(A.N. - Ayan po si Mitch. Hihi. )
Mitch's POV
Masaya ako kasi nakasama ko ang taong importante sa buhay ko. Si Mysh, finally nagkaayos na kami. Hindi ko iniexpect na gagawin yun kasi akala ko dati galit na galit siya sa akin. Si Kevin, na hindi ko rin inaasahan na makakapunta sa birthday ko. Buti at humabol siya. I’m so overwhelmed sa mga nangyari. Nakaupo pa rin kami sa sala. Hindi na kasi siya pinatulong nila Mama. Moment na daw namin to.
“Oh regalo mo!” sabay abot sa akin ng isang paper bag.
“Wow! Nag-abala ka pa talaga ah!” inabot koi to at sinilip.
“Syempre baka magalit ka e. Saka pambawi ko yan sayo. Buksan mo na.”
Binuksan ko ito. Ang daming laman. May sweet candies, piaya, souvenirs like keychain, at damit. To be exact, it was a couple shirts. Yung sakin nakalagay Kevin <3 Palawan tapos yung kanya naman Mitch <3 Palawan. Baligtad siya, Kevin yung sakin tapos Mitch yung kanya. Sweet. Color black siya.
“Wow thank you loves!” napayakap ako sa sobrang saya.
“Second time!” binatukan ko ito.
Hindi na namin namalayan ang oras, 1am na pala. Inumaga na sila mama sa pagliligpit pati si Kevin. Makakauwi pa kaya siya nito? Malayo pa ang bahay nila e. Baka kung anong mangyari sa kanya. Wala naman kaming kotse para maihatid siya. Nakaalis na rin si Kuya Jeff.
“Kevin, dito ka na matulog. Anong oras na rin. Delikado na sa labas.” Sabi ni mama na bitbit ang mga plato.
“Oo nga Hijo. Baka kung ano pang mangyari sayo.” Sabat naman ni Papa.
At dahil sila mama na nga ang nagsabi, wala nang nagawa si Kevin. Sabagay natatakot rin naman itong magbyahe ng ganitong oras. Doon siya natulog sa kwarto ni Ate Joana. Nakitulog na muna siya sa kwarto ni Ate Jena. Pinapasok na kami ni Mama sa mga kwarto namin.
Nakahiga na ako. Anong oras na pero hindi pa rin ako inaantok. Hindi ko maimagine na nasa iisang bubong lang kami ni Kevin ngayon. Maitext nga si Kumag.
“Hoy, tulog ka na?”
From: Loves
Oo. Tulog na ako.
To: Loves
Baliw ka. Tara tambay tayo sa labas.
From: Loves
Sige. Lalabas na ako.
Lumabas ako ng kwarto ko. Magkatapat lang ang kwarto namin ni Ate Joana. Tulog na siguro sila mama. Patay na kasi ang ilaw dito sa sala at sa kusina. Ang tanging ilaw na lang ngayon ay ang hawak kong cell phone. Dahan-dahan akong naglakad palabas ng pintuan. Nasa labas na kaya si Kevin?
“Hoy!” gulat sa akin ni Kevin na nakatayo sa labas ng pintuan.
“Ay palaka!!” halos atakihin ako sa pagkagulat sa mokong na to.
“Hahahaha. Gulat ka no!” inabot sakin ito ng hampas at sabunot.
“Baliw kang lalaki ka. Akala ko kung sino ka!”
Nang mahimasmasan ako ay umupo ako sa may upuan malapit sa gate. Tumabi naman ito sa akin. Wala ng katao-tao sa daan. Paminsan-minsan ay may dumaraang sasakyan. Maliwanag ditto. Nasa tapat kasi ng bahay naming ang poste ng ilaw.
”Gago kang lalaki ka. Paano na lang kapag nagising sila Mama sa sigaw ko. Patay tayo.” Sabay siko ko sa tagiliran niya.
“Sorry na. Hindi naman sila nagising e.”