibig sabihin nun ay may karapatan na siyang sirain ang relasyon namin ng babaeng mahal ko. Hindi ako papayag!

**Beep**

One message received

Loves

Kumusta loves? Nakapag-usap na ba kayo?

To: Loves

Oo loves. Hindi ko napigilang hindi magalit sa kanya. Galit ako sa kanya pero hindi ko siya magawang saktan, kasi kaibigan ko pa rin siya.

From: Loves

Good. Wala kasing mangyayari kapag sasaktan mo lang siya. Mas lalong gugulo lang. Thank you loves.

Matawagan nga siya. She's my stress reliever.

Loves: Hello!

Me: Mahal na mahal kita! Ikaw lang!

Loves: Aww. Mas mahal kita. Mas mahal na mahal. O sige na. Umagang-umaga baka langgamin tayo. Haha.

Oo. Mahal na mahal ko siya. Hindi ako papayag na maagaw siya ng iba.

Mabilis ang oras ngayon. Hindi ko namalayan na malapit na mag-uwian. Kahit papano ay nagiging okay na ko dahil kay Mitch. I stay strong for her. I stay strong for our relationship.

Love at First TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon