Chapter 30 - Christmas Vacation

5 0 0
                                    

December 23.

Uuwi kami sa Batangas. Dun sa bahay namin. Tradisyon na namin na dun magpasko at bagong taon every year. Namili na kami ng mga ihahanda namin.

"Anak, nakapag-ayos ka na ba ng mga gamit mo? Padating na yung mga yun maya-maya."  Sino yung mga yun na tinutukoy ni Mama? Edi si Kevin at Jed. Ininvite sila nila mama na sumama sa amin. Pumayag naman agad.

"Palabas na po ako ma. Sandali lang." prepare na prepare na ang mga gamit ko. Kagabi pa lang. Para bibitbitin ko nalang pag-alis.

Maya-maya ay dumating na si Kevin. Nakashort, polo, rubber shoes at bag pack. Ang porma naman ng mahal ko! Napakapogi pa!

"Hi loves! Ready ka na?" sabay kiss niya sa pisngi ko.

"Yes loves. Si Jed na lang kulang. Hehe." Yeah. Si Kuya Jeff kasi andito na sa bahay. Kanina pa. May dala siyang sasakyan.

Nakapagkwentuhan pa kaming tatlo nila kuya Jeff at Loves. Super magkasundo ang dalawa. Nakakatuwa sila. Mga 8am ay dumating na si Jed. Ang laki ng bag na dala.

"Good morning! Good morning Yat-Yat!  Sorry ha! Mejo nalate ako. Nagcommute lang kasi ako. Mejo natraffic. Oi pre!" nakipag apir siya kay Kevin. Nag-smile naman si Kevin sa kanya.

Sumakay na kami sa sasakyan. Tumabi si Ate Joanna kay Kuya Jeff. Si Mama, Papa at Ate Jena naman ang nasa gitnang upuan. Kaming tatlo naman nila kevin at Jed ang nasa pinakalikod. Nasa gitna si Kevin. Ako ang nasa may bintana.

Soundtrip lang ang ginawa namin ni Kevin. Share kami sa headset. Mejo traffic kasi e. Nakakahilo. Hindi nakapagluto si mama kanina kaya nagdrive thru nalang kami sa McDo.

Isang kagat ko lang sa burger ay binigay ko na kay Kevin. Hindi kasi talaga ako sanay na nakain sa biyahe lalo na kapag nahihilo ako.

"Buti na lang Jed at pinayagan ka ng Tita mo sumama sa amin." sabi ni mama.

"Syempre naman Tita. Boring kasi ang Christmas nila e."

May sarili kaming mundo ni Kevin. Mga out of this world! Haha! Grabe nakakahilo! Parang bumaligtad na ang sikmura ko.

"I love you!" bulong sa akin ni Kevin at hinawakan ang kamay ko.

Di ako makasagot dahil masama na talaga ang pakiramdam ko. Bakit kasi ang traffic sa Tagaytay! Umub-ob ako sa bag na nakapatong sa lap niya. Grabe talaga!

"Kaya mo pa loves?" tanong sa akin ni loves. Hinimas himas niya yung likod ko. Tumango lang ako.

"Naku. Abang-abang ka diyan Kevin! Baka magsuka yan!" sabi ni Ate Jena.

"Maghanda ka na ng plastic."  sabi naman ni papa.

"Ah ito pare oh. May plastic ako dito."  offer naman ni Jed.

Maya-maya ay....

Inangat ko ang ulo ko at hinatak ang plastic na hawak na ni Kevin.

BWAAAAAAAAAAAAAAA!!!

Alam kong nakakahiya pero di ko na kinaya. Masama na talaga pakiramdam ko. Atleast kapag nailabas ko ay mawawala na ang pagkahilo ko.

"Yat, towel oh." inabutan ako ng towel ni Jed na kinuha niya sa bag niya.

Pinunasan ko naman agad ang mukha ko.

"Sa wakas! Nailabas ko na rin!" nagtawanan silang lahat.

After 30 minutes kong maglabas ng masamang ispirito ay nakarating na din kami sa bahay namin.

"We're here!" sigaw naman ni Ate Jena.

"Sa wakas! Malapit na kasi maubos yung dugo ko sa katawan e." biro ko.

