Finally, I'm home! So damn tired. Wow! My loves texted me.
From: Loves
Hi mahal, nakauwi kana? I miss you.
To: Loves
Aww. Yes mahal. I'm home. You? I miss you more.
Kilig mats ako! Moment namin to e. Di ko siya naitext kanina. Kaya namiss namin ang isa't isa. Haaay! Feg-eveg nga naman.
From: Loves
I want to see you na. Your beautiful face.
Blush blush blush. Pulang pula na ata ako. Maganda raw ako? Sabagay, girl friend niya ako. Alangan naman na sabihan niya ko ng panget, patay siya sakin. Haha. By the way, back to reality na. Haha.
To: Loves
Ayieee. Kilig much na ako loves ha! Hihi.
From: Loves
Siyempre. Araw-araw kaya kita papakiligin. Loves, kita tayo bukas. After ng NSTP mo. Please?
Nagulat ako sa text niya. Owmaygas! Hindi ko alam ang sasabihin ko. Speechless ako. Kinakabahan ako. Lub dub lub dub. Pero siyempre ayaw ko naman na magtampo ulit sakin to. Kayaaaaaaaa....
To: Loves
Sige loves. After NSTP, see you at 11 sa SM Southmall.
From: Loves
Yehey! I'm so excited my loves.
Ewan ko ba. Kanina parang kinakabahan pa ko na makita ulit siya, pero ngayon parang nawala na. Ganun ba yun? Pangalawang beses na naming magkikita.
"Anak, kakain na!" Tawag sakin ni mama.
Panira naman ito ng moment e. Haha. Jokes. Tinext ko naman si loves na kakain muna ko. Sinabihan ko rin siya na kumain na rin.
Konti lang ang kinain ko. Nagrereduce na kasi ako. Para sexy ako bukas. Haha. Pagkakain ko ay pumunta agad ako sa kwarto. Magmomoment ulit kami ni mahal. 8:30 na pala. Walanjo. Bilis ng oras.
Back to our moment na ulit kami. Sabi ni loves, sobrang excited na raw siya para bukas. Ako din naman naeexcite na. Can't wait. Yiieee! Past 9 nang mag-aya si Kevin na matulog na. Magbeauty rest na raw kami. Aba! Bading si mahal? Haha.
Naggood night na kami sa isa't-isa. Bakit ganito? Hindi ako makatulog. Hindi ako mapakali. Napapasmile na lang ako bigla habang nakahiga. Sign ba ito ng excitement? I think so.
-
Saturday. Judgment day! Haha. Joke.
6:30 ako nakarating sa school. Andun na rin sa ground ang ibang classmate ko. Nakijoin na rin ako sa kanila. Aba si Mysh, wala pa. Nyare dun? Maitext nga.
To: BFF-Mysh
Bff, where na you? Dito na me.
From: BFF-Mysh
Lapit na me. Labyu.
Parang may sapak lang e. Baliw! Maya-maya nga ay dumating na si Baliw. Mukhang natatawa-tawa pa ito dahil marahil siguro sa text niya kanina. Pero natawa rin ako sa text niya. Haha. Di lang halata.
"Labyutoo!" Bungad ko sa kanya.
"Bangag!" Sigaw naman sakin nito.