Chapter 25 - Skype

6 0 0
                                    

Kevin's POV

Ang bilis ng araw. Ilang months na lang ay first year anniversary na namin ni Mitch. Malapit na rin ako gumraduate. Ako ga-graduate na, si Mitch next year pa.

Super busy namin sa school ngayon. Nag-aayos ng mga requirements. Chinecheck yung subjects na baka hindi pa na-titake. Break time namin ngayon, andito ako sa library. Nag-ffb. Nakita ko yung mga pictures namin ni loves dun sa MOA. Hehe.

"Oy, Vasquez! Nangingiti ka jan!" sabi ng babae sa kabilang table.

"Ha?" ang tanging nasabi ko dahil hindi ko naman siya kilala. Lumipat ito sa harap ko.

"I'm Trish. And you are Kevin Vasquez, right?" napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Bakit? Masama ba malaman ang pangalan mo?" masungit na sabi nito at umalis na.

-

Naiwan ako mag-isa sa upuan. Sabagay mag-isa lang naman talaga ako bago dumating yung babae na yun.

"Whaaaaaaaat?" napatingin ako sa relo ko. Tapos na ang break time. Late na ako. Dali-dali akong tumakbo pababa ng hagdan nang biglang

"Ouchhhhhhhhh!" sigaw ng babae na nasa harap ko.

"Sorry Mi-- Ikaw?" nagulat ako dahil siya yung babae kanina sa library.

"Sorry ha!" sigaw sakin sabay alis.

-

Pagdating ko sa room ay wala ng tao. Bakit kaya? Baka di na nagklase. Kaasar naman! Nagmadali pa ako.

Maitext nga si loves.

From: Loves
Hi loves. Pauwi na po ako. Ikaw? I love you.

Nakarating na ako ng bahay pero wala pa ring reply si loves. Busy ata. Matawagan nga.

"Hello loves!"

"Bahay ka na? Sorry ha. Mejo busy lang."

"Okay lang loves para sa future naman natin yan."

"Yiee!"

"Kain ka na ha. I love you!"

"Ikaw din. I love you too."

-Call ended-

Pagkatapos ko kumain ay pumasok agad ako sa kwarto. Gusto ko makita si loves. Aha!

"Oh loves?" sabi niya sakin.

"Skype tayo dali."

"Sige loves. Ikaw mag-call sa akin."

-Call ended-

After how may minutes ayan sinagot niya na ang call ko.

"Hi loves!" kumaway-kaway siya sa screen.

"Loves, i miss you!"

"I miss you too. Kumusta jan sa Philippines?" biro niya.

"Ayos lang naman. Dyan sa dubai?"

"Ayos lang din. Wala yung amo ko kaya nakapagskype ako. Hahaha!"

"Buti naman. Magpakabait ka jan ha!"

"Ikamusta mo ko sa mga anak natin. Kay Jr at kay nene. Hahaha!"

"Hahaha! Baliw ka loves."

"May chicks ka ata dyan e."

"Wala beh ah, ikaw lang sapat na beh."

"Jejemon!"

"By the way, beh, i love you!"

"I love you too, beh!"

Natapos ang tawag naman ng nagtatawanan. Lakas talaga makagood vibes ni loves. She really made my day!

-

Mitch's POV

It's Monday! Yeah! Medyo busy e. Malapit na kasi ang exam namin. Kanya-kanyang review kami. Di na kami nakapaggroup study dahil ayon ang napagdesisyunan ng lahat.

Pero kami nila Marj, Karina at Diana ay nasa library. Nag-aaral ako. Samantalang yung dalawa ay nagchichismisan.

"Hi!" bati sa amin ng lalaki sa likod. Di ko ito pinansin dahil sa notes ko ako nakatingin.

"Jed!" sabay na sabi nilang tatlo.

"Hi Mitch!" napatingin naman ako sa kanya. Ngumiti ako.

"Okay. Seenzoned."  mahinang sabi ni Karina.

Tumabi siya sa tabi ni Diana. Naging katapat ko siya. Bumalik ako sa notes ko samantalang sila ay chika ng chika.

"Hey, Diana. Can I get your number?" Tanong ni Jed. Napangiti na lang ako dahil alam kong nagpapalakpakan ang mga tenga niya ngayon.

"Sure. Here." Inagaw niya ang notes ko at isinulat ang number niya. Aba! Pinunit pa.

"Thank you. Sige girls, una na ako ha! May next class pa ako e. See you around. Bye!"

"Bye Jed!" sabay-sabay nilang sabi. Itong tatlong to pwede tong isali sa sabayang pagbigkas.

"Goooooosh! Kinuha ni Fafa Jed ang number ko! Nananaginip ba ako?" sinampal niya ng mahina ang pisngi niya.

"Magkakaibigan tayo. Share your blessings. Bigay mo rin number niya sa akin pag nagtext sayo ha!" sabi ni  Karina.

"Ako din." sabat ni Marj.

"Ang babaeng walang reaksyon goes to Janina! Palakpakan!" sabi ni Diana. Nagpalakpakan nga silang tatlo dahilan upang puntahan kami ng nagbabantay sa library. Ayan kasi!

-

Ang dami na palang text ni loves. Hindi ko napapansin. Sorry!

Pag uwi ko ng bahay ay inaya niya ako magskype. Pumayag ako. Ayon para kaming mga baliw. Haha!

Love at First TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon