Mitch's POV
January 5, back to school na. Nakakamiss pumasok ng school. Namiss ko sila Diana, Marj at Karina. Malamang marami kaming pagkukwentuhan ngayong araw.
"Mitch!!! Bakla!!!" sigaw sakin ni Diana.
"Bading!!! Miss you!!" nagbeso-beso kami.
"Kumusta naman ang bonggang Christmas at New Year?" wala pala silang idea na kasama ko si Kevin at Jed sa Batangas.
"Secret!!" pang-aasar ko.
"Share mo na please!" nagpout naman ang lips niya.
"Maya na pagdating nila Diana." pambibitin ko.
Habang hinihintay namin yung dalawa ay nagkwento siya ng mga pangyayari nung bakasyon. Kasama rin pala niya ang bf niya. Same pala kami. Tapos dun naman sila nag New Year sa bahay ng bf niya.
"Wow! Ang saya ninyo naman!" sabi ko after niya magkwento.
"Girlsssss!" sigaw nila Diana at Marj na papalapit samin. Andito kasi kami ni Karina sa may table sa may corridor.
"Hi girls! I miss you! I miss you!" nakipagbesohan ako sa kanila.
"Share mo na dali." inalog alog pa ako ni Karina.
"Sige na nga. Ito na. Game!" umubo-ubo pa ako. Kinuwento ko naman sa kanila lahat. Mula nung first day hanggang sa pag uwi namin. Kilig na kilig naman silang tatlo. Naiinggit din sila sakin. Sana daw sumama rin sila sakin.
"Grabe ka girl! Haba naman ng hair mo! Biruin mo si Papa Jed, kasama ninyo sa Batangas!!! Haaay!" sabi ni Marj.
"Kainis nga e. Di ka man lang nag-invite. Edi sana nakasama ko rin si Fafa Jed!!" sabi naman ni Diana.
"Sa susunod, isasama ko na kayo!" pambobola ko.
"Talaga?" sabay nilang sabi.
"Oo pag hindi na kasama si Jed. Hahaha!" biro ko. Yung mga mukha ni Marj at Diana hindi maipinta dahil sa sinabi ko.
Maya-maya ay nagbell na. Hudyat na kailangan naming pumasok. Kami-kami pa lang ang tao sa room. Napag-alaman din namin na sila Angel at Mike na pala. Yiie. Finally!
Lumipas ang oras at mga subjects, na puro kwentuhan lang ang ginawa namin ng mga prof. Sayang lang ang pagpasok ko. Sabagay wala namang bago sa first day. Puro chikahan. Hindi namin nakita si Jed ngayong hapon. Baka absent. Malungkot tuloy si Diana at Marj. Mga sawi. Haha.
Umuwi agad ako ng bahay. Di ko kasi feel na magstay pa muna sa school o kaya naman gumala. Mas feel ko sa bahay. Nang makarating ako ay tinext ko agad si loves. Alam ko busy siya kasi graduating na siya ngayon.
Hi loves. Bahay na ako. Kumain ka na ha! I love you! Miss na agad kita! :( Mwah!
Hindi siya nagreply. Busy nga talaga. Wawa naman loves ko e. Baka pagod na yun kakaayos ng requirements. Tetext ko pala si Jed. Tatanong ko lang kung pumasok siya.
Hi Nog! Pumasok ka kanina? Di ka namin nakita e.
Nagreply naman agad-agad.
Pumasok ako. Andun lang ako sa office ni Aunt. Bakit miss mo agad ako? ;)
Ako talaga? Hindi ba pwedeng yung mga kaibigan ko na gusto siya makita?
Miss ka na nila Diana at Marj. :)