Naupo muna kami sa food court dun sa may couch. Magkatabi kami. Yung bag ko nakapatong sa lamesa. Pinansin niya naman ito. At bahagyang kinarga.
"Ano to? Bakit ang bigat? Dala mo na ata lahat ng gamit ninyo sa bahay e." sabay tawa.
"Hindi ah. Mga gamit ko lang sa school yan." Sabi ko naman.
Yan ang laging sinasabi sakin ng mga classmates ko. Bakit raw ang bigat ng bag ko. Palibhasa kasi sila isang cattleya lang ang dala nila. E ako? Isang binder. May payong, etc.
"Nga pla, nagtext si mama."Sabi nito.
"Anong sabi?"
"Punta raw tayo sa bahay. Nagluto na raw siya ng lunch." Sabay ngiti.
"A-ah, e-eh... k-asi...." Putol putol kong sabi. Kinabahan ako.
"Please loves." Sabay puppy eyes sakin.
Ready na ba ko? Ready na ba kong makilala ng family niya? Hindi ako sanay kasi first time ko itong gagawin. I think naman wala namang masama kung papayag ako diba? Mabait naman sila e.
"Sige na nga!" Sabi ko.
Tumayo na kami. Si Kevin naman ang nagbitbit ng bag ko. Hawak-hawak niya ako sa kamay. Mukhang nagmamadali. Excited ata. Ako naman ito, hindi mapakali. Hindi ko alam ang unang sasabihin ko kapag kaharap ko na sila. Help me! Nakasakay na kami sa jeep. Kami ang unang pasahero. Nagpupuno pa kasi ito. Nag-abot agad ng bayad si Kevin. Sa bungad lang kami umupo. Kalong-kalong niya ang bag ko habang hawak-hawak ang kanang kamay ko.
"Thank you!" Mahinang sabi niya sakin. Pinisil niya pa ng konti ang kamay ko sabay kiss sa forehead ko.
Hindi naman agad ako nakapagsalita. Marahil nagulat ako sa ginawa niya. Pero ang totoo kinikilig ako ngayon. He just kissed me again for the second time. Nakaramdam ako ng antok. Napahikab ako. Napansin naman ito ni Kevin. Hinilig niya ang ulo ko sa braso niya. Hawak-hawak pa rin niya ang kamay ko. Wala naman akong nagawa kundi ang ilagay ang ulo ko sa balikat niya. This feeling is sooooooo undescribable! Ang sarap sa feeling!
Umaandar na ang jeep. Mas lalo akong kinakabahan. Eto na to Janina! Wag ka na kabahan. Andito na e. Wala ng urungan! Kasama mo naman si Kevin e. kaya relax lang. Chill!
"Malapit na tayo!" Sabi ni Kevin.
"Napaangat naman ang ulo ko." Napasilip ako sa bintana.
"Naghihintay na raw si Mama. Si papa pumasok na raw e. si kuya naman papasok na yun maya-maya. Pero maaabutan pa natin yun." Sabi nito.
"Kinakabahan ako."
Natawa lang si Kevin sa sinabi ko sabay para sa jeep. Nauna siyang bumaba at inabot ang kamay ko. Patawid kami ngayon. Ako naman parang nawala sa sarili. This it na!
"Sasakay pa tayo ng tricycle." Sabi nito.
May mga nakapila na ngang tricycle. Sumakay naman agad kami. Nagspecial na kami. Napatingin naman sakin si Kevin habang nakasmile.
"Loves ang cute mo!"
"Wag kang ganyan. Kinakabahan talaga ako." Mahina kong sabi.
"Wag ka kabahan. Promise makakasundo mo sila." Sabay nagpromise sign.
Pumara na si Kevin. Ownose! Andito na kami. Bumaba na siya at inalalayan ako. Ito na nga ang bahay nila. May gate rin tulad samin.