One month had passed mula nung nagkaroon kami ng problema ni Mysh. Bakasyon na pero hindi pa rin kami naging okay. Sinubukan kong kausapin siya kaso nirereject niya lang ako. Ang sakit kasi best friend ko siya. Sobrang miss ko na siya. I remember during our last day in school.
**flashback**
"Mysh! Can we talk?"Tanong ko dito habang nakaupo sa bench.
"No. Wala akong oras." Sabay tayo nito at umalis. Wala akong nagawa kundi ang umiyak ng iwanan niya ako doon. Hindi man lang siya tumingin sa akin.
Grabe ang first vacation ko sa college napakamemorable. Wow! This is great! F@ck! Lumapit sa akin sila Diana at Karina nang mapansin na umiiyak ako. Alam na nila ang lahat. Sila ang nagsilbing hingahan ko ngayon.
"Hayaan mo muna siya. Hindi pa ata siya ready na kausapin ka." Umupo si Diana sa tabi ko.
"Pero ang sakit. Hindi na ata kami magiging okay. Hindi na kami babalik sa dati." Umiiyak pa rin ako.
"Magbest friends kayo. Kahit papano ay may pinagsamahan na kayo. Hindi naman siguro babalewalain ni Mysh na ganito na lang ang mangyari sa inyo. Magiging okay din kayo. Promise!" Nagpromise sign si Karina. Nagnod naman si Diana.
-end of flashback-
Kailan pa yun? Kailan pa kami magkakaayos? Bakasyon ngayon. Hindi kami magkikita. Alam ko na ako dapat ang magreach out sa kanya kasi sa tingin ko wala siyang balak na kausapin talaga ako. Bihira na kami magkita ni Kevin. Bakasyon na. Wala na akong maidadahilan kay mama kapag aalis ako. Hindi ko naman pwede sabihin na magkikita kami ni Mysh kasi nga diba we're not okay? Ang bad ko na ba? Telebabad na lang kami sa phone maghapon. Miss na raw niya ako. Miss ko na rin siya pero wala rin akong magawa kasi nga alam ninyo na.
"Hey! I miss you! Soooooo much!" Sabi niya sa phone.
"I miss you too. Sorry loves kung hindi tayo makapagkita ah. Alam mo naman."
"I understand loves. Basta itext mo lang ako kapag papapuntahin mo na ko sa bahay nio. Hehe"
"Baliw. Pero darating din tayo jan."
Lumipas ang bakasyon na nagkikita kami ni Kevin paminsan-minsan. Binigyan ako ni papa ng pambili ng gamit sa school. Tinext ko si Kevin para samahan ako sa pamimili sa SM.
"Sa national muna tayo. Bibili na kong gamit ko. Tara!" Hinila ko siya papuntang national.
"Eto na, eto na ho Mahal na prinsesa." Hinampas ko naman ito sa braso. Pumunta kami sa notebook section. Kumuha ako ng isang binder. Kumuha rin ito. Binigyan ko siya ng what-are-you-doing-look.
"Bumibili rin ng gamit ko. Bakit?" Sabay lagay sa basket na dala niya. Hindi na ako nakaimik. Bumili rin ako ng ballpen, complete colors. May blue, black at red. Sa kanya black lang. Same brand kami. Bumili rin ako ng yellow pad. Bumili rin siya. Tiningnan ko ulit ito.
"Gaya-gaya ka. Haha." Sabi ko dito.
"Anong gaya-gaya? Estudyante rin ako no! Baka nakakalimutan mo." Ngumiti ito ng konti. Pumila na kami sa counter. Ako ang mas nauna magbayad sa kanya. Kinuha niya ang mga pinamili namim at kanyang binitbit. Inaya ko naman papuntang department store. Maraming tao. May namimili rin dito ng school supplies. Mas marami pa nga dito kesa sa national e.
"Dun tayo sa mga bag. Bibili ako."
"Wow big time!" Asar nito.
"Bibili lang ng bag big time agad? Hindi ba pwedeng sira na yung luma ko?" Pilosopo kong sagot. Nag-ikot ikot kami sa bilihan ng bag. Maraming magaganda kaso ang mamahal. Buti na lang sa secosana ay may sale. 50% off kaya dito ako pumipili. Siya rin tumitingin ng bag ko.