Chapter 11 - Group Study

19 1 0
                                    

**Beep**

One message received

Loves

Ingat ka pauwi ha. Salamat sa araw na ito. Super thank you. Ang saya ko! Sana maulit agad. I love you! Ang ganda mo! ;):-*

This text made me smile. Pero iba e. Iba yung feeling na magkasama kayo. Paghawak niya yung kamay mo. Pag magkausap kayo habang naglalakad. Iba talaga. Hindi ko maexplain. Mahal na mahal ko na tong baliw na to.

Kevin's POV

February 15, 2013. One of my unforgettable moments in my life. That day was so amazing. Full of good memories. That was so fun. I'm so happy. I really love this girl. Na kahit nung unang text palang namin ay nakuha niya na yung loob ko. Sa una akala mo shy type pero pag lumabas na yung kulo, nakakatuwa pala. Kahit nga tingnan mo lang siya ay matatawa ka na.

**Beep**

 One message received

From: Loves

Good morning! Happy Monday baliw!

She keeps on calling me baliw. For me, it's kinda sweet. My family knows about her. About our relationship. Sabi nga e bakit hindi ko pa raw pinapakilala. I think Mitch's not yet ready. I don't want to force her.

"Kumusta naman ang date ninyo kagabi?" Tanong sakin ni mama.

"Ayos lang ma. Ang saya! Nung una nahihiya pa. May pagkakalog din pala." Sabi ko habang natatawa.

"Pakilala mo na kasi samin. Excited na kami."

Dalawa lang kaming magkapatid. All boys, bunso ako. Si kuya may trabaho na. May girlfriend na rin. Halos araw-araw nga andito e. Masaya si mama kapag napunta siya dito sa bahay siguro kasi gusto niya rin magkaanak ng babae.

"Hindi pa ready si Mitch, ma e. Pag uusapan pa namin." Sagot ko dito.

Si mama talaga, go lang ng go! Hindi naman kasi ganoon kahigpit si mama pagdating sa karelasyon. Depende sa ipapakita ng babae syempre. Dati may naging girl friend ako, pinakilala ko sa kanila. Siguro may nakitang iba si mama sa babae. Kaya ayaw niya dito. Hanggang sa ayon, nabalitaan na lang namin na nabuntis na. Ooops! Let me clear that. Hindi ako ang ama ha! Wala pa nga kaming isang linggo. Lupet no? Alam naman ni Mitch ito.

To: Loves

Miss Sungit. Tinatanong ka ni mama. Pakilala na raw kita sa kanila. Hehe.

**Beep**

From: Loves

Hehe. Sabihin mo kay Tita paghahandaan ko pa.

Lumipas ang maghapon na magkatext lang kami ng Loves ko. Pinagkwentuhan lang namin yung mga kaganapan kahapon. Hinalungkat niya ulit yung pagpunta namin sa Baby Section. Sobrang baliw ko daw. Haha. Cool kaya tumingin ng mga pangbaby. Pinag-usapan din namin kung kelan ulit kami magkikita. Baka next week na raw. Kasi exam week namin pareho sa Wednesday e. Magrereview kasi yun. Ako naman, sige na nga magrereview na rin for our better future.

**Beep**

 From: Loves

Sige baliw kong Loves. Tutulog na ang babaeng pinakamamahal mo ha! Matulog ka na din. May pasok pa tayo bukas.

To: Loves

Sige po Miss Sungit. Tutulog na rin ang pinakagwapong lalaki sa balat ng lupa. Good night! I love you.

Itong si Sungit lagi akong idinadaan sa mga ganyan. Wag kang ganyan. Kinikilig ako. Blush blush!

-

Mitch's POV

Monday. Same routine. Flag ceremony. Then regular class. Tulad nila Kevin, exam week namin ngayon. Wednesday up to Friday. Mapupuyat na naman ako sa gabi kakareview. Marami-rami rin ang aaralin ko. Haayy!

"Mitch, peram naman ako ng notes mo sa marketing at socsci. Papaphotocopy ko lang sa baba. Balik ko din." Sabi ni Diana na nasa likuran ko.

Pinahiram ko naman siya. Masipag kasi ako magtake down notes. Halos lahat ng diniscuss ng prof namin ay naisulat ko.

"BFF, peram naman ako ng notes mo. Paphotocopy ko lang." Sabi naman ni Mysh.

"Ah, eh andun kay Diana e. Nasa bookstore."

"Tara, sundan na natin para isahang punta ko na lang. Diretso uwi na rin tayo." Aniya.

Ganoon na nga ang ginawa namin. Nagpunta sa bookstore. Naabutan namin si Diana na hawak-hawak pa rinamg notes ko. Pinasabay na ni Mysh yung kanya. Grabe ha. 30 pesos din lahat.

"Thanks Michelli." sabi ni Diana at inabot sakin ang notes ko.

Sabay kami lumabas ni Mysh. Mas una naman akong nakasakay sa kanya. May nakasabay rin ako sa jeep na taga school din. Naisipan kong magsoundtrip. Kinuha ko ang headset ng phone ko at nilagay sa tenga. Tinext ko rin si Kevin.

From: Loves

Hi loves. Uwian na namin. Nasa jeep na ako. I love you.

Hindi agad siya nakapagreply. Siguro busy yun. After 30 minutes, nagreply siya.

To: Loves

Hello loves ko. Sorry ah. Nagrereview kasi kami e. May group study kami ngmga classmates ko. Dito lang sa room.

From: Loves

That's good loves. Ako rin e. Marami-rami din akong irereview. Text me later after niyo ha.

Nakarating ako sa bahay ng 2pm. Andun si mama. Nakahiga sa sofa. Natutulog. Hindi ko na lang binati dahil baka magising. Dumiretso ako sa kwarto at nagbihis. Matagal ding natulog si mama. Nagulat nga nung nakita ako e.

"Oh, nak. Anjan ka na pala. Kanina ka pa?" Tanong niya at tumayo na

"Opo ma. Kanina pa po." Sagot ko.

Andun lang ako sa kwarto ko maghapon. Katext ko lang si Kevin. Nakauwi na rin daw siya. Nakareceive naman ako ng text galing sa president namin sa room, si Mike. May group study at review raw kami bukas sa buong subject. Buti naman.

Tinawag na ako ni mama para kumain ng dinner. Lumabas naman agad ako. Andun na si papa at ang dalawa kong ate. Aba himala. Ang aga nila ngayon. After kumain ay bumalik na ako ng kwarto. Tamang-tama naman na natawag si Kevin.

"Hello loves, kumain ka na?" Tanong niya

"Oo loves. Kakatapos lang. Ikaw?"

"Tapos na din. Ano na gawa mo?"

"Eto nasa kwarto na. Ikaw?"

"Andito sa sala. Nanonood."

"Ah, may group study rin kami bukas. Sa buong subject."

"Ah,okay yun loves. Marami nga akong natutunan kanina e. Ipagpapatuloy raw bukas."

Matagal rin ang pag-uusap namin. Noong naubos ang pantawag niya ay ako naman ang tumawag. Hanggang sa ayon napag-isipan naming matulog na.

Love at First TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon