Pagdating namin sa bahay nila Tita galing sa ilog ay saktong nagpapaalam na sila mama sa mga pinsan namin dun. Hapon na rin kasi maghahanda pa kami para sa noche buena.
"Oh ayan na pala sila e. Tamang-tama!" bungad ni mama.
"Ano nag enjoy ba kayo mga bagets?" tanong ni Tita Rose.
"Sila po nag enjoy. Ako hindi." biglang sabat ni Bianca.
"Oh bakit naman?" sabat naman ni tito.
"E kasi sila Fafa Je--" hindi pinatapos ni Jed magsalita dahil tinakpan niya ang bibig nito.
"Naku Tita. Enjoy na enjoy kaya tong si Vlad este Bianca. Diba?" sabay kindat nito kay Bianca.
"Sige na nga. Ako na nag enjoy." biro nito at nagwalk out.
-
6pm na nang makarating kami sa bahay namin. Syempre sila mama at ate nagluluto na ng mga handa. Spaghetti, pansit, leche flan, maja, biko, shanghai at kung anu-ano pa.
Si Papa naman busy sa pamimili ng alak na iinumin nila mamaya. Akala mo naman ang lakas uminom e. Konting tikim nga lang niya, sobrang pula niya na.
Kami naman nila Kevin at Jed, ito busy din. Si Jed naghihiwang ng bawang at sibuyas.
"Oy Nog, bakit ka naiyak dyan?" asar ko dito.
"E kasi naman nakakaiyak maghiwa nitong sibuyas." sabay tayo at naghilamos sa lababo.
Si Kevin naman ayon, naghahalo ng maja. Siya rin ang taga tikim kung okay na ang lasa.
"The best maja I've tasted!" puri nito.
"Si mama pa ba? Best cook in town kaya yan!" ako
"Break it down yow!" pabirong rap ni mama.
Nagtawanan naman kaming lahat.
-
"Surpriseeeeeee!" biglang may sumigaw sa may pintuan! Si Carla pala. Kasama sila Tita at tito.
"Carlitaaaaaaa!" sigaw ko sabay lapit sa kanya at niyakap ito.
"Bonggang grand entrance ha! Akala di nagkikita sa manila." asar nila ate.
"Buti at nakauwi kayo. Mas marami mas masaya!" sabi naman ni papa.
"Syempre naman tito. Minsan lang din makauwi dito sa batangas e. Saka ayaw ko mahuli sa mga happenings dito no!" sabay smile. "Sooo." napailing iling ito, napahawak sa baba at tumingin kila Kevin at Jed.
"Carlita, ito pala si Jed. Yung kababata ko. Jed, ito si Carlita. Malapit lang yung bahay namin sa manila." nagshake hands sila. Nagpakilala rin si Jed. "And, si Kevin."
"So, ito na pala yun. Siya na pala si Kevin. Yieee!" nagshakehands na rin sila.
-
Masaya naming nairaos ang noche buena. Ang saya kasi mas naging maingay ang bahay dahil kila Carla. Mala-armalite kaya boses nito.
**Kring**
Incoming Call
BFF-Mysh"Hello Bff! Merry Christmas!" bati niya.
"Bff! Merry Christmas!!! I love you! Miss you!!
"Love you too. Miss you more!!! San kayo nagchristmas?"