Tuwang tuwa yung dalawang mokong! Bundok na daw pala yung samin. Dati kasi dun kami nakatira sa side nila Papa kung san kami nagkakilala ni Jed kaya wala pa siyang idea dito sa pupuntahan namin.

"Pare, akyat tayo dun mamaya ha!" sabay turo ni Jed sa puno ng mangga sa tapat ng bahay namin.

"Sure pare. Paramihan tayo ng makukuhang mangga ha!" sagot naman ni Kevin.

Kumain muna kami ng lunch. Nagutom ako ha! Wala na nga akong kinain kanina nagsuka pa ako.

"Labas muna tayo dun. Dun tayo sa may kubo sa gilid ng bahay. Tara kuya Jeff, Jed at Kevin." sabi ko pagkatapos ko kumain.

"So ganun? Michelli? Sila lang ang aayain mo? Pano na lang kami ni Ate Joana? Dito lang kami?" sabat naman ni Ate Jena.

"Naku ka talaga Jena. E di sumunod ka. Tampo pa!" banat naman ni ate Joana.

"Oo nga! Arte e!" biro ko naman.

So ayon nga. Pumunta kami sa kubo. Si Ate Jena nagdala ng mangkok na may suka, asin at sili pati kutsilyo. Kakain kasi kami ng mangga.

"O akyat na kayo. Kuha ninyo kami ng mangga!" sabi ni Ate Joana.

Umakyat na nga yung dalawa. Takot na takot e. Haha! Ano akyat pa? Hindi na sila makaabot dun sa mga mangga. Tawa kami nang tawa nila ate.

"Ate ilabas ang sandata!" sabi ni Ate Jena kay ate Joana. Kinuha naman ni Ate ang panungkit ng mangga sa likod ng bahay. Kinuha ko kay ate at lumapit kami sa may puno. Yung dalawa di magkaugaga sa pagkuha ng mangga.

"Ay grabe Ate! May panungkit naman pala!" sabi ni Jed.

"Hahahahaha!" tawa namin ni Ate Joana dahil sa reaksyon ng mukha nung dalawa.

"Ako na ang manunungkit! Watch me!"  pagmamayabang ko. Kahit laki ako sa syudad ay marunong din naman ako manungkit no! "Kayo sumalo ha!" bumaba yung dalawa at nagbantay sa mga manggang malalaglag.

Mabilis naman akong natapos sa pangunguha ng mangga. Agad kami bumalik sa kubo at nagsimula ng magbalat si Ate Joana.

"Grabe! Ang sarap! Ngayon lang ako nakatikim ng mangga na fresh from the tree! Ang tamis!" sabi ni Jed.

"Try mo isawsaw dito. Mas masarap." sabi ko naman.

"Ang galing mo palang manungkit loves! Hidden talent mo pala yan! Haha!" sabi naman sakin ni Kevin.

"Turuan kita? Haha!"

Nagkwentuhan lang kami dun. Nagpicturan. Nagmoment. Chos.

"Babe, punta tayo dun sa ibang kamag anak ninyo bukas." sabi ni kuya Jeff.

"Oo naman babe. Pupunta talaga tayo dun. Hindi pwedeng hindi. Magtatampo yung mga yun." sagot naman ni ate.

"May lahi pala talaga kayong tampuhin no ate?" sabat ni Kevin.

"Sus akala mo siya hindi." asar ko sa kanya.

7pm ay kumain na kami ng dinner. Grabe! Super lamig! Iba talaga dito kapag magpapasko! Grrrr!

"Oh! Matulog na tayo!  8:30 na!" sabi ni papa.

"Kevin, Jed. Dun kayo matulog sa kwarto sa taas. Tabi na lang kayo. Malaki naman ang higaan dun." sabi naman ni mama.

"Good night po!" -Jed

"Good night. Good night mahal!" enebeyen loves. Kenekeleg ako.

"Jeff, dun ka na lang matulog sa isang kwarto. Bakante pa yun."

"Sige po tita. Thank you po. Good night!"

"Joana, ihatid mo muna siya. Ayusin mo muna yung mga unan."

Nang maihatid ni ate joana si kuya jeff ay pumasok na kami sa kawarto naming tatlo. Yes. Tabi kaming tatlo matulog.

Good night! So excited for tomorrow. ;-):-)

Love at First TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon