Chapter 6 - Miss Sungit

23 1 0
                                    

It's Monday na. Back to normal na. Regular class. After our foundation week, ito puro libro na naman ang hawak ng mga estudyante. Puro busy na sila. Maaga na naman akong nakarating sa school. 6:30 am andito na ko. So, may 30 minutes pa ko. Umupo muna ko sa may corridor para magwifi. Makapagcheck nga ng FB. Hindi na rin kasi ako gaano updated e. Iniscroll ko lang ng iniscroll ang news feed ko.

 Kevin Pogi Vasquez

Thanks my love for saying yes. I love you.

Napangiti naman ako. Hindi ako nakatag sa status niya kasi napag usapan namin na wag muna ipublic ang relationship namin. (Lakas makaartista ah! Haha) Hindi ko pa rin kasi nasasabi sa family ko. I also checked my messages. Ayos ah. 15 new messages. Lahat galing kay Loves. Puro I love you. I'll take care of you, I'm forever yours, etc. Grabe tong lalaking to. Lagi niya akong napapakilig. Haaayy! Ang saya!

"Uyy, BFF!" Nakaupo na pala si BFF sa tapat ko.

"Anjan ka na pala, kanina ka pa?" Sabay tingin ko sa kanya.

"Oo te, kanina ko pa nga nakikita yang mga ngiti mo e. Baka mangalay ang mga cheeks mo nyan!" Pabirong sabi nito sakin.

"Ah, BFF--"

"Oh ano yun?"

"Kami na." Sabay ngiti sa kanya.

 "Wow! Oo, nasabi na nga sakin ni Jonas. Congrats girl. Welcome to the club!" Sabay kindat sakin. Ah, so sinabi na pala ni Kevin kay Jonas ang tungkol samin? Okay lang. close naman namin sila. Halos magpapadyak at tumili naman si Mysh sa narinig niya. Napahawak siya sa kamay ko at inalog alog. Babalian pa ata ako nito ng buto e. Namula siya. Hindi naman obvious na naeexcite ito sa mga kwento ko. Ayon nga. Kahit may prof kami sa unahan ay hinahampas hampas nito ang palda ko sa kilig. Oo magkatabi kasi kami. Nasa row 4 kami, ako sa pinakagilid. Panay naman ang kwentuhan namin ng mahina, yung nasa unahan nga namin napapalingon na samin. Haha. Uwian na. Ayon. Wala kami gaanong naintindihan sa mga tinuro sa lahat ng subjects namin. Si Mysh kasi ang kulit kulit. Masyadong naalog ang katawan ko ngayon. Paano ba naman itong si BFF. Hinaras ako. Hampas, tulak, alog. Grabe. Nakakatakot maging best friend ito.

Nakarating ako sa bahay. Grabe. Haggardness. Isuot mo ba naman tong longsleeve na uniform namin e. Ewan ko lang kung hindi manglagkit ang katawan mo. May merienda na nakalagay sa lamesa. Ito namang si Carlita, natutulog sa kwarto ko. Si mama naman, andun sa bahay ng isa kong tita. Umupo ako sa sofa at ipinatong sa center table ang turon. Nagtimpla na din ako ng juice. Makapagtext nga kay Baliw. Oo, baliw tawag ko sa kanya. Hehe. Sweet ba?

 To: Loves

 Baliw, andito na ko sa bahay. Behave ka lang jan sa school mo ha!

Whole day kasi sila. Monday to Friday pasok nila. 7am to 5pm. Grabe! Buwis buhay!

From: Loves

 Opo Miss Sungit. Kumaen ka na. I love you.

Ha? Ako? Miss Sungit? Grabe to ah. Baliw talaga tong lalaking to. Hmp!

"O, nakauwi ka na pala. Kumusta naman ha?!" Pakilig na tanong ni Carlita sakin.

"Ay hindi. Hindi ako to. Anino ko lang to." Mataray kong sagot.

"Meron ka ba? Ang sungit mo! Tse!" Sabay walk out papuntang CR.

Tinawag na naman akong Sungit. Grabe na sila ah. Di ako masungit. Bait bait ko kaya.

-

As usual, maaga na naman akong nakarating ng school. May bago pa ba? Wala akong idea kung ano ang ginawa namin sa klase namin kahapon. Aba, first time ata to sakin. Maliban na lang dun sa prof/dean namin sa first subject. Nagkwento ata siya about sa Foundation day. Ayon lang ang pumasok sa isip ko, the rest wala na. Kay Mysh ako nakafocus. Ayaw kasi ako tigilan. Sana naman walang ipagawa mamaya. Medyo nalate si Mysh ng pasok. Halos magkasunod lang sila ni Dean. Nakita ko naman na napatingin ito sakin. Hindi ko muna pinansin. Baka mag umpisa na naman e. Haha.

 "Okay class, get one whole sheet of paper." Prof. Malate asked.

Omaygas! This is what I am saying na kanina. Owww. Anong isasagot ko? Huhu. Nagkatinginan naman kami ni Mysh. Bakas sa mukha namin ang pagkagulat at pangamba. Naman! Siya kasi e.

 "O, anong isasagot natin dito?" Mahinang tanong ko sa kanya.

 "We can do this! Tiwala lang." Napangiti naman siya sa sinabi niya. Bahala na nga si Batman! Isama pa si Superman!

"Write anything about the celebration of our 22nd Founding Anniversary. You can also include your comment and suggestions. I'll give you 30 minutes to finish that. And class, please write legibly. No erasures allowed." Sabay ngiti samin. Oo, ganyan si Dean. Maarte yan sa mga pinapagawa samin. Ayaw ng may erasures, at gusto niya kapag ganitong mga essay ay dapat mahaba. Saka dapat correct grammar. Minus point kapag may mali. Napahinga naman ako ng malalim dahil ayon lang ang ipapagawa samin. Masaya ako kasi kahit papano ay magaling naman akong mag english. Kaya ok na rin.

"Buti essay lang. Akala ko quiz kung quiz." Sabi ko kay Mysh na nagsisimula ng magsulat.

Next subject ay Statistics. One of my favorite subjects. Ito namang si Prof. Prieto, mahilig din magpaseatwork. Minsan nga boardwork e. Pero okay lang sakin kasi nakakasagot naman ako.

"Answer the Pre-test on page 54 to 56 in a one whole sheet of paper." Utos nito.

 Ako naman kinuha ko agad ang workbook ko at tinurn ang book sa page 54. Nilabas ko rin ang calcu na bagong bili ni papa pati na rin ang mga formulas na nasa index card. 30 minutes ay natapos ko na agad. Si Ma'am naman ay busy sa harap. Nagbabasa ng libro sa Stat.

"Oy, Janina! Pakopya naman." Kabalit sakin ni Karina sa likod ko. Hindi ko dapat siya papakopyahin e kasi tinawag niya kong Janina pero dahil friend ko siya ay inabot ko na lang sa ilalim ang papel ko. Ganyan kami dito sa section namin. We share our blessings. Last subject naman ay SocSci. Ayon, inuuto-uto lang ng classmates namin si Ms. Beginia. Dinadaan nila sa kwento para masayang ang oras. Maparaan din tong mga ito e. Natapos ang klase, haaay! Masaya naman kasi nasagutan ko naman ang mga pinagawa samin.

**Beep**

One message received

 From: Loves

 Musta klase mo loves? Okay ba? Umuwi ka na agad ha.

 To: Loves

Ayon loves, nagquiz kami sa dalawang subjects. Pero okay naman. Nakasagot naman ako.

 From: Loves

O, thats good. I love you.

To: Loves

I love you too.

Love at First TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon