(A/N: Guys, magvote kayo sa bawat chapter if nagandahan kayo sa story and magcomment kayo anything na gusto ninyo sabihin. Mga feelings ninyo, hinanaing, anything you want to say. I will surely read and answer back if necessary. :) Enjoy reading!!)
Jed's POV
Mag-iisang taon pa lang akong nag aaral dito sa AMC. Galing akong Canada. Dun ako nag-highschool. May business kasi dun sila mama at papa. Pinayagan nila akong umuwi dahil kaya ko na ang sarili ko. Saka si Auntie Estella naman ang may-ari ng school kaya pumayag na rin sila.
Naalala ko pa nung first day ko, wala akong kaibigan kasi syempre bago pa lang ako. After class, diretso uwi agad. Minsan naman natambay ako sa office ni Aunt.
"Carl, pakitawag naman si Mitch sa room nila." utos ni Aunt sa isang student council dun.
Maya-maya ay dumating yung babae.
"Good afternoon po maam." bati niya kay aunt.
"Sit down. Please tell your classmates na kailangan your attendance must be complete next week. It will be our regular class."
"Sure maam. I will tell them po. Ahm, actually we're almost complete maam." sabi nung girl.
"That's good. Thank you."
Umalis yung babae after nila mag usap ni aunt. After ko makita yung babae sa office ay araw-araw ko na siyang nakikita. Same building lang kasi kami.
Accounting student ako. Siya naman ay human resource. Nag-imbestiga ako e.
"Hi Jed! Pauwi ka na?" tanong sa akin nung isa sa tatlong babae na lumapit sakin.
"Ah hindi pa. May klase pa kasi ako." sagot ko naman. Hindi ako sa kanila nakatingin kundi dun sa babae na palapit sa amin. Ang ganda niya!
"Ah gusto mo sumama ka muna samin?" tanong naman nung isa.
"Ah hindi na. Malapit na rin kasi magtime e. Next time na lang."
"I'm Diana nga pala, this is my friends, Karina and Marj." ahh. Di na nakaabot yung girl. Di tuloy siya napakilala sa akin. Sabagay, alam ko naman ang name niya. Mitch.
-
Parang nastarstruck yung puso ko sa kanya. Love at first sight. Napakasimple niyang babae. Tahimik.
Naging close kaming apat nila Diana. Maliban na lang kay Mitch. Tahamik lang kasi siya. Minsan andun kami sa canteen nagkukwentuhan siya naman nakikinig lang. Ang sarap lang niya pagmasdan.
One time nga hinatid ko sila at si Mitch yung pinakalast na nahatid ko kasi siya ang pinakamalayo. At alam mo ba, di ko napigilan na ikiss siya sa pisngi. Nabigla rin ako.
-
Kinuha ko rin ang number ni Diana. Sa kanya ako magtatanong about kay Mitch. I want to know her more kaso nahihiya lang ako. May pagkatorpe ba?
Kinuha ko rin ang number niya kay Aunt. May record kasi lahat ng students dun sa office niya.
At ayon tinext ko siya nang di sinasabi ang pangalan kaya ayon walang reply. How sad diba? One time nakatulog pala ako sa library, pag gising ko nasa harap ko na siya. Ang sad nga lang kasi nagkaumpugan kami. At nagalit siya sa akin.
"Aray!" sigaw niya.
"Im sorry Mitch. Sorry!"
"Hindi Jed. Okay lang ako! Sige una na ko." tumakbo siya palabas ng library at sinundan ko siya.