As usual, wala na naman kaming ginawa sa school. E kasi naman e panay chika lang din yung mga professors namin. Kaya ayon, sa last subject ay inuto na lang namin ang professor namin. Nagdismiss naman siya agad. Dumiretso naman kami agad sa cr para mag-ayos.
"I'm so excited na! Finally! Makikita ko na rin si BFF! Super namimiss ko na siya e." excited na sabi ko.
"Oo nga e. Nakakamiss yung 'char' niya sa room." sabi naman ni Diana. Mahilig kasi magsabi ng 'char' si bff e.
"Bili muna tayo ng pasalubong. Ano kaya pwedeng mabili?" suggestion naman ni Marj.
"Pizza. Yung sa greenwich. Barkada size. Ham and cheese." sagot naman ni Karina.
-
Sumakay na kami ng jeep. Buti na lang at may malapit na greenwich sa subdivision nila Mysh. Kaya panigutadong mainit p rin ang pizza pagdating namin. Syempre nag ambagan kami. 2 barkada size ang binili namin. 1 hawaiian at peperonni.
"Tara na!" aya ko sa kanila nang nasa amin na ang pizza.
"Lets go girls!" maarteng sabi naman ni Diana.
"Dapat sinama natin si Papa Jed e. Para mas masaya." sabi ni Marj.
"Manananching na naman kayo!" pabiro kong sabi.
Nasa tricycle na kami. Mejo dulo pa kasi yung bahay nila BFF e kaya mejo matagal. Kami ni Karina ang nasa back ride. Mga super pa-girl kasi yung dalawa naming kasama.
"Dyusme! Ang init naman!" reklamo ni Karina. Akala ko pa naman.
"E di dapat nagtaxi ka na lang." balik ko dito.
After 20 minutes ay nasa tapat na kami ng bahay nila Mysh. This is it!! Nagdoorbell naman agad ako.
*Ding Dong*
Narinig ko naman na may nagbubukas na ng gate nila. Baka si BFF na. Si Tita pala.
"Hi tita. Good afternoon po." nagkiss ako sa kanya.
"Ikaw pala Mitch. Namiss kita. Pasok kayo." aya niya samin.
"Tita, ito po pala yung mga friends namin ni Mysh. Si Diana, Marj at Karina." nag-Hi naman si Tita sa kanila.
"Hello Tita!" first time kasi nila mameet si Tita. Ako lang kasi ang napunta sa bahay nila Mysh.
"Tita, nasan po pala si Mysh?" tanong ni Marj. Inilapag namin ang pizza sa may kusina.
"Andun sa kwarto niya. Baka nag-aayos yun. Darating din kasi si Jonas ngayon e." sagot ni Tita.
Pumunta na lang kami nila Marj sa kwarto ni Mysh. Isusurprise namin siya. Buti na lang at hindi nakalock ang pinto niya. Sumilip muna kami. Aba wala! Baka nasa banyo. Pumasok na agad kami sa loob ng kwarto at pumunta sa likod ng pintuan. Gugulatin namin siya.
1
2
3
Bumukas ang pintuan...
"Surprise!!!!!" sabay-sabay naming sigaw.
"Ay palaka!" reaction ni BFF.
Gulat na gulat siya. Nakakamiss tong babaeng to e. Sarap sabunutan! Hehe. Sweet ko ba?
"BFF! Marj, Diana, Karina! Namiss ko kayo ng sobra!" niyakap niya kami isa-isa.