Kevin's POV
I'm super happy. Finally, nakilala na rin ng family ko si loves. Nakakatuwa kasi nagustuhan rin siya ni mama at kuya. Ano pa kaya si papa? Sayamg nga lang kasi hindi sila nagkita. Pagkahatid ko kay Mitch ay dumiretso agad ako sa bahay. Naabutan kong nagluluto si mama. Andun na rin si papa.
"Naihatid mo na?" Tanong ni mama.
"Opo ma. Sa SM ko po inihatid. Sayang Pa hindi po kayo nagkita." Sabi ko kay papa na nakatanod kay mama.
"Oo nga e. Sabihin mo ay pumunta ulit dito kapag wala akong pasok."
"Sige po Pa."
Umupo muna ko sa sala. Naalala ko yung kanina. Grabe ang sakit niya manipa. Ang bigat ng mga kamay at paa niya. Nakakatakot yun galitin. Pero nakakatuwa siya tingnan lalo na kapag naiinis. Ang cute niya.
Magkatext kami ngayon. Nabanggit niya na hindi pala siya nakasama sa batangas dahil sa meeting nila bukas. Kawawahg bata. Nagmamaktol. Naiimagine ko na hitsura niya. Hahaha. Sasamahan ko sana siya sa meeting nila kaso ayaw niya pumayag. Kasalukuyan kaming magkausap ngayon sa phone.
"Dali na kasi sama na ko."
"Wag na nga! Ang kulit!"
"Ano ba yan! Please!"
"Loves naman. Wag na mapapagod ka lang. Wag na makulit."
Kahit ano pangpangungulit ko sa kanya na sumama ako ay ako pa rin ang talo. Grabe to! Parang ayaw ata ako makita. Ako, gusto ko araw-araw ko siyang nakikita. Masaya kasi ako kapag kasama ko siya. Napapasaya niya ko. Ngayon lang ulit ako naging happy ng ganito. Naalala ko tuloy yung eksena namin kanina. Grabe! Nakakamatay!
**flashback**
Pagkatapos namin kumain ng pizza ay hindi agad kami tumayo. Nabusog talaga kami. Lalo na ako. Si Mitch naman himas nang himas sa tiyan niya mukhang nabusog rin ng husto.
“Grabe busog na busog ako!" Sabay hawak niya sa tiyan.
"Nabusog? Ang hina mo nga. Nakatatlo ka lang e. ako lima. Haha!" Sagot ko habang nililigpit ang box ng pizza.
"Matakaw ka kasi." Asar ko.
Maya-maya.....
**proooooooooooooot**
"Ang baho! Grabe ka loves. Parang nalasahan ko yung hangin! Pwe!" Sabi ko habang nakatakip ng ilong.
Grabe! Masama pala itong mabusog. Nagpapakawala ng masama at mahabong hangin. Nakakasuka. Haha.
"Grabe ka! Arte mo! Wag ka maingay! Baka marinig pa ni Tita, nakakahiya! Hmp!" Sabay hampas sa braso ko.
**end of flashback**
She have her own little ways to make me happy. She's simply amazing!
-
It's Sunday today. Andito lang ako sa bahay. Kasama si Mama at Papa. Si Kuya naman ay sinusundo ang girlfriend niya.
"Anak, papuntahin mo dito si Mysh. Papunta rin ang gf ng kuya mo." Sabi ni mama.
"Oo nga Ken-ken para makita ko na rin." Sabi naman ni Papa.