Chapter 28 - Closure

19 0 0
                                    

Ilang days na lang ay Christmas na! Yehey! Christmas vacation namin ngayon. Ilang weeks din kami walang pasok. No pasok, no baon. Saklap! Di bale. Lagi naman akong may dalaw e. Si loves, sila karina at si Jed.

"Hi loves! Ang bilis naman ng byahe mo." bungad ko sa kanya.

"Syempre naman! Ako pa ba?" yabang na naman.

"Ano tara na?" tumango lang ako sa kanya. Pupunta pala kami sa mall. Yes! Mamimili ako ng christmas gifts for my inaanaks pati na rin kila mama. Every christmas kasi may exchange gifts kami. This year kasali si Kevin at Jed. Si jed na lang ang di nakakabunot sa amin. Si Jed pala ang nabunot ko.

Mabilis kaming nakarating sa mall. Pumasok kami sa department store. We decided na maghiwalay muna para mas mabilis makapamili. Bibilhan niya rin kasi ang mga mama niya ng gifts.

"Loves dun muna ako sa mga damit na pambata ha! Ikaw san ka?" sabi ko.

"Dun ako sa baba. Titingin lang ako ng damit ko. Text-text na lang ha!"

Naghiwalay na nga kami. Umikot-ikot ako sa mga pambata, after 30 minutes nakabili na ako ng 3 damit for my 3 inaanaks.

Mukhang busy pa rin si loves kaya hinayaan ko muna siya. Next na bibilhan ko ay si mama, blouse ang binili ko sa kanya. Mahilig kasi siya magcollect e. Sa dalawang ate ko naman ay sandals. Para walang inggitan. Kay papa naman ay, shoes. Yes. Nike. Matagal na kasi tong gusto ni papa e kay binili ko na.

Tinext ko si loves at sabi niya ay di pa raw siya tapos kaya umikot pa ako. Nakakita ako ng neck pillow. Yung nilalagay sa leeg kapag nagdadrive para hindi mangalay. Ito na siguro ang ibibili ko kay Jed dahil nagmamaneho siya. Useful pa for him. Color blue yung binili ko. Then binilhan ko siya ng slippers. Size 9 yung paa niya nakita ko sa car niya.

Yes complete na! Yung kay Kevin saka ko na bibilhin kapag di ko siya kasama para wala siyang clue. Hihi.

Nagbayad muna ako sa cashier. Madami dami rin pala akong pinamili.

"Hooooy!" kalabit sa akin ng lalaki sa likod ko.

"Nog-Nog!" sigaw ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

"Namimili. Ikaw?"

"Ganun din. Oi nga pala bumunot ka na. Teka. Buti na lang dala ko tong  bunutan. Isa na lang. Oh!" sabay abot ko sa kanya. Pagkakita niya sa pangalan ng nabunot niya ay napangiti siya.

"Uyy! Thank you!" sabi niya.

"Loves!"  tawag ni Kevin habang palapit samin.

"Loves, ito nga pala si Jed. Yung schoolmate ko. Siya yung kinukwento ko sayo. Kababata ko pala siya. Kelan ko lang nalaman. Hehe. Jed, this is Kevin. My boyfriend. Kasali siya sa exchange gifts natin."

"Nice meeting you pare!" nagshake hands silang dalawa. Ngumiti naman si Kevin sa kanya.

"Sige Nog-nog! Alis na kami." nagwave na ako sa kanya.

Lumabas na kami sa department store at nag-ikot ikot sa mga boutique dun.

"Nog-nog? Tawagan ninyo?" mahinang tanong niya.

"Nung bata kasi kami maitim siya kaya yun ang tinawag namin sa kanya."

"Ahhh." tipid niyang sagot.

Huminto ako sa paglalakad at hinawakan siya sa braso.

"Teka, teka. Nagseselos ba ang loves ko?"

Love at First TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon