Nagkakwentuhan pa kami nila Diana at Jed sa canteen bago umuwi. Si Marj at Diana naman kelangan pa magstay sa school dahil napili silang maging leader sa isang subject namin. May meeting pa sila with our professor. Tumayo na kami ni Karina para umuwi na.
"Bye girls! Uwi na kami ha! Text-text na lang mamaya!" Paalam ni Karina sabay nagkiss na kami sa isa't-isa.
"Uuwi na rin ako Marj and Diana. Girls, tara sabay na kayo sakin. Hatid ko na kayo." Offer sa amin ni Jed.
"Ahm. Wag na. Nakakahiya naman Jed." Sabi ni Karina.
"Let's go!" Sabay tayo ni Jed.
Wala kaming nagawa ni Karina kundi ang sumunod kay Jed. Nakakahiya man pero mas nakakahiyang tanggihan. Sabay-sabay kaming naglakad nila Jed papunta sa parking. Halos lahat ng mga estudyante ay nakatingin sa amin. Yung iba nagbubulungan pa.
Pinagbuksan niya kami ng pintuan sa likod. Sumakay na kami ni Karina. Akala ko ba nahihiya to? Pero bakit parang feel na feel niya naman.
"Same lang ba kayo ng way pauwi?" Tanong ni Jed.
"Yes. Pero mas mauuna akong bumaba kay Mitch." pag-iexplain ni Karina.
"I see. San nga ba kayo?"
"Sa sucat."
Wala nang nagsalita sa aming tatlo nang umandar na ang sasakyan. Nakakahiya kasi ako ang huling ihahatid ni Jed. Nakakahiya kasi hindi naman kami close.
"Jed, sa terminal mo na lang ako ihatid kasi may bibilhin pa ako." pagdadahilan ko.
"Sige samahan na lang muna kita. Tapos ihahatid pa rin kita. " ang hirap magpalusot sa kanya. Lahat nalang walang lusot.
After 20 minutes nakarating na kami sa bahay nila Karina. Nagpaalam na siya sa amin. Naku. Makakapunta ako ng palengke ng wala sa oras.
"Saan ka bibili ng mga bibilhin mo, Mitch?" tanong niya.
"Ahmm. Uuwi na lang muna ako. Naiwan ko kasi yung listahan sa bahay e." palusot ko.
"Okay." sabay smile niya.
Sabi ko kay Jed sa may gate nalang ng village namin niya ako ibaba dahil medyo malapit na rin naman ang bahay namin kaso hindi ito pumayag.
"Ah, Jed. Ayan na yung bahay namin. Sa red na gate. Thank you sa paghatid. Ingat ka pauwi." Nagsmile ako sa kanya saka binuksan ang pintuan at lumabas.
Tumalikod na ako at binuksan ko ang gate namin. Narinig ko na binuksan ni Jed ang pinto ng kotse niya. Lumingon ako sa kanya at nakita ko itong papalapit sa akin.
"Thank you, Mitch!" Nagsmile rin siya sa akin at kiniss ako sa pisngi.
-
Pagpasok ko sa loob ng bahay ay andun si mama at papa. Nakaleave nga pala ito ngayon. Dumiretso ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Nakita ko sa kama ko si Kevin Jr. Bigla kong naalala si loves. Agad kong kinuha ang phone ko sa loob ng bag at tiningnan ang inbox nito.
25 Messages Received. Lahat ay galing kay Loves. Nakalimutan ko pala siyang itext. Galit na siguro to sakin. Tinawagan ko agad siya.
"Loooooooves!"
"Hi loves. Mukhang busy ka ah. Nakauwi ka na?"
"Hindi naman masyado loves. Oo nakauwi na ako. Ikaw?"
"Pauwi pa lang ako. I love you."
-
Lumabas ako ng kwarto ko. Nagulat ako sa mga nakatayo sa pintuan, si Diana at Marj. Anong ginagawa ng mga to dito? Diba may meeting sila?
"Hi Mitch!" Nakakaloko nilang bati sa akin.
"Anong ginagawa ninyo dito? Akala ko ba may meeting kayo?" Mataray kong tanong sa kanila.
"Masama bang dumalaw sa kaibigan?" Sagot ni Marj.
"Sus. Iba ang pakay ninyo. Alam ko." Natawa lang yung dalawa sa sinabi ko.
-
At dahil may bisita ako, maagang nagluto ng dinner si Mama. Sabay-sabay kami kumain at pagkatapos ay inaya ko sila sa kwarto.
"Kwento ka na dali." -Diana.
"Hinatid niya lang kami ni Karina. Period." matipid kong sagot.
"Hindi mo man lang pinapasok sa bahay ninyo?" -Marj.
"Hindi na. Baka kasi may gagawin pa siya pag-uwi niya."
Nagchikahan lang kami sa kwarto. Mga chismosa talaga kami. Hindi pala natuloy ang meeting kaya asar na asar yung dalawa.
"Kainis nga e. Di pala tuloy yung meeting namin. Edi sana nakasabay kami kay Jed." Naiinis na sabi ni Diana.
"Okay lang yan. May bukas pa. Malay mo." Think positive naman si Marj.
-
7pm ay nakaramdam na sila na umuwi. Buti naman. Para tumahimik na ang buhay ko. Haha. Sa kanila kasi, more chika more fun.
It's Saturday bukas. Mamamasyal kami ni Loves sa MOA. Yeah! Nakapagpaalam na rin ako kila mama at papa. Pumayag naman agad sila. Basta raw wag akong magpapagabi. Bago matulog ay nagprepare na ako ng damit na isusuot ko bukas.
Incoming Call..
Loves
"Loves! Bukas ha! Sunduin kita jan sa inyo after lunch. Okay?"
"Opo. Tara na matulog na tayo. Past 9 na kasi. Kelangan pa natin magbeauty rest. Para maganda at pogi tayo bukas. Hehe"
"Sige loves. Good night! I love you! Good night! Mwah mwah mwah!"
"Sweetdreams! I love you mahal!"
"Teka, wala ba akong kiss?"
"Baliw!"
-Call ended